Chapter 3 - My Bestfriend

8 0 0
                                    

11:11 pm
'11:11 Books' tweet sent✔

Normally, after ko laging magtweet ng 11:11 inaantok nako at matutulog nako pero this time, Hindi pa din ako makatulog and i dont know why. Siguro kase hanggang ngayon iniisip ko padin kung sino yung Jayce nayun. Pero wait! I remember him na! Siya yung palaging kinekwento sakin ni Kerwin nung seatmates pakami kesyo daw MVP lagi sa basketball tuwing may liga pa at marami pang iba basta ang point niya magaling talagang magbasketball. Tho, nakilala ko siya nung nagintramurals kami dahil nakalaban ng section namin ang section nila and base sa mga nakita ko, aba, magaling nga. Isa panaman sa mga ideal man ko (galing sa wattpad) yung mga ganun.

Basketball Player ✔

Siguro nga im starting to like him na kahit hindi pa kami nakakapagusap at di ko nga sure kung kilala ba niya ako.
Errr. Anyway, stop na. Kailangan ko ng matulog at maaga pa ako bukas. I mean mamaya. Its already 12:51 hindi ko na namalayan kaka daydream ko.
-----
8:00 am
*Kring kring kring*

Uhhhhhh. Bat parang ang aga ko namang napabangon ngayon? Weird. Kadalasan inaakyat pako ni mommy para lang gising eh pero who cares, magandang pagbabago 'to! Mwahahaha.

Ginawa ko na ang daily routine ko tuwing umaga at kumain na agad pagbaba. As usual, nangasar nanaman ang mga kapatid kong panget. At dun natapos ang mahiwagang breakfast namin at go na go na ko sa school.
-----
*Austin Sommerfield Academy (ASA)*

Pinapark ko na ang kotse ko ng may makitang akong pamilyar na kotse at napaka poging nilalang. WAH! Si Ck yun! Christian Karl!! Yung crush ko since Grade 4 hanggang ngayon! Hehe. Pero opps! Ulitmate Crush ko lang siya dahil pogi siya at magaling magbasketball. Pero di ko siya mahal or something kase to be honest, mayabang yun. Playboy pa! Eh pinaka ayaw ko talaga to the highest level yung mayabang at playboy! Kaya ayun.
Eto ako ngayon at nagpapark sa tabi ng kotse niya hihi landi ko ba? Sakanya lang oy.

Pagkalabas ko ng kotse ko sakto namang labas din niya. So syempre ako, nagsmile. Tapos shet! Nagsmile din siyaaaa! Kyaaaah!

So ayun, ang ganda lang ng umaga ko.
-----
*ASA Cafeteria*

"Hoy babae. Bat ka nakangiti? Hula ko nakita mo nanaman si Ck your labs no?" puna ni Ariana, Bestfriend ko.
Napa blush nalang ako ng de oras. Eh kese tetee nemen eh hehehe

"Sabi na nga ba. Hoy! Kala mo naman may pag asa ka dun" asar niya

"Excuse me. Ang ganda ko kaya. Ang ganda ganda. Kaya di malayong maging kami. Pero joke lang baka lokohin lang ako kaya okay nako sa pag sstalk sakanya" pataray kong sagot

"Oo, maganda ka. Magandang hambalusin netong tray na hawak ko. Hahaha!" asar pa niya ulit. Inirapan ko na nga lang ang gaga.

"Pero bes, alam mo, magboyfriend kana kaya. Ang daming nanliligaw sayo oh. Sayang naman mga fafabols mo binabusted mo lang. Eh kung ako? Aba sabay sabayin ko pa sila lahat! Mwahaha! Joke lang" -Ariana

"Echusera ka naman girl. Oo, pogi sila. Pero mahal ko ba? Malay mo lokohin lang nila ako. Okaya mahalin peri hindi ganun kamahal kase gaya ng sabi mo maganda ako, malay mo yun lang habol nila sakin tapos pag pumangit nako pagsasawaan at ipagpapalit nalang nila ako. Wag ganun bes, ayoko ng ganun" pageexplain ko.

"Not all guys are like your daddy Nadya. Puro ka 'what if' 'akala' 'malay mo' bakit? natry mo na ba lahat? Nakakaloka ka. Nilalahat mo sila lahat bakit, lahat ba natry mo na? Eh ni isa nga wala ka pang naging boyfriend so meaning wala kapang karanasan so dont judge them" pageexplain din niya.

