[ANG SIMULA]
*KRINGGG*
Pabagsak akong nahiga sa kama ng biglang mag ring ang cellphone ko. Sa pagkakatanda ko ay hindi ako nag set ng alarm clock. Ng mag angat ako ng tingin ay agad na dumako ang paningin ko sa apat na sulok ng kwarto. Hindi akin ang silid na ito. Napatingin agad ako sa katawan ko. Dahan dahan ay hinawakan ko ang hinaharap ko. Malambot iyon at parang totoo. Natigil ako sa pagpisil ng biglang mag vibrate ang cellphone sa ibabaw ng side table. Kinuha ko iyon at tiningnan.
"Where are you?.Aieh is not also here" Fitah ang pangalan ng nasa contact nito. Ipinatong ko iyon sa ibabaw ng kama at mabilis na lumapit sa malaking salamin. Napalunok at nanlalaki ang mata ng makita ko ang kabuuan ko sa salamin.
"Huhhhhhhh!! " Malakas na hiyaw ko
"Hindi ka manlang nagligpit ng pinagkainan kagabi" Saad ni Mama habang nagluluto ito. Kagigising ko lang at dumeretso na kaagad ako sa kusina dahil naamoy ko ang mabangong niluluto ni Mama. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay gutom na gutom ako kumain naman ako kagabi.
Sa pagkakatanda ko din ay naghugas ako ng mga plato. Ang weird nga ng panaginip ko kagabi. Nasa katawan ako ng isang lalaki. Sa panaginip ko para bang totoo ang mga nangyayari. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya ng magising ako. It's really an odd dream.
"Naghugas ako Ma" Tiningnan ako nito pagkatapos ay nagbuntong hininga
"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa iyo kahapon. Bigla ka nalang humiyaw kay aga aga. Lumabas ka ng kwarto mo ng palinga linga at halos matunaw na ako kahapon sa pagtitig mo. Babatuhin na sana kita ng sandok kaya lang ay bigla kang pumasok ng kwarto mo. "
Inalala ko ang nangyari kahapon. Isang normal na araw lang naman iyon. Ano ang sinasabi ni Mama.
"Ako na diyan Ma. Mukhang hindi kana nakakapag pahinga ng maayos" Nakangiting saad ko atsaka kinuha sa kaniya ang sandok at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Isang call center si Mama. Madaling araw na siya umuuwi kaya madalas ay hindi kami nagkakasama.
"Okay sige at ako'y inaantok na din. Kumuha ka nalang ng baon mo sa bag ko. " atsaka ako nito hinalikan sa noo bago tumungo sa kwarto niya. Napangiti nalang ako. Matapos maluto ay naghanda na ako ng pagkain ko. Mamaya pa kakain si Mama pag gising nito. Matapos kong kumain ay deretso na kaagad ako sa school.
"Para kang baliw kahapon" Saad ni Fitah habang kumakain ng paborito niyang Nova chips. Nandito kami ngayun sa tambayan namin. Niyaya niya ako dito para mag unwind, hindi pa naman daw nagsisimula ang klase. Fitah is one my long time best friend she's like a sister to me.
"Huh? " Takang tanong ko sa kaniya. Atsaka kumuha sa kinakain niya.
Kahapon?. Normal lang naman ang kilos ko kahapon. Parehas sila ng sinasabi ni Mama. Mukhang pinagkakaisahan nila ako ni Mama.
"Bigla kang nagwalk out sa klase. Bukod duon ay binibiro mo pa kami ni Aieh na hindi mo kami kilala. Ang pinaka grabe ay yung--" Atsaka niya tiningnan ang dibdib ko. Napatingin na din ako sa sariling hinaharap ko.
"Nasa library tayo tapos bigla mong hinawakan iyang dibdib mo. Hindi kapa nakuntento hinawakan mo pati iyang ano mo" ngumuso ito at tila ba itinuturo nito ang pang ibabang parte ng katawan ko habang pinipigilang tumawa."Huwag mo nga akong lokohin. Magkasama tayo buong maghapon kahapon." Nagkakatuwaan pa nga kami dahil sa manliligaw niyang mali mali ang Grammar na ibinigay sa kanyang love letter.
"Totoo" Seryosong saad niya. "Nagdahilan lang kami ni Aieh kay Sir kahapon kaya hindi ka pinagalitan. " Habang nakataas pa ang kamay nito. Aieh is also my best friend. We are three best of friends. Nagtext siya sa akin kanina. Hindi siya makakapasok because of her Lola.
BINABASA MO ANG
Lost Memories
Ciencia Ficción[A SHORT STORY COMPLETED] "I am standing in front of a painting. It was really a breathtaking and fascinating art work that made me glazed of it. Unrecognizable scenery suddenly appeared in my mind. Until I found myself crying while looking at the p...