"Huhhhhh?" Sigaw na saad ko dahil sa sinabi nilang dalawa. Muntik ko pang mabitawan ang taban kong pagkain.
Nandito kami ngayun malapit sa soft ball field habang kumakain ng lunch. Dito kami tumatambay at nagdadala nalang kami ng pack lunch.
"Kahapon ka lang namin nakitang ganun kagaling maglaro ng soft ball" Manghang saad nilang dalawa "Hinatak mo ang atensyon ng mga boys kahapon" Natatawang anya nilang dalawa
Naglalaro kami ng soft ball for P.E pero wala akong natatandaan na naging magaling ako sa larangan ng sports.
"Sa pagkakarinig ko gusto kang i-train at kunin na member sa soft ball." Anya nilang dalawa.
"Wala naman tayong P.E subject kahapon atsaka absent si Aiehh kahapon" Paglilinaw ko sa kanilang dalawa atsaka sumubo ng pagkain
"Girl,kulang ka yata sa tulog mabuti pa bayaran mo nalang yung inorder mo sa akin" Habang nakalahad pa ang kamay niya
"Hindi mo ako binayaran kahapon! Akala mo makakalusot sa akin ang pagpapanggap mo kahapon" Napapailing pa na saad niyaNaguguluhan man ay kumuha ako ng pera sa wallet ko at binayaran siya. Lahat yata ng nasa paligid ko ay nagiging weird pati si Mama ay kung ano ano ang sinasabi. Kapag umaga daw ay nakikita niyang ini-squeeze ko ang hinaharap ko and that impossible for me to do that creepy thing.
"Sinulatan mo nanaman ba yung notebook ko Fitah?" Tanong ko sa kaniya atsaka isinubo ang pagkaing nasa kutsara.
I had a dream last night and it was the same on the past few days.
"Huh?,Anong sulat?" Naguguluhang anya niya atsaka kumain
"Ah wala." Pagiiba ko atsaka ipinagpatuloy ang pagkain
Bigla ay pumasok sa isip ko ang lugar sa panaginip ko. Napaka ganda sa lugar na iyon. Sa panaginip lang ako nakarating sa ganuong lugar.
"Nakikinig ka ba sa amin!? " Napalingon ako kay Fitah ng magtaas ito ng boses
"Huh?"
"Ayos ka lang ba?..Gosh Yanarra, pinag uusapan namin ni Aieh na mag overnight sa kanila. Hindi kasi siya pwedeng umalis sa kanila dahil walang magbabantay sa Lola niya kaya tayo nalang ang pupunta sa bahay nila" Pagpapaliwanag niya
May gagawin pa ako. Hindi ko pa natatapos ang mga painting ko. About nga pala sa painting ko. May notes na nakadikit duon. Natitiyak kong si Mama ang may gawa nun dahil kaming dalawa lang naman sa bahay. Parati nalang nila akong pinag-ti-tripan.
"Ano? " Sabay na saad nilang dalawa
"May tatapusin pa ako"
"Then kila Aieh mo nalang tapusin. We will help you" Napailing ako sa sinabi niya, wala akong tiwala sa salita niyang we will help you. Kadalasan ang pagtulong nila ay nauuwi sa magdamag na panunuod ng TV.
Tinaasan ko silang dalawa ng kilay
"Hindi ko pa natatapos ang mga painting na inirequest sa amin ng mga students. Aside from that aayusin pa namin ang room na gagawin naming for art museum" Totoong may ipe-paint pa ako pero sa Sabado pa naman ang pag aayos namin ng room for museum.
"Minsan i-enjoy mo din ang pagiging teenager mo Narra. You're life is so boring you know." Litanya ni Fitah. Napapailing nalang ako sa sinabi niya. Mayaman kasi si Fitah, she's the girl who can get and do whatever she wants. A girl who is lucky of everything. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang mag bus dahil may kotse siya pero dahil sa amin ay nagagawa niya iyon. She's one of a kind. "Kaya nga ikaw ang pinapaharap ko sa mga ka blind date ko para naman ma-enjoy mo ang pagiging teenager mo. Malay mo isa sa kanila ang magustuhan mo pero lahat yata ng lalaking iharap ko sa iyo ay hindi ka interesado. Wala ka manlang ka interest interest sa mga lalaki. Yung totoo tomboy ka ba? " Natatawang anya niya. Si Aieh naman ay natatawa lang din.
BINABASA MO ANG
Lost Memories
Ciencia Ficción[A SHORT STORY COMPLETED] "I am standing in front of a painting. It was really a breathtaking and fascinating art work that made me glazed of it. Unrecognizable scenery suddenly appeared in my mind. Until I found myself crying while looking at the p...