Minsan ba iniisip mo na parang ang unfair ng buhay at hanggang wattpad lang ang happy ending? Minsan ba iniisip mo na sana ikaw nalang yung isa sa characters ng story? Eh paano kung yang binabasa mo eh maranasan mo rin sa totoong buhay? Hi, Im Alexis Nadine Lustre, a wattpad addict. Mahilig akong magbasa ng fiction books but not academic books. Pinapangarap ko na sana balang araw, ang magiging love story ko ay kagaya sa mga wattpad stories. Pero alam ko namang impossible yun. Pero there's a feeling in my heart na ayokong magaya sa mga wattpad stories. Bakit? Kase hindi lahat may happy ending. Common ang tragic ending at lalo na ang heartbreaks.
Honestly, ayoko ng mga heartbreak thingy at lalong ayoko maranasan yun. Bukod sa nakikita ko kung paano lokohin ng daddy ko ang mommy ko, ayokong masayang ang buhay ko kase once daw na masaktan ang isang tao, pati buhay nito nadadamay. And i dont want that to happen. Never. So, para makaiwas sa ganyang eksena, i promised myself that i will never fall inlove, ever. Pero sabi sakin ng bestfriend ko, "Gusto mong matry or ma experience ang mala-wattpad na story sa totoong buhay? pero ayaw mong mainlove? Eh isa atang requirement sa wattpad ang pagiging inlove eh."
Pero ang sabi ko, "Kaya nga para walang gulo, wag nalang. Kase baka pag nagtry ako, malaki ang mawala sakin." Nagulat ang bestfriend ko sa sinabi ko. Kase banaman, ang gulo gulo ko. Na kahit ako mismo, gulong gulo na sa sarili ko. Akalain mo nga naman, 17 years old nako NBSB parin ako. Samantalang etong bestfriend ko lagpas na sa lima.
Habang nagdadaldal ako dito, di ko namalayan na may sinasabi na pala tong kausap ko. "Alam mo bes, ang gulo mo. Gusto mong masubukan ang isang bagay, pero natatakot kang subukan yun." And that made me shut up. Natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong magkamali. Natatakot ako kase ayokong magaya sa mommy ko. Pero on the other side, Can wattpad really happen in reality?
BINABASA MO ANG
From Wattpad to Reality
Novela JuvenilIto ay isang kwento ng isang babaeng 'Hopeless Romantic' kumbaga. Adik sa Wattpad at nangangarap makaranas ng isang bagay na madalas ay nababasa lamang niya. Pero ang catch? Takot siya. Takot masaktan, Takot mawalan. Simple as that. Pero kaya bang...