"Di mo naman kase naiintindihan. Alam mo yung takot ko na baka magaya kay mommy? I've seen her pain through the years. And i dont want to feel the pain she have been through. Never" pagalit kong sabi.

"Kakambal ng pagmamahal ang masaktan Nadya. Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Tandaan mo yan" well yeah.

"Hindi pa ko ready, alam mo yan" pagpapaalala ko sakanya.

"I know pero hindi pwedeng forever kang ganyan. Baka gusto mong magaya dun sa tita kong matandang dalaga? Aba! Ang sungit sungit kala mo everyday may red alert susme" frustrated niyang sabi. haha totoo naman kase yang tita niyang walang asawa. Halatang bitter na bitter yung mukha haha!

"Pero Nadya, anytime pwede namang mawala yang takot mo eh. Siguro hindi pa ngayon pero someday mawawala din yan at hahanap hanapin mo yung taong magiging source of happiness mo. Dahil once na mawala na ang takot mo, matapang kanang harapin yung matagal mo ng dapat hinaharap. Dahil kapag nagmahal ka dapat matapang ka" advice niya. Yes, she has a point.

"May point ka. Kaya hihintayin ko nalang mangyari yan. Pero sa ngayon, kailangan ko na nating pumunta sa room dahil malelate na tayo at si Ms. Pampam nanaman ang teacher natin" matawa tawa kong sabi

"Oonga tara na, ayoko panamang maglinis sa buong soccer field hahaha!" and with that, sabay kaming umakyat papunta sa room habang tumatawa.

I really really love this bitch. Kahit na minsan nagkakatampuhan kami, lagi naman siyang nanjan para sakin. She's like my sister. My sister from another mother.
And i really really love her.
-----
"Class Dismiss"

Woohh. Tapos na salamat naman.
Pero, ayun, maglilinis nanaman ako hays.

"Hoy Nadyabells, tara sabay na tayo papuntang soccerfield" -Ariana

"Ha? Di ka pa uuwi? Maglilinis pako eh" nagtataka kong tanong.

"Sasamahan kita ayaw mo? Napagisip isip ko kase wala naman ako gagawin sa bahay so might as well samahan nalang kita lagi para narin may kachikahan ka habang nagpapaka yaya haha!" uhhh, sweet na sana bestfriend eh.

"Naks, love na love mo talaga ako no? Sabagay, sa ganda kong to marami talagang gustong maging kaibigan ko pero swerte kanalang kase ikaw pinili ko" asar ko pa haha!

"Hoy kala mo ganda talaga oh. Mas maganda ako sayo wag kang ano jan. Wala lang talaga akong magawa kaya sasamahan kita. Tara na nga!" pairap niyang sabi

"Wushu. Ayaw pang aminin"
Napairap nalang siya haha! Pero wait ayoko dito dumaan.

"Hoy bes, wag tayo dito dumaan. uhhm, kase maraming tao kaya dun nalang tayo sa may faculty dumaan"

"Aba at bakit naman? Usually naman dito tayo dumadaan ah? Bakit? May tinatago kaba?" nagtataka niyang tanong. Uh-oh.

"W-wala lang ano kaba. Para naman uhh, maiba. Yun, para maiba hehe" sana umeffect pls.

"hmmm, okay sige. Halatang may tinatago ah.. malalaman ko rin yan hmp" -Ariana

"Wala nga! 'To naman oh" sabay smile at dun na nga kami dumaan.

Kase kaya ko gusto dumaan dun kase duon yung classroom nila Jayce  hihi.
-----
Ariana Marie

Hmmmm, mukhang may tinatago tong babaeng 'to. Halatang halata. Kala niya siguro di ko siya kilala. Aba, kahit utot niya alam ko kaya wag na wag siyang magtatago sakin. Pero sa ngayon iintindihin ko muna at oobserbahan ko tong Nadyang 'to.

"Hoy, bat ba tingin na tignin ka jan sa classroom na yan?" puna ko. Pero no comment naman siya. Hmm, i smell something fishy. Eh kase naman. Pagdaan na pagdaan namin yung mata niya nakafocus dun sa classroom na yun. St. Albert The Great yung section. Eh all boys yun eh. Abaaaa! Mukha ngang may tinatagong kalandian to si Nadya eh di naman yun yung classroom ni Ck sa taas pa. Jusko Lord! Mukhang may crush ata tong si Nadya! Sana nga! AMEN!
-----

Holaa! Yung pronounciation po ng 'Jayce' ay 'Jeys' at hindi po 'Jey see' yun lang po thankyou! Enjoy reading! Mwa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From Wattpad to RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon