10

3.8K 111 9
                                    

Mukhang uulan pa yata

Kumunot ang noo ni Via nang makita ang kalagayan ng panahon.

Nauna na siya sa maglakad patungong parking lot kahit hindi pa sinasabi ni Xochitl na tapos na siya sa meeting. Kapag ganito kasing may shooting siya at coding ng kotse niya gusto na lang niyang humilata sa loob ng condo niya't hintayin na lang mag-umaga.

Sakto namang pinatawag sa loob ang manager niya, kapag ganon pwede namang sumama siya sa meeting since tungkol sa kaniya ang pag-uusapan but when you attend meetings like that it requires one thing Via doesn't have, patience.

Pagkadating sa parking lot saka lang nagsink in sa kaniya na medyo tanga siya sa part na 'yon. Wala siyang dalang sumbrero panakip man lang sa mukha niya, for a second there she forgot that she's quite famous.

Nakatayo siya don nang ilang minuto pero wala pa ring reply si Xochitl.

Lalakad na sana siya pabalik sa loob ng building ngunit bago pa makalakad napatalon na lang siya sa gulat dahil sa bumusina na kotse sa gilid niya.

"Ay putragis!"

Bakit ba kailangan manggulat pa?!!

Kung may sakit siya sa puso baka nasugod na siya sa ospital. Pero wala naman siya non, oa lang talaga siya.

Kaagad siyang napatingin doon saka humarap, di maiwasang mapamura na lang siya sa nakita. Standing in front of her was the man she hated the most, number one sa blacklist niya ito. Kahit pa nakaface mask kilala niya ang lalaking kinamumuhian niya.

Lucian Silva

That fucking snob actor.

"Excuse me miss, would you mind?" Bahagya siyang pinausog nito para makadaan, siya pala yung may ari ng kotse.

Mas lalong kumunot ang noo ni Via, napansin naman ito ni Cian and by seeing the annoyed face of the girl his lip slightly rose on the side. He find Via's annoyed face interesting.

"Edi dumaan ka, ang laki-laki ng kalsada saksak ko sa baga mo yan e." Mahina man ang pagkakasabi ni Via sa bandang dulo narinig pa rin iyon ni Cian, mas lalo siyang napangiti.

Bakit sobrang galit sakin 'to? Does she hate being in a dating rumour with me that much?

Parang gusto tuloy niyang asarin lalo.

Lalakad na sana si Via para lagpasan ito pero natigil nanaman siya at parang nag-init ang ulo sa narinig.

"Is that how you're supposed to talk to your boyfriend?"

Hindi na siya nakapagtimpi.

"Excuse me? Ang kapal ng mukha mo? Kahit pa maging zombie lahat ng tao rito at ikaw natira di kita papatulan. Boyfriend ka diyan."

"Why are you so mad at me? To think that I was planning to offer you a ride."

"Bold of you to assume na papayag ako, tabi nga!" Kahit pa wala akong masakyan shuta di ako sasabay sa'yo.

Dahil sa taranta ni Via na makaalis tumalikod siya para tumakbo kaso nandon pala yung kotse kaya nauntog siya.

Tangina ang sakit non.

Sa inis niya hinampas niya yung kotse ni Cian saka sinipa sa gulong bago siya maglakad paalis. Pero bago yon, bago siya mag walk out ng tuluyan humarap pa ulit siya kay Cian saka namakyu saka naglakad paalis.

Cian was left there, amused by her action.

Isa lang ang problema ni Via ngayon, hindi niya alam kung san siya pupunta at wala pang text si Xochitl. Napalabas pa siya sa building nang wala sa oras, at hindi na siya babalik don lalo na't andoon si Lucian Silva, mapride na kung ma pride.

That's it, as much as she hates commuting wala siyang choice mapapataxi pa yata siya.

Kung sinusuwerte nga naman umulan pa.

Tatakbo na sana siya pasilong sa isang shed para don maghintay ng taxi kaso nakita niyang maraming taong naghihintay. While she's contemplating whether to go there or lunukin ang pride niya kesa mabasa sa ulan may isang busina nanaman ang nagpagulat sa kaniya.

Ibinaba ng nagd-drive ang bintana.

"Sakay."

Inirapan niyang muli ito and Cian expected that, somehow kahit ngayon pa lang niya naencounter ng ganito si Via parang alam niyang matigas ang ulo nito.

Kusa na siyang lumabas sa kotse niya at inalalayan makapasok sa loob ng kotse si Via. More like napilit.

"Wala akong gagawing masama sa'yo. If you want you can text or call your friends about this, even Gab."

"Sabi kong ayoko sumabay sa'yo diba?"

"Nandito ka na nga."

"Bababa na ako buksan mo yung pinto."

"Umuulan pagkakaguluhan ka pa sa labas. Seatbelt."

"Ayoko nga, bababa sabi ako."

"Isuot mo yung seatbelt."

"Pag di ko sinuot sige ano?"

"Ako magsusuot sayo then I'll announce on social media how stubborn you are, malilink ka ulit sakin pagkakaguluhan ulit tayo ng pres, do you want that?"

"Huh as if you'd do that." For someone who loves his reputation so much.

"You bet. Don't let me repeat this again, seatbelt."

This is threat!

Hindi pa rin gumalaw si Via kaya nung aabutin na ni Cian ang phone sa tabi niya wala na siyang nagawa. Nagsuot siya ng seatbelt.

"You're Gab's friend right? Just think of this as a help from his family."

"Edi wow pakyu."

Napailing na lang si Cian sa narinig.

"Why did you suddenly ran? Nauntog ka pa sa kotse."

"Instinct yon."

"Instinct?"

"Kapag may naramdaman akong hindi mabuti malamang tatakbo, di niyo ba napag aralan yon? Animal instinct?"

"What are you an animal? Strange kid."

Baby, It's Cold OutsideWhere stories live. Discover now