Nagising ako sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko at ngayong araw na din ang official na start ng klase kaya nagpasya na akong magayos at pumunta ng school..
Balik ako sa dati kong ginagawa ang sumakay sa kotse ko papunta sa school..
Ito na ang umpisa ng gagawin kong pagbabago..
Pagkarating ko sa school ay agad na akong pumunta sa room ko at humanap ng mauupuan ...
Kumaway si Kay upang makuha ang atensyon ko at senenyasan nya ako na sa tabi niya na lang ako maupo .
Tumango ako at ngumiti saka naglakad patungo sa tabi ng upuan niya..
" Wow. Mukhang maganda ang gising mo ah ... Kamusta ka na ba ? "
Tanong niya .. Sa palagay ko ay natutuwa siyang makita na okay na ako..
" Better than yesterday.. Thanks for your advice Kay ! "
Sincere na saad ko .. At nagkwentuhan pa kami ng matagal..
Natigil lang iyon ng may lalaking pumukaw ng atensyon ko ..
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pero bahagya akong nadisappoint ng kamukha niya lang pala ang nakita ko at hindi siya mismo...
Naguunahan nanaman ang pagpatak ng luha ko pero pinigilan ko iyon ..
Napansin kong nakaupo na pala sa tabi ko yung lalaki kanina at nagtatakang tumingin siya sakin.. Saka umiling..
Siguro napansin niya na naluluha ako kaya't ganuon na lamang ang reaksyon niya ..
" Tsk. Weird .. "
Bulong niya at napalingon ako sakanya
Sa paglingon ko sakanya duon ko napansin ang bad boy features niya..
May hikaw sa gilid ng kanyang kilay at 3 pang hikaw sa left ear niya..
Tsk.. Mga lalaki nga naman...
Tsk.. Ang angas niyang tignan sa palagay ko kapag nagyabang siya ay mapupunta ako sa kabilang room dating palang niya parang ang hangin na ...
Tsk.. San kayang school galing to ..
" You don't have the right to stare at me Weird! "
Nakangisi at puno ng kayabangan niyang sabi...
Tsk...
" May morning stars ka pa kasi .... Eew... "
Pinigilan ko ang matawa sa sinabi ko .. Wala naman talaga pero dahil sa pagtawag niya saking weird.. Eeh pambawi ko na lang yan diba..
" Fuck... You weird... Your embarrasing!"
Gigil niyang sabi di ko na lang siya pinansin sabagay di ko naman siya kilala eh!
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa guro buong araw at umuwi agad sa bahay pagkatapos ng klase..
Habang nakahiga at yakap yakap ang teddy bear na ibinigay niya noong 14th birthday ko ay muli kong binalikan ang masasayang alaala namin..
Totoo nga ang sabi nila ... Ang masayang alaala ang makakapagpaiyak at ang nakakalungkot na alaala ay ang mga makakapagpatawa sayo..
Napabuntong hininga nalang ako at pumukit..