Kabanata 4: Ang Dalawang Engkwentro

45 8 23
                                    

(Thank you sa pagbabasