The only part

1 0 0
                                    


From "Hoy ikaw lalaking mukhang tanga gusto kita" to "Akala ko iba ka sakanila pero ganon ka din pala" -Rachel Lee

From "Ako? Mukhang tanga? Baka ikaw" to "Ano ko? Alien?" -Minhyung Park

"Minhyungie~"
"Oh bakit nanaman tala?"
"Heyyy! Don't call me tala di naman yon pangalan ko"
"Tala, short for talak. Talak ka kasi ng talak"
"Napaka mo talaga minhyung! Dyan ka na nga"
"Tignan mo tong babae na to may sasabihin tas mag wawalk out bahala ka nga dyan"


Nagwalk out si Rachel dahil nga walang kwenta kausap si minhyung para sakanya. Kita sa mukha niya na naiinis siya dahil aamin na sana siya kay Minhyung pero sinira nanaman ng binata ang kanyang plano. Sa kabilang banda si Minhyung naman ay nag aalala dahil baka nasaktan niya ang feelings ni Rachel.

"Halata naman sa dalawang yan na gusto nila ang isa't isa" - Marites 1
"Sa true mare! Lalo na si Minhyung!" - Marites 2

Halos lahat sila sa campus na yon ay alam na may gusto ang dalawa sa isa't isa.

Timeskip

Intrams day
Si Minhyung ang team captain ng sophomore level. Makakalaban nila ang team nila ng ex boyfriend ni Rachel na si Yunoh. Matagal ng may alitan ang dalawa dahil si Yunoh ay isang cheater.

"Long time no see Minhyung!"
"Yunoh"


Nagsimula na ang laro at unti unting nagkakapersonalan si Minhyung at Yunoh lalo ng dumating para manood si Rachel sa gilid. Agad na lumingon ang dalawa para tignan at magpasikat kay Rachel. Pansin na pansin naman yon ni Rachel at nung nakitang nawawala na sa focus si Minhyung ay bigla itong umakyat sa stage kung saan nandun ang mga commentator.

"Hoy ikaw lalaking mukhang tanga gusto kita" Dali daling huminto ang laro at nagsitinginan ang lahat sa stage.
"Minhyung Park! Ikaw ang tinutukoy ko kaya ayusin mo yang laro"
Naghiyawan ang mga tao dahil sa sinabi na ito ni Rachel ngunit hindi inaasahan ng mga tao ang sinabi ni Minhyung
"Ako? Mukhang tanga? Baka ikaw" Napangisi naman si Yunoh sa sinabi ni Minhyung ngunit tumakbo si Rachel papalapit kay Minhyung at hinalikan ito sa labi at sinabing "Ipanalo mo to Minhyung kundi yari ka sakin" Natameme si Minhyung ngunit natauhan nung nakitang papalayo sakanya si Rachel.

Naipanalo ni Minhyung ang laro at agad agad hinanap si Rachel. Nakita niya ito sa loob ng Music Room kung saan mahimbing itong natutulog

"kung saan saan nanaman natutulog" pinagmasdan lang niya si Rachel hanggang napatingin ito sa kanyang labi hanggang sa parang magnet na lumalapit ito hanggang sa biglang dumilat ang mata ni Rachel at nagtataka sa lapit ng mukha ni Minhyung hanggang sa napagtanto niyang balak siyang halikan nito

"Akala ko iba ka sakanila pero ganon ka din pala" sabay sampal sa mukha ni Minhyung. Sa asar ni Minhyung "Ano ko? Alien?" sabay hawak sa pisngi niya.

"Akala ko gusto mo ko pero sinampal mo ko" pabulong na sabi ni Minhyung sa sarili
"gagalet naman to si inin ko"
"sabi ko sayo wag mo ko tatawaging inin"

Tawang tawa si Rachel sa reaksyon ni Minhyung bago pa man din makasalita at magprotesta si Minhyung ay kanya na itong niyakap at sinabing "Oo minhyung park gustong gusto kita" Niyakap ni Minhyung pabalik si Rachel.

"Gutom na ko. Tara kain na tayo"

Magkahawak kamay silang umalis sa Music Room.

SOMEONE'S POV
"Rachel Lee and Minhyung Park. Nice nice, my plans are working"

Kinuha nito ang kanyang telepono at may tinawagan

"Yunoh umaayon ang lahat sa plano, maayos naman niyang nagagawa yung plano" at ibinaba ang tawag.

Real QuickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon