09

4 2 0
                                    

Elyse's POV

"Hoy gago mag sisimula na daw, ang bagal nyo mag lakad pucha." Rinig kong reklamo ni Theo kina Bryle. Tapos na kasi kami sa class naming ngayon kaya pupunta kami ngayon sa gymnasium para manood ng laban nina Kai. May ibang students din na nag stay muna para manood din sa kanila.

Kasabay na naming pumunta don sina Liam. Sina Seb naman ay nauna na ron dahil kasabay nila si Kai don. 

Binilin ko din sa kanila si kai at Nathan dahil baka mag kainitan yung dalawa habang wala kami. Mukha pa namang parehas may anger issues yung dalawa.

Mabilis din naman kaming nakarating don dahil nagmamadali na din kami. Baka kasi nag sstart na yung game. Agad kaming pumewesto sa bleachers. May mga ibang section at strand din dito.

"Grabe mga Section A no? Sila sila lang din ang nag lalaban laban." RInig kong sabi nung isang student na nasa likod namin. Taga ABM 12-B yata to.

 "They treat each other as enemies, wala kang maaasahan na 'friendship' sa mga highest section." Sagot naman ng katabi nyang babae na ikina gigil ko.

"Hayaan mo na lang pres, God knows naman how close and true we are to each other. We're not like others." Bulong ni Kiara na nasa tabi ko din pala, napansin yata nyang medyo nainis ako sa sinabi nung babae. 

Tinanguan ko na lang sya bilang pag sang ayon. Kiara's right, they don't know anything about us kaya ganyan sila mag salita.

Ilang minuto lang ay lumabas na yung dalawa na naka jersey. Wala akong kakampihan sa kanilang dalawa dahil it can make the situation worst. I'm just to watch them, at para na rin umawat kung sakali mang may mangyaring away.

 I saw Kai winked at me kaya naman inirapan ko na lang sya playfully.

Nakita ko din naman ang pag irap ni Nathan sa hindi ko alam kung sino. Nag simula na din naman ang game after some warm ups. 

Medyo malakas ang cheer ng mga students ng mga simulang mag agawan sa bola yung dalawa. Half yata ng senior highschools ay nandito. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa laro nung dalawa.

"I can feel the tension from here." Natatawang sabi ni Vienne na ka row lang din namin. Kahit naman ako ay nararamdaman din yon. Parang anytime nga ay mag sasapakan na sila. Some students cheered ng mka shoot si Ramirez. I didn't know na he's good at basketball pala.

Kaya nga sya naging captain Elyse boba ka ba.

Medyo lamang si Nathan pero nagagawa namang humabol ni Kai. Napa sapo na lang ako sa noo ng makitang ng aasar si Ramirez at mukhang pikon na pikon na naman si Kai. Ganto ba talaga bonding nila? Mag tanim ng sama ng loob at galit sa isa't isa?

"Beh, nagugutom na ko." Rinig kong reklamo ni Mika. Medyo matagal na kasi kaming nanonood dito dahil hindi matapos tapos yung game sa sobrang galling netong dalawa.

"Ako din, tara bili tayo! Mukha namang mamaya pa matatapos yan." Aya ni Adi at nag agree naman tong isa.

Nag dadalawang isip pa ko kung sasama ba ko dahil baka may mangyari dito mamaya. 

"Mabilis lang us te, Malaki na naman yang mga yan. Kaya na nila sarili nila" Natatawang sabi ni Mika na naka tayo na. Alam kong sina Ramirez ang tinutukoy nya.

I sighed at tumayo na rin dahil wala na naman akong magagawa. "Adei, kayo muna bahala dito ha. May bibilhin lang kami sa cafte." Bilin ko sa kanila bago kami lumabas ng gymnasium.

"Elyse nyo kabadong kabado HAHAHA." Pang aasar ni Mika sakin pag kalabas na pagkalabas naming don. Prang iniintay nya lang kami lumabas para makapang asar sya. Tumawa naman si Adi don kaya inirapan ko na lang sila.

My Sweet EscapeWhere stories live. Discover now