School days is really making me mad.. I must get used to it because its my last year in high school..
Daming projects daming gawain nakakasawa na kasi paulit ulit na lang ang ginagawa ko sa araw araw ..
Gigising. Kakain. Maliligo. Papasok. Kakain. Uuwi. Matutulog.
Ganyan na lang parati.
Hay ! Kelan nga ba nagbago ang takbo ng buhay ko eh ganun naman talaga parati eh .
Tulad ngayon nasa loob na ako ng kotse ko para pumasok sa school ..
Pagkalipas ng ilang minuto nakarating na ako .
Hindi ako dumiretso sa classroom dahil alam kong magiging boring nanaman ang araw na to .
Hindi pa kasi official ang umpisa ng klase eh.. Next week pa..
Pumunta ako sa madalas kong puntahan sa soccer field sa pinakamataas na bleachers ako naupo at inilabas ang aking ipad at nagpatugtog ng paborito kung kanta ang I'd lie ni taylor swift.
Parang bawat salita nito ay tumatama sa akin . Lalo na sa line na If you ask me if i love him i'd lie.
Dahil oo nagsinungaling ako nung itanong ng mga kaibigan niya kung mahal ko siya .
Sa muling pagdalaw ng alaalang yun sa aking isipan ay muling pumatak ang luhang matagal ko ng pinipigilan.
Napangiti ako ng mapait sa aking mga napagdaan.
Isang taon na ang nakararaan . Isang taon ko ng pinagsisihan ang bagay na iyon pero pagkatapos ng pangyayaring iyon hindi na siya nagpakita wala na akong balita sakanya.
" Zairene ....... "
Huh? His voice is coming back again...
" Zairene..... "
His voice is haunting me again ....
" Zai !! "
Nagising ako sa tawag ng isa kong kaibigan si Kay...
Nananaginip lang pala ako .. Akala ko ay kung totoo na ...
" Si France nanaman ba ?
Nagaalalang tanong niya .. Tumango ako para iparating sa kanya na tama siya . Alam na alam niya talaga kung san ako hahanapin pag di ako pumasok.
Siya lang ang naging pinaka bestfriend ko at alam din niya ang hirap na pinagdaanan ko nung hindi na nagpakita sakin si France one year ago.
Natutuwa rin ako na nagkaroon ako ng kaibigan na gaya niya.