#DSKabanata01
ANG INGAY.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at agad akong nasilaw dahil sa maliwanag na ilaw. Napapikit ako ulit at marahang ibinuka ulit ang mga mata ko. Napatingin ako sa gilid ko na nagbi-beep at nakitang machine pala 'yon na nagdi-display ng heartbeat ko at ang tunog ng tv sa harap ko
Nagulat ako ng may dumalo sa aking babae. Mukha siyang mayaman at... nag-aalala?
"How are you feeling? Natatandaan mo ba kung anong nangyari sa 'yo?" Tanong niya.
"Si-Sino po kayo?"
"You helped my son two days ago," napakunot ang noo ko sa sinagot niya. "I'm Luther's mother."
Mabilis akong kumilos para umupo pero napapangiwi lang ako sa sakit ng katawan ko at dahil na rin nanghihina ako. Mabilis akong dinaluhan ng ginang at tinulungan akong umupo. Inangat din niya ang kama ko ng kaunti para may masasandalan pa rin ako.
"Nanghihina pa 'yung katawan mo dahil ilang araw kang tulog at grabe ang mga tinamo mong pasa. Nabugbog ka, natatandaan mo?" Tanong niya. Marahan akong tumango.
Inabutan niya ako ng tubig na agad kong ininom dahil nararamdaman kong tuyot ang lalamunan ko.
"Do you... remember what happened... next?"
Napatigil ako sa pag-inom ng tubig at saglit na natulala. Kahit na nanghihina ay nagawa kong maikuyom ang kamao ko pero tinago ko 'yon sa gilid. Ibinaba ko muna ang basong iniinuman ko bago umiling.
"Kahit ano?" Kita sa mukha niya na may hinihintay akong sabihin.
Pero kahit naalala ko at sariwang-sariwa pa sa alaala ko na tila kanina lang nangyari ang lahat, umiling ako.
She seems bothered and relieved at the same time by my response.
"May contact ka ba sa pamilya mo na pwedeng sumundo sa'yo dito? O kahit bumisita lang?" Wika niya habang nagbabalat ngayon ng prutas.
"Wala po," mahinang usal ko. "Wala na po akong pamilya."
Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko at nagtanong ulit. "Kamag-anak?"
"Wala po. Hindi ko na rin po alam kung nasaan sila," tugon ko.
Hindi siya nagsalita sa naging sagot ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbabalat ng prutas. Napatingin ako sa pinto ng pumasok doon si Luther.
Tipid akong napangiti ng makita siya at dahan-dahan na kumaway pero wala naman akong nakitang reaksyon o kahit anong emosyon sa mukha niya. Tinanguan niya lang ako at nilapag ang paper bag na bitbit niya at umupo sa isang couch sa harap ng kama ko.
"Luther, I'll go out for a bit. I'll talk to your dad about something. Help him while I'm gone," sabi ng babae at inilagay sa harap ko ang plato ng mga prutas. "Babalik din ako," ngiti niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at sinuklian ang kanyang ngiti. Pinanood ko lang siya hanggang makalabas siya ng pinto. Pagkaalis na pagkaalis niya ay nagulat ako ng nakaupo na si Luther sa pwesto ng mama niya kanina at nakikikain sa prutas sa harap ko.
Tinaasan niya ako ng kilay ng makita niya ang titig ko.
"Eat. Ayaw mo ba?"
Umiling ako at agad kumuha ng isang pirasong mansanas at kinain 'yon. Napangiti naman ako dahil ang sarap ng mansanas at ngayon lang ako nakatikim ng gano'ng klase ng mansanas!
Sunod-sunod akong kumain hanggang sa naubos ko ang lahat ng mansanas sa plato. Sunod kong kinain ang orange at kagaya ng mansanas, matamis din 'yon.
"Is it that delicious?" Kunot-noong tanong ni Luther. Punong-puno pa ang bibig kong tumango nang mabilis.
BINABASA MO ANG
Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]
Teen Fiction(PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE) COMPLETED All of Dalen's love and hope crumbled down when the people whom he regarded as family, destroyed not only his body, but also his dignity. Carrying his new hope of turning his life upside-down, he...