066

1.4K 44 5
                                    

kamryn.

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko sobrang bagal mag-salita ng prof namin. Last period na para sa araw na ito at excited na akong matapos ang lecture dahil bukod sa boring sya mag-turo, gusto ko ng gumala.

Napa-ngiti ako ng tumunog ang bell, indicating that the class has ended. Mabuti na lang at hindi na nag-over time yung prof. Dahil kung oo, magwawala ako.


Inayos ko ang mga gamit ko habang pinipindot ang cellphone number ni Fallon para tawagan sya. Finally, she answered the phone.

"Bakit, Kam?" Unang bungad ni Fallon.

"Dala mo yung spare key mo sa apartment diba?" Tanong ko. Sa tingin ko, vacant ni Fallon dahil nasagot nya ang tawag ko.

"Oo, bakit? Hindi mo dala yung susi mo?" Aniya sa kabilang linya.


"Dala ko, gaga. Hindi lang kasi ako uuwi agad kasi may pupuntahan ako. Siguro mauuna ka pa sa akin umuwi." Paliwanag ko. Nang matapos ayusin ang bag ay sinabit ko ito sa balikat ko.


"Saan punta mo, teh? Date?" Asar nito. I rolled my eyes. Napa-isip din ako saglit kung ano nga ba ito.


Pupunta ako sa amusement park. Kasama ko si Rainsis. Hindi ba date to?


Charot, hindi yan. Romantic eme ang date eh. Hindi naman kami mag-jowa ni Rainsis. Gwapo sya, pero posible bang magustuhan ko sya?


Ewan. Siguro. Chariz. Di pa ako handa maging tanga ulit. Nabigla ako sa experience ko kay Dominic. So I think mas mabuting wag muna.


"Tanga, wala nga akong ka-date eh." Saad ko at narinig ang tawa ni Fallon sa cellphone.


"Talaga ba? Baka mamaya may my day ka na ng dinner tas may kasamang lalaki na hindi mo pinapakita mukha. Ikaw pa eh scam ka." Ani Fallon.


Of course, mahahalata nya yon. Nagpo-post kasi ang sa IG story at my day ng mga "study dates" kuno namin ni Rainsis. Yung ibang mga pics ay kasama sya pero nic-crop ko ang mukha nya.


"Di nga to date. Sige na, alis na ako. Uwian na namin eh. Maiingit ka sana." Mapang-asar na usisa ko.


"Pakyu, Kam. Sana all 4 o'clock uwi today. Bat kasi 7 uwi ko amputa." Fallon cussed and I laughed. Nagpa-alam na ito at binaba ko na ang tawag.

Nag-check ako ng notificationa habang naglalakad when I came across Rainsis' message,


Rainsis Elizondo
October 11, Mon

3: 26 PM

Rainsis
Finally done with classes

rainfall in july.Where stories live. Discover now