CHAPTER 9

1.6K 63 7
                                    

PAGKATAPOS ng encounter namin ni Cahill sa canteen ay hindi ko na muna siya pinansin dahilan para hindi maganda ang reaksyon niya sa mukha.

Pagkapasok ko sa kwarto namin ay hinila niya kaagad ako sa braso dahilan para mauntog ako sa dibdib niya.

"What's your problem?" Seryosong tanong niya.

"Nothing." Sagot ko at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Cassian."

Tinignan niya ako sa mga mata kaya umiwas ako ng tingin. Hinila niya ako sa braso pumunta kami sa may kama, umupo siya at hinila na naman niya ako dahilan para mapaupo ako sa hita niya.

Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako. "Don't." Tipid na saad niya.

Hinayaan ko siya at pinakikinggan yung hininga niya na tumatama sa leeg ko. Humigpit ang pagkakapit nito sa bewang ko.

"I don't like this, hindi mo ako kinakausap." Saad niya.

Pilit na inaalis ko yung pagkakayakap niya sa bewang ko. "Tigilan mo na kung ano pinapakita mo sakin, Allennon."

Kunot-noo niya ako tinignan. "What do you mean?"

"Ito pinapakita mo kabaiitan sa akin, tigilan mo na." Seryosong saad ko.

Naramdaman ko na lang na unti-unti lumuwag ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Humarap ako sa kaniya, nakatingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

Unti-unti nagbago ang facial expression niya, sumeryoso ito habang nakatingin sa akin. "I'm not pretending about this." Diin nito at hinampas ang kama dahilan para mapatalon ako ng konti.

"Kasi ang hirap paniwalaan, ano yon? After our own teammates' fight ito tayo magkasundo ganon?" Saad ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "So? Bawal ba?" Tanong niya.

Hindi ako nakaimik, kaya umiwas na lang ako ng tingin. "I don't know." Mahinang saad ko.

Hinila niya ulit ako sa braso dahilan para mapaupo na naman ako sa hita niya ay hinawakan niya ako sa pisngi at walang pasabi niya ako hinalikan.

Ito ako namalayan ko na lang na sumasagot ako sa halik niya at nakayakap sa leeg niya.

Humiwalay ito at hinalikan niya ako sa leeg dahilan para mapakapit ako sa shirt niya. "I don't care what our teammates' opinions. Basta tayo good terms tayo, pinapakita ko sayo kung ano talaga ako. Hindi ako nagpapanggap." Diin nito sa panghuli.

Hindi na naman ako nakaimik dahil 'don. Nakatingin lang ako sa mga mata niya, wala ako makita kahit anong kasinungalingan na nanggagaling sa kaniya.

Niyakap niya ako lalo sa bewang. "Hindi ko alam kung maniniwala ako." Mahinang saad ko.

"No pressure." Saad niya at hinalikan ako sa pisngi.

Kailangan ko pa din ilayo ang sarili ko sa kaniya, mabilis ang mga pangyayari. Ayoko neto, ayoko makaramdam ng ganito, baka masaktan lang kami sa huli.

Captains' | BxB(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon