NARRA! NARRA!
Napabangon ako sa higaan ng marinig ko ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin. Tumingin tingin ako sa paligid at tiningnan kung sino ang tumatawag sa akin. Walang tao sa kwarto ko maliban sa akin. Napatingin ako sa suot ko. Hindi ganito ang suot ko kaninang madaling araw. Siguro ay pinalitan ni Mama.
"Narra, maghanda kana at malapit ng magsimula ang misa" Saad ni Mama ng buksan niya ang pinto ng kwarto ko.
"You're not pressing your....ahmm.....today" Napapailing na saad niya atsaka tumalikod at muling umalis. Napatingin ako sa hinaharap ko. Pressing my what?...Nananaginip nanaman ba ako? Or si Mama ang nananaginip?. Sabado pa lang ngayun. Actually pupunta nga ako sa school ngayon para sa pag aayos namin ng classroom. Tinanghali na ako ng gising dahil madaling araw na ako natulog. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto"Good morning Ma, pupunta akong school ngayun. Kailangan naming mag ayos ng classroom for our museum. Grabe tinanghali na ako ng gising. Paniguradong sesermunan ako ng group mates ko" Saad ko atsaka tumungo sa kusina para mag toothbrush
"Kapupunta mo lang kahapon duon. Hindi ba't araw nating dalawa ngayun?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mama. Sabado palang ngayun. Pinagti-tripan nanaman niya ako.
"Magsisimba tayo ngayung araw" Anya niya habang nakabihis ng pang simba. Saan kaya niya balak pumunta?, at talagang nagbihis pa si Mama.Inilagay ko muli sa lalagyanan ang toothbrush ko atsaka tumungo sa kwarto. Ngayun ko lang napansin na wala na sa kwarto ko ang mga painting ko.
B-Bakit wala na dito ang mga painting ko?.
"Ma! Nasaan ang mga painting ko?"
"Hindi ba't kinuha ninyo kahapon ng mga kaklase mo?. Nakalimutan mo pa nga kahapon kaya binalikan ninyo. " Nagtatakang anya niya
"Ayos ka lang ba anak? "Anong nangyayari?. Kahapon?. Sabado palang ngayun. Wait...may notes again , nakapatong iyon sa study table ko
*This is too realistic*
"HAAHHHHHHHHHHHHHH!! " Hiyaw ko
Oh my ghosh! This can't be happening! No! No! Panaginip lang ito. Oo panaginip lang ito!.
Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa side table, nanlalaki ang matang tinitigan ko ang date sa screen ng cellphone ko. Today is January 24. Mabilis akong lumabas ng kwarto at tiningnan ang date sa calendar. Napanganga ako ng mapagtanto kong hindi nagsisinungaling si Mama.
Ang lalaki sa panaginip ko, ang katawan ko?!.
"Nagkakapalit kami ng katawan! " Hiyaw na saad ko.
Yung mga eksena sa panaginip ko, yung katawan ng lalaking iyon. Yung lugar na napupuntahan ko lahat iyon ay totoo.
"Ano bang nangyayari sa iyo? Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mama ng makapasok siya sa kwarto ko.
"Anong ginawa ko kahapon Ma?" Agad na tanong ko habang palakad lakad. Nagtataka naman ang mukha ni Mama
" Hindi ka humingi ng pera sa akin bago ka umalis, nagmamadali ka pa kahapon dahil alas dyis na ng magising ka. Wala pa yatang 10 minuto ay bumabalik ka kasama ang mga co- art club mo at kinuha niyo ang natapos mong painting."Anya niya. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinext si Catarine.
Ano bang nangyayari, naguguluhan na ako. Paano nagkakapalit ang katawan naming dalawa.
"Ayos ka lang? Huwag ka na munang sumama sa akin kung hindi ka ayos" May pag aalala sa boses na saad ni Mana
"Ayos lang po ako" Habang napapatango pa. Agad akong napatayo ng ma recieve ko ang text galing kay Caterine. You've got to be kidding me, tapos na daw nila kahapon pa ang pag aayos. Nagpapasalamat pa sila dahil ako daw ang nag alis ng mga bangkuan sa classroom para dalhin sa storage room. Hindi lang iyon, niyaya ko daw sila lumibot sa Bonifacio Monument at kung saan saan. Kaya pala iba na ang damit ko, iba ang handwritten sa mga notes, yung sinasabi nila Fitah, yung sinasabi ni Mama.

BINABASA MO ANG
Lost Memories
Science-Fiction[A SHORT STORY COMPLETED] "I am standing in front of a painting. It was really a breathtaking and fascinating art work that made me glazed of it. Unrecognizable scenery suddenly appeared in my mind. Until I found myself crying while looking at the p...