CHAPTER 5

1.7K 59 5
                                    

MAGKASABAY dumating ang  Black La Collera at White La Rabbia, halos magpatayan na sila sa mga tingin na binibigay nila sa bawat isa.

Si Cahill naman ay nasa kabilang field lang, nakatayo ito.

Nang makita nila akong nakatingin ay umayos sila ng tayo. "Cap." Tawag nila.

"Ang aga-aga naghahanap kayo ng away." Saad ko.

"Sila ang nauna." Saad ni Lothaire Sanchez.

"Oo nga, hindi na sila natuto." Saad ni Kade Alfonso.

Huminga ako ng malalim at inayos ang salamin na suot ko. Magsasalita na sana ako ng may bola na paparating sa kinaroroonan namin. Nasalag ko yon para hindi matamaan ang mga kasama ko.

"Oh my bad! Nadulas sa kamay ko." Saad ni Cahill.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya. May pwersa na ibinato ko yon sa kaniya, natamaan siya sa braso. "Oh my bad too! Nadulas sa kamay ko." Sarkastiko na saad ko.

"Aba't!" Saad ni Cahill at mabilis itong lumapit sa akin.

Sumunod kay Cahill ang mga Whila la Rabbia. Kinowelyuhan ako ni Cahill, matapang na tumingin ako sa mga mata niya.

"Sino ba ang nauna?" Giit na tanong ko.

Hindi ito sumagod at basta na lang ako sinuntok kaya gumanti ako.

"Tama na!" Pag-aawat ni Saint Franz.

Hinila ako nito papalayo kay Cahill ganon din ang ginawa ni Zeek Anson Wagnar ang vice captain ng Whila la Rabbia.

"Bitawan mo ako, Wagnar!" Galit na saad ni Cahill.

"Napipikon ka sa sarili mo kalokohan." Saad ko.

"At kayo magsitigil din kayo!" Galit ni Saint Franz.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nagsusuntukan na din, may mga sugat sa labi.

"Ilayo mo ang mga kasama mo dito Wagnar, baka sayo din ako gumanti." Saad ni Saint Franz kay Zeek Wagnar.

Tumingin lang ito ng seryoso kay Saint Franz. "Lagot ka sa akin sa dorm." Saad ni Zeek Wagnar at sapilitan na inilalayo si Cahill.

"Humanda ka din sa akin, Fontanilla." Saad ni Cahill at nag middle finger ito.

"Isip bata!" Gigil na saad ko.

Aakma na lalapit ito pero alisto si Zeek Wagnar. "Kaasar!" Gigil na saad ko.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga team mates ko. "No practice for today, magpahinga muna. Next week na tayo magpractice." Saad ko.

Tumango sila. "Yes cap."

"Lastly, ayusin niyo ang sarili niyo. Baka makita ng iba na nakipag-away na naman tayo." Saad ko.

Naglakad na ako papunta sa locker room at nagbihis. Sinira ni Cahill ang araw ko, kanina lang okay naman.

Hindi ko maintindihan, hindi ko siya maintindihan.

Captains' | BxB(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon