Hello, Archers! Happy 500K! This is the sneak peak for Paper Planes' After Story. Please read with caution since nakakabitin! HAHAHA! The continuation will be on the book. Enjoy!
--
Entry #5
The Tragedy (Ejercito's P.O.V)
"WHAT DATE IS it today, hon?" Lena asked while fixing her seatbelts.
"March twenty-first?" I answered, checking my phone to verify.
"Hmm," she nodded and checked her wristwatch. "Let's go? Para maaga tayong makapagpahinga at makagala kinabukasan.
"Alright, hon," I smirked at her, looking back only to see the boys fighting for their spot again.
"Where's the princess, sons?" I asked. The two stopped pushing each other to whoever can sit beside the window.
"Nasa loob, Dad," ani ng panganay ko. "May naiwan pa atang baon daw sa loob, kasama si Zeijan."
I nodded, sinulyapan ko si Lena na nakangiti habang pinagmamasdan si Dash at Iñigo na natahimik sa pagtutulakan sa bintana. I watched her looking admiringly at our sons and it made me happy too.
We made them together, Lena. We made this family together.
"I'll go fetch the two first," paalam ko, "baka dalhin na no'n ang buong ref."
They laughed.
Iñigo answered, "you bet, Dad. H'wag mong pagsamahin 'yong dalawang 'yan pagdating sa pagkain, baka magsabong pa sila."
I went out of the car after, walking back inside the mansion to check on my children and as always, they're fighting inside.
"Akin 'tong chichirya! Pinabili ko 'to kay Kuya ko!" Zidney whined, hugging the pack of chips while Zeijan's fighting for it.
"Hindi kaya makikita ni Kuya Raf 'yan kung 'di ko tinuro kaya akin 'yan dapat," laban pa niya, "atsaka Kuya ko rin naman si Kuya Raf—"
"Kids..." I called. They stopped.
"Daddy!" nabuhayan ang mata ng bunso ko nang makita ako. Habang yakap-yakap pa rin ang pagkain niya'y tinakbo niya ang pwesto kaya sinalubong ko siya.
She immediately hugged my waist and hid her face on my chest. I chuckled.
"Daddy, oh. Si Kuya Zeij inaagawan ako ng chips! Gusto ko nga 'to, eh. Ako nagpabili kay Kuya Raf nito!" she chanted.
"Nakalimutan kaya ni Kuya Raf kaya ako ang nagturo! Ibig sabihin, sa akin 'yan—"
"Zeijan, ibigay mo na sa kapatid mo," marahang sinabi ko.
Napanganga siya. Narinig ko ang hagikhik ni Zidney sabay layo sa dibdib ko at tingin sa Kuya niya.
"Bleh! Akin daw 'to, Kuya! Takaw!" she stuck her tongue out at her brother who's been clutching his chest dramatically.
"Daddehhh?" singhap niya, "I'm hurt! Ako ang una mong anak, ako ang una mong minahal—"
"Mahal ko kayong lahat," napatawa na ako sabay angat ng kamay ko. "Halika nga rito, Zeijan Ruais."
Pouting, he walked closer to me. May padabog-dabog pa siya kunwari pero nang taasan ko na ng kilay at ngisian ay marahang yumakap.
"Naku, ang mga anak ko," hinagod ko ang likod ni Zidney at tinapik ang likod ni Zeijan na palihim na nang-aasar ng bunso pero nahuli ko.
"Zeijan..." I called. Kinagat niya bigla ang labi sabay tago ng dilang nakalabas para asarin si Zidney na nagme-make face sa kanya. "H'wag mong patulan ang kapatid mo."
BINABASA MO ANG
The Sandejas Family
HumorSit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts, short scenes, one-shots.