#DSKabanata02
TRUE TO THEIR words, they really treated me like their real family.
"Claude, ito ang magiging kwarto mo ha?" malamyos ang tinig ni Tita Gianna pagpasok naming sa kwarto ko. Puno na 'yon ng gamit at wala na akong hahanapin pa.
Maayos ang kama at may comforter pa. May split-type na aircon, isang mesa na may ilaw, may dalawang pinto sa gilid at isang malaking bintana sa gilid ng kwarto. Kita mula doon ang likod-bahay na may swimming pool.
"Masyado naman po yatang magara 'tong kwarto, tita. Nakakahiya po. Baka may masira ako.
"Ano ka ba! Pamilya ka na namin! Sa'yo na 'tong lahat! Huwag mo na rin isipin pa na bayaran kami ha? Regalo namin sa'yo 'to."
Maluha-luha ko siyang niyakap na sinuklian niya rin. Humikbi na ako sa balikat niya habang hinahagod niya ang likod ko, tila pinapatahan ako.
"Salamat po. Napakabait niyo po," mahinang usal ko.
"Wala 'yon, Claude. Tinulungan mo ang anak namin ng walang hinihinging kapalit, kaya ibabalik namin sa'yo ang pabor."
Marahan akong ngumiti sa kanya. Kumalas siya sa yakap at tinulungan akong ipasok sa loob ng closet ang mga gamit ko.
"Claude, nakapatong na rin sa mesa mo ang mga regalo ni Tito Philip mo," paalala niya at tuluyan nang lumabas.
Tinignan ko ang mesa ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang iba't ibang gadgets na nakapatong doon. May laptop, may cellphone, may iPad, at may computer set din. Lahat pa 'yon ay mukhang mamahalin pa.
Lalabas sana ako para isauli ang iba pero bumungad sa akin ang mukha ni Luther pagbukas ko ng pinto.
"Hey," bati niya.
"Hello."
"Uhh... this is my gift. For you..." mahinang usal niya at inabot sa akin ang isang kahon.
Binuksan ko 'yon at laman no'n ay ang sapatos na kapareho ng kanya noong nagkita kami sa karinderya.
"Huwag mo ng tanggihan. That is my welcome gift for you. Actually, everyone has a welcome gift for you."
Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya. Tuluyan ng tumulo ang luha ko nang iangat ko ang tingin ko.
"Salamat," wika ko. Marahan niyang pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng kamay niya.
"Welcome home, Claude."
KINAGABIHAN ay sabay-sabay kaming nagsalo sa hapunan. Nakilala ko rin ang katulong at driver nila na sina Manang Carmen at Kuya Moodz. Naaliw ako sa mga kwento nila at pagtanggap nila sa akin.
Pagkatapos kumain ay naiwan kaming apat nila Luther, Tita Gianna at Tito Philip sa hapag.
"Claude, we want to enroll you sana sa school din ni Luther. Kung kaya mo na," panimula ni tita.
"Kaso grade eight pa po simula nang tumigil po ako," sagot ko.
"It's okay. We'll hire a tutor for you or if Luther is willing to help and teach you, then that would be great."
"I'll help him, mom," mabilis na ani Luther.
"Then it's settled! You still have two months pa naman, Claude, and the school already told me na bibigyan ka nila ng special exam to determine kung anong grade ka papasok this school year."
"Salamat po," nahihiyang hayag ko.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng hawakan ni Tito Philip ang balikat ko. "We're glad you're okay now, Claude. And we're happy to have you here."
Nanginig ang buong katawan ko dahil doon pero hindi ko gaanong pinahalata sa kanila. Nagsimula na rin maglikot ang mga mata ko. Nahinto iyon kay Luther na pinagmamasdan ako.
"A-Ako rin po."
"Sige na. Magpahinga ka na muna, Claude. Alam namin pagod ka," sabi ni tita.
Tumango ako at mabilis na umakyat sa kwarto ko. Pagsara ko ng pinto ay taas-baba ang dibdib ko sa kaba at hindi pa rin tumitigil ang panginginig ko. Napadausdos ako paupo sa pinto habang yakap ang sarili ko.
Mabait si Tito Philip... Mabait si Tito Philip...
Pero nakakasiguro ba ako doon?
Natigilan ako dahil may kumatok sa pinto.
"Claude? Are you okay?" boses ni Luther.
"A-A-Ayos lang ako," napapikit at napalunok ako dahil pati boses ko ay nanginig na rin.
"No. You're not," sabi niya. "Can I come in?"
Makikinig ba si Luther sa akin?
Dahan-dahan, binuksan ko ang pinto. Mukhang nabigla siya sa itsura ko at mabagal niyang inangat ang kamay niya.
"Pwede ba kitang hawakan?" tanong niya.
Tumango ako. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng ginhawa kapag nakikita ko siya o malapit ako sa kanya, kaya nang yakapin niya ako ay kumalma ako.
"Shhh. It's okay, it's okay. Nakita kita na nanginginig ka kanina sa hawak ni dad," bulong niya.
"I don't know what you've been through but I want to tell you and always remind you that we won't hurt you like what the other people from your past did to you. Nandito na kami, Claude. You don't have to be afraid anymore," pagpapakalma niya sa akin.
Luther continued doing that, everyday as he tutored me. He also found out my nightmares and the times I tried cutting myself.
He helped me, somehow, in overcoming my fear with men. Hindi na ako nanginginig kapag napapalapit kay tito, nakakakaya ko na rin kapag hinahawakan ako ni tito sa balikat. Minsan nga ay lumalabas pa kami ng kaming tatlo lang.
Slowly and bit by bit, I'm feeling better. I feel like I'm in the process of healing now. In just a month, napanatag na ang loob ko. Madali ko rin naiintindihan na ang mga lesson na tinuturo sa akin ni Luther. Hinayaan na rin ako ni tita na magself-study.
I can say that I finally found my peace.
Or so I thought . . .
BINABASA MO ANG
Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]
Teen Fiction(PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE) COMPLETED All of Dalen's love and hope crumbled down when the people whom he regarded as family, destroyed not only his body, but also his dignity. Carrying his new hope of turning his life upside-down, he...