117

1.1K 24 1
                                    

Fallon Castillo
December 11, Sat

10: 03 PM

Kamryn
pst fallooonnnn

ano ulam??

Fallon
sardinas na may itlog, kam

bakit????

Kamryn
Nagugutom na ako 😭

Pauwi na ako, beb

jusq ka-stress omg

Fallon
Hala ang aga naman

Kamryn
ang daming nangyari teh gagi

Na-heatstroke yung lola ni Rainsis kaya napa-sama ako sa hospital nung dinala sya

Tapos umuwi na lang ako kasi sabi ni Tita Leila isarado na daw yung store

Fallon
ay gago kamusta lola nya???

Kamryn
Ewan ko kung ano na nangyayari ngayon pero nung bago ako umalis nasa ER pa rin sya eh

kapagod yawa

Fallon
Eh sila Rainsis kamusta naman??

Kamryn
edi ayun nga, may date pala yun si Rainsis kasama si Evanna

Kaso nung ni-message nila Duke seen zone lang daw sila

Fallon
ay very wrong si Rainsis

Pero hindi pa rin pumupunta sa hospital si Rainsis???

Kamryn
Pumunta sya kaso umalis na ako bago nya pa ako maka-usap

Honestly, nakaka-sad sya

Fallon
Sino? Si Rainsis??

Kamryn
oum, ang lonely nya na nga tas dumidistansya pa sya sa pamilya nya

Sabi ni tita Leila dedz na daw both parents ni Rainsis, di ko knows nangyari pero kinupkop nila si Rainsis

Like okay lang na iwasan nya ako... pero paano nya nagagawa yun sa pamilya nya noh?

Fallon
truuu :(((

Parang nagka-ganyan sya simula nung nakasama nya si Evie

pag nasa maling tao ka talaga, magiging gago ka ay charot

Kamryn
bad mo HAHAHAHAHAHA

pero parang may mali din kay Evanna

Fallon
nako kam sinabi mo pa

Sabi ni Duke sya yung childhood friend ni Rainsis diba?

Kamryn
ouu

lagi nya akong sinasamaan ng tingin tuwing pumupunta sila ni Rainsis sa mini mart

wala naman akong ginagawang masama

Fallon
Ngitian mo lang sya, Kam

Para mas mainis 😎

Kamryn
gaga bardagulera ka talaga noh

Fallon
laking tondo to eh 😎🤘

rainfall in july.Where stories live. Discover now