Chapter 2

0 0 0
                                    

Gangsters

Mhaie POV

6:30 na palang ng umaga ng makarating ako sa school ayaw kasi ni lola na nalalate ako, medyo oa nga lang ang dating ko dahil 8 pa ang klase ko. Dahil maaga pa nga ay naisipan ko na tumambay nalang muna sa rooftop ng building namin.

Ng makarating sa taas ay agad akong kumuha ng bangko upang itabi ito sa Teresa ng rooftop at umupo sa tangpi nito. First year college, 3rd quarter ko sinimulang tumambay dito kapag wala akong magawa or kagaya ngayong maaga akong pumasok.
Isipin mang nakakatakot umupo dito ay sanay na ako minsan nga ay winawagwag ko pa yung paa ko sa baba kapag boring na talaga.

Habang nag mumuni muni ay nakikita mula dito sa taas na parami ng parami na ang dumarating na mga studyante kaya sinipat ko sandali ang cellphone ko kung anong oras na ba.
7:23 palang naman kaya hindi muna ako bababa mas nakaka boring kasi sa room kung duon pa ako tatambay.

"Oh god miss wag mong gagawin yan!
Ma susulosyunan mo pa yang problema mo wag mong idaan sa madalian" bila bilang sigaw ng kung sino. Agad naman akong napalingon dito dahil sa bigla, halos ako lang kasi ang tumatambay dito.

"Tsk oa mo, mag pakamatay ka nalang pero ako hindi, anong use ng kasungitan ko kung mahina naman ako deep inside tsk commonsense"
Pag tataray ko dito at umayos ng upo.

"Ayy haha alam mo rin palang masungit ka akala ko kasi ako lang nakakaalam noon" anitong si Drake at tumabi sakin. Tinignan ko lang ito ng masama at hindi na umimik.
"wowh shit ang taas pala dito
Hindi ka ba natatakot? Dito ka pa talaga umupo" dagdag pa nito saka umiwas ng tingin sa baba.

"malamang hindi ako na tatakot kaya nga nandito ako diba! Ikaw ano bang ginagawa mo dito, don't tell me sinusundan mo ako?"

"Pano kung sabihin kong oo"
Tumingin ito sakin ng napaka seryoso kaya napaiwas ako ng tingin.
"Joke lang ang kapal mo naman
Sino ka para sundan ko?" bigla nalang itong tumawa ng napaka lakas na kinainis ko.

Hinampas ko ito ng napakalakas dahilan ng pag ka hulog nya at ayon patay end of the story.....
Char agad itong nakahawak sa bakal na nakaharang sa inuupuan namin.

"Oyy Gagi ayoko ng tumabi sayo
Mamatay ako ng walang laban"
Agad itong bumaba at dumistansya sakin kaya natawa ako.

"Tsk tara na mahuhuli na tayo sa klase dami mong drama"
Bababa na ako nang lumapit sya sakin at inabot ang kamay ko upang matulungan akong makababa.

Nag simula na kaming mag lakad pabalik sa room, kaklase ko din kasi sya kaya iisa lang na landas ang tinahak namin.

Nang makarating sa room ay sya namang pag dating ng teacher namin sa first subject. Agad naman itong nag turo at sakanya na nakatuon ang pansin naming lahat.

"Excuse me mr. Gamvar"
3rd subject namin ng may dumating na kung sino. Hindi ko kasi makita dahil nasa labas pa ito.

"Yes Mr. Harris?"
Anitong si Mr. Gamvar
Harris? Harris...
Parang narinig ko na yung Harris na last name di ko lang maalala kung kanino.

Lumabas itong si Mr. Gamvar
At parang nag usap sandali itong dalawa. Maya maya ay pumasok na si Sir at humarap saamin.

"Mr. Samaniego, Miss Mhadrigarez, and Miss Garcia. Mr. Harris is excusing the three of you."

Ahhh naalala ko na si Mr. Harris ay walang iba kundi si Mr. President

Nang makarating kami sa hall ay agad agad silang nag simulang mag ayos nanaman.

"Masyado bang free ang time mo Mr. President kaya kahit hindi pa tapos ang klase namin ay nag yaya kana agad papunta dito"
Pag tataray ko. Nakakainis kasi
Ang ganda ganda na ng topic namin kanina sa chemistry tapos bila bilang mag yayaya.

MALAKAS IS A WOMAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon