Kabanata 18

212 10 0
                                    

#DSKabanata18

TW: Sexual Harassment, Suicide


MARIIN NA NAKATITIG sa akin si Jasper habang nakaakbay si Jolo sa akin. Hindi siya nagsasalita pero halatang may gusto siyang sabihin sa akin.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang sabihin niya 'yon sa akin sa tawag. Simula no'n lagi siyang nakatanaw sa akin kapag kausap ko si Luther sa school—na minsan hindi maiiwasan dahil magkagrupo kami sa mga ilang activity.

"Gago, Claude! Display ka lang ba diyan? Tangina, shot!"

Mahina akong natawa sa sigaw ng isa sa mga ka-block ni Jolo. First year college na sila kaya, ganyan sila kung makapag-bulakbol. Well, what can I say? College gives students more freedom compared to high school.

Kinuha ko ang inabot niyang shot glass at inisang lagok 'yon. Napangiwi pa ako sa pait dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa lasa no'n. Inabutan ako ni Jolo ng coke pero umiling ako winagayway ang kamay ko bilang pagtanggi pero nang makita ang matiim niyang titig ay tinanggap ko na rin.

"You should partner that liquor with coke. Trust me. It will taste so much better," he whispered behind my ear.

Pilit akong ngumiti sa kaniya bago uminom sa coke. Tumayo saglit si Jolo para pumunta sa restroom at alam kong gagamitin na ni Jasper ang pagkakataon na 'to para magtanong ulit.

"Claude? Bakit ba sumasama ka pa rin kay Jolo?" Bulong niya habang sumisimsim sa hawak niyang baso.

"He's a . . . friend."

"Is he kind to you?"

Napakunot ang noo ko sa klase ng mga tanong niya. Lagi siyang ganyan magtanong simula nang malaman niyang nakakasama ko si Jolo. Noong mga unang araw ay hinayaan ko siya pero unti-unti na akong nagiging kuryoso kung bakit ganoon na lang ang mga tanong na ibinabato niya sa akin.

I wanted to get some help, pero hindi ko magawa. Mas nangingibabaw sa akin na hindi ko pa muna dapat pagkatiwalaan ng lubos si Jasper.

Paano kung sinabi ko kung ano ang ginagawa ni Jolo at ilaglag lang niya ako?

I don't want to make the situation worse than it already is.

"'Yung totoo, Jasper?" Panimula ko. "Bakit palagi mo akong tinatanong ng ganyan kay Jolo?"

"Wala!"

He sounded so defensive, kaya hindi ko magawang maniwala.

"I just wanted to know if you're okay and if you're... doing fine."

"Okay ako," wika ko.

"Then why did I see a bruise on your arm earlier?"

Natameme ako sa sinabi niya. "Bumangga lang 'yung balikat ko sa hamba ng pinto nung isang araw . . ."

"Bumangga? Pero violet na violet 'yung pasa. May sugat ka pa no'n sa labi mo. That doesn't look fine to me, Claude."

"Okay nga lang ako!" Giit ko. "And why do you care? Pagkakatanda ko, hindi ka naman nakikialam sa problema ng iba. 'Di ba nga? Sarili mo lang naman ang iniintindi mo?"

Then I stood up and walked out from the room we're in.

Alam ko masyadong harsh 'yung mga sinabi ko pero totoo naman. Hindi na niya kailangang magkunwari na may pakialam siya sa buhay ko at nag-aalala siya sa akin.

Lalo na ngayong alam kong wala namang makakatulong sa pinagdadaanan ko ngayon.

Ngayon, pinagsisisihan ko na kung bakit pa ba ako umalis ng bahay ng gabing 'yon. Dapat nanahimik na lang ako sa bahay.

Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon