CHAPTER 2

56 1 0
                                    

Zielle POV

Kinabukasan,maaga ako gumising dahil pupunta ngayon ang P.A ko para sa schedule ko ngayong araw. Bumangon na ako at bumaba para kumain.

"Good morning everyone!"masaya kung bati sakanila pagdating ko sa kusina. Andun sila Manang nagluluto ng breakfast at si Mang Noel na uminom ng kape si Kuya naman ay nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape.

"Good morning ma'am Kia."bati nila mang Noel at manang.

"Good morning little sis."saad ni kuya habang tumatayo at lumapit sakin para halikan sa noo. "Pagtimplahan muna kita ng gatas."sabi pa nya at nilagay sa counter top yung libro na hawak nya at lumapit sa refrigerator para kumuha ng fresh milk.

"What do you want elle?Bread or Cereal?"tanong nya sakin.

"Both kuya!"ngiti kung sabi. He's like that since I was a child, He always prepare my foods until now at yun ang gusto ko sa ugali ni Kuya. Lumapit ako sa may counter at umupo dun sa high chair habang nakatingin kay Kuya. He toast the bread at kumuha ng cereal syaka nilagay sa bowl at nilagyan ng gatas.

"Here you go princess."ngiting sabi nya sabay abot sakin ng gatas at cereal syaka sya lumapit ulit sa toaster at kinuha yung dalawang tinapay at nilagyan ng strawberry jam syaka nya nilagay
sa harap ko.

"Thank you kuya!"ngiting sabi ko. Tumango lang sya at bumalik sa pwesto nya bumalik sa pagbabasa. Kinain ko na yung binigay nya.

"Ma'am,Sir maglilinis muna ako ng bakuran."paalam samin ni mang noel at umalis na.

"Ako rin po ma'am,sir kuhanin ko lang yung mga labahan sa labas."paalam rin ni manang

"Osige ho manang."sabay naming sabi ni kuya.

"Btw kuya,may flight ako later."simple kung sabi.

"Saan punta mo?"sagot nya habang nakatutok sa libro.

"London."sagot ko.

"At ano gagawin mo dun?"he said nakatingin nasa akin.

"Work malamang."pairap na sabi ko.

"Okay, btw hindi ko ata nakita na magkasama kayo ni Sam. Nagaway ba kayo?"takang tanong nya.

"Oh,we broke up yesterday."simple kung sabi sakanya. Bigla nagbago ang ekspresyon nya.

"Why?what happened?are u okay elle?"sabi nya. Halatang nagaalala.

"Hazel is back."simpleng saad ko.

"Oh,his beloved ex is back."halatang may galit na sabi nya. "He's still inlove with his ex tapos liligawan ka nya?gsgo ba sya?"galit na sabi pa nya.

"Kuya,calm down! I'm okay."sabi ko pa

"How can I calm down when I know that a man I trust has hurt you?"inis nyang sabi.

"Kuya, I'm fine okay?Wala naman tayong magagawa eh. Nangyari na."sabi ko sabay tayo at umakyat para maligo.

Nang makapasok na ako sa kwarto pumasok na agad ako sa cr at naghubad. Pumasok na ako sa shower at hinayaan na mabasa ang aking katawan. Iniisip ang sinabi ni kuya kanina.

Tama sya pinagkatiwala nya ako kay Sam pero sinaktan nya lang ako. Ako ang nagiisang babae samin kaya ganun nalang ang reaction ni Kuya ewan ko nalang pagnalaman pa toh ng isa kung Kuya. Nagsabon na ako at nagbanlaw. Nagsuot muna ako ng bathrobe bago lumabas.

Nang makalabas na ako may kumatok sa pinto ko agad ko naman binuksan.

"Yes?"tanong ko ng makita ko si yaya Nela

"Ma'am yung P.A nyo po nasa baba na."sabi nya.

"Okay,pakisabi magbibihis lang ako baba na agad ako."sabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OUR FORBIDDEN LOVEWhere stories live. Discover now