Hay...
Umaga nanaman ....
Pasukan nanaman....
Ako'y tinatamad nanaman....
Time Check - 6:45
Hay... 6:45 pa lang naman eh maaga pa.
6:45 ... 6:4---- What the heck!
Malelate na pala ako .. Argh!
Ay... Wait... Bakit pala ako nagmamadali eh di naman ako interesadong matuto ee..
Aish... Sige na nga papasok ako pero sa soccer field nalang ako mag-stay..
Tsk.. Tama sa soccer field nalang ..
Useless narin kasi kung papasok pa ako...
Nag-ayos ayos narin ako pero di ko na binilisan ..
Habang pumipili ako ng maisusuot ko
*bzzt bzzt bzzt*
Yung cellphone ko ng bavibrate..
May tumatawag.. Seriously... Sino naman kaya yun eh ke aga aga pa..
Uhm... Baka si Kay lang yun..
Tama baka si Kay lang ..
Dalidali ko namang kinuha yung cellphone ko sa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama ko ..
0912********
*calling*Huh? Sino naman to..
Unregistered Number..
Nagpalit na ba si Kay.. Sa pagkakaalam ko hindi pa eh .. Tsaka di niya hilig ang magpalit ng number...
Sinagot ko naman kasi baka importante..
" Hello ? "
Sabi ko sa kabilang linya 3 beses ko pang inulit ngunit di siya nagsasalita..
Nakarinig ako ng paghinga ng malalim sa taong tumawag sakin sa kabilang linya...
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ..
At di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan...
Di nagtagal binaba narin niya ito ...
Hindi kaya si .....
Aish! Bakit ka naman niya tatawagan tsaka isang taon na alanganamang alam niya pa yung numero...
Oo nga naman .. Baka nagkakamali lang ako...
*beep*
*0912********
Text message ....
Galing sa unknown number...
Tumibok ulit ng mabilis yung puso ko ..
Dahan dahan kung binasa kung anong nakalagay ..
At mas lalo akong kinutuban na baka siya nga ang nagtext dahil sa sinabi niya..
Dati parin pala ang # mo Zairene..
Dati.... Eto parin ung no na ginamit ko nung una kaming naging close ..
At hanggang ngayon di pa rin ako nagpapalit.....
Dahil umaasa ka parin na etetext ka niya?
Hmmm... Parang ganun na nga umaasa parin ako...
Imbes na pumasok at mag gala gala... Humiga nalang ako sa kama ko...
At nagisip isip ng maaaring dahilan kung bakit siya biglang nagparamdam....