CHAPTER 12

1.4K 54 1
                                    

ILAN SEGUNDO ang nakalipas ay mabilis ako humiwalay sa kaniya, pero nakayakap pa din ako sa leeg niya.

"Baka makita tayo ni Papa." Nahihiyang saad ko.

Aalis na sana ako sa pagkakaupo ko sa hita niya ng pigilan niya ako sa bewang.

"Don't go."

"Doon lang ako, baka mahuli tayo ni Papa." Saad ko sabay turo sa katabi na upuan.

"Hindi naman tayo mahuhuli, hindi naman kita kakainin." Saad niya.

Nanglaki ang mata ko dahil sa huling sinabi niya. "What?" Tanong niya.

"Your mouth, use some filter, Allennon."

"What? Totoo naman ang sinabi ko, hindi naman tayo mahuhuli. Hindi naman kita kakanin e. Tinikman ko lang yung lips mo." Pagdedepensa nito.

Lumapit ako sa kaniya at tinakip ang bibig nito para magtigil, inalis nito ang kamay ko. "I'm just telling the truth." Saad pa nito.

"Shut up!" Mahinang suway ko.

Napabusangot ito, kaya inalis ko na talaga ang kamay ko sa bibig niya. "Kung kakainin kita kanina ka pa umuungol dyan."

Sinenyasan ko siya na tumahimik pero umiraap lang ito at sumandal sa may upuan. "Let's continue about our issue, Cassian." Sabi nito.

Umayos ako ng upo. "For what?"

"You know I don't like this, Cassian. I don't like not getting your attention." Saad nito.

Nakita ko kung paano siya lumungkot. "Iniiwasan mo na naman ako." Dagdag na saad nito.

Natigilan ako dahil doon. "Allennon..."

"Akala mo hindi ko napapansin 'yon?"

Hindi ako nakasagot dahil sa doon. "Hindi ko nga alam bakit ako nasasaktan ng ganito e, sa una palang alam ko magkaaway tayo tapos sobrang bilis ng pagyayare. Napalapit ako sayo."

"Ayoko masaktan tayo pareho sa huli." Mahinang saad ko.

"Alam mo ang sasabihin ng iba, masasakit at hindi iyon matatanggap ng iba." Saad ko ulit.

Nakita ko kung paano siya sumeryoso. "Why don't you just listen to yourself? Not others."

"Mahirap Allennon. We can't do this like it's so easy to love."

Hinawakan niya ako sa kamay sabay pisil. "Don't listen to others, just listen to yourself and to your heart. Pag hindi ka nakinig hindi ka sasaya." Saad nito.

Hindi ako nakaimik at nakatingin lang sa kaniya. Oo nagkaboyfriend na ako pero patago iyon, mahirap kasi umamin sa lahat kung ano ako kaya as much as possible ayoko may makaalam.

"Mahirap magmahal ng kaaway, Allennon." Sabi ko habang nakatingin pa din sa kaniya.

"I don't care." Sabi nito at hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap ako.

Hindi ako yumakap sa kaniya pabalik. "Don't let others take your happinness."

"Be yourself." Saad nito ulit.

Humiwalay ito ng yakap kaya tumingin lang ako sa mga mata niya.

Mahirap siya mahalin dahil magkaaway kami. Hindi naman siguro dahil sa the more you hate, the more you love.

Captains' | BxB(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon