[TDS (2)] : ADLSS2 12

58 1 2
                                    

Chapter 12

HEARTNELLES' POV

Nagising ako dahil sa naririnig kong music.

Ano ba yun? Hindi naman mahilig mag patugtog sila Ali nang napakaaga.

Nilibot ko yung tingin ko sa paligid at napansing hindi ko yun kwarto.

Luh! Asan ako?!

Bumangon ako at nakita si Squall sa sofa.

Omg! Nakatulog ba ko sa kwarto niya?

Naalala ko yung kagabi, nanonood kaming kdrama. Nakatulog nga ata ako huhuhu!

Dali sali akong tumayo at inayos yung hinigaan ko.

Tulog pa si Squall. Lumabas na ko dun at narinig ang malakas na music.

Nakita ko si Aljin na nag sasasayaw habang nag luluto.

Aba baliw na ata to.

Napatingin ako sa sofa nila at nandun si Quade at si Edward na nag babasa ng dyaryo.

"Heart! Gising ka na pala."sabi ni Quade pag kakita niya sakin

Ngumiti naman ako at napakamot sa batok.

"Sorry ha dito pa ko nakatulog."sabi ko

"Ayos lang yun, inalagaan ka naman ni Squall, bestfriend hahaha!"sabi ni Aljin na nasayaw parin

"Nagising ka siguro sa ingay ng music niyan ni Aljin."sabi ni Edward na hindi inaalis yung tingin sa dyaryo

"Hindi naman."sabi ko kahit tama naman siya

"Una na ko ha! Pasabi nalang kay Squall na uuna na ko, mag reready pa ko para pumasok eh."sabi ko

"Ikaw na mag sabi Zerin ayan na oh."sabi ni Aljin at nag focus na ulit sa pag luluto

Nakita ko si Squall nag kukusot pa ng mata habang sinasara yung pinto ng kwarto niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil nakasando lang pala siya.

"Squall, una na ko. Sensya ka na ha."sabi ko at lumabas na agad dun

Nakakahiya huhu!

Pano ko napunta sa kama niya?

Binuksan ko yung pinto ng condo namin at nakita dun yung apat.

"Hi?"sabi ko at nag awkward smile

"Omg ka Heart! Anong ginawa niyo ni Squall ha?"sabi ni Eli at lumapit sakin

"Oo nga! Tabi kayo natulog noh?!"sabi ni Light at lumapit din

"Ayiee! Ikaw fshie ha! Mukhang close na close na kayo ulit ni Squall ah."sabi ni Ali sabay sundot sa tagiliran ko

"Tigilan niyo nga ako! Nakatulog lang ako! Nanood kasi kaming kdrama!"sabi ko

"Oh mamaya niyo na tanungin yan si Heart, kakain na tayo."sabi ni Twinnie at hinila ako papuntang dining area

Pinaupo niya ko at nag salita.

"Curious din ako Heart, pano kayo naging ganun kaclose ulit?"sabi niya

"Sus Twinnie tsismosa ka din pala!"sabi ni Light at umupo narin

"Nacucurious lang naman noh!"-Twinnie

"Nako tigilan niyo ko kumain nalang tayo baka malate na tayo."sabi ko at sumubo na ng pagkain

"Pero seryoso fshie. Kailan pa kayo naging close? Kasi nung birthday party ni ate Chae hindi pa naman kayo gaanong nag papansinan. May nangyari ba nung gabing yon? Kasi balita ko si Squall daw ang kasama mo nun."sabi ni Ali

The Dreamers Series 2: A Dream Love Story S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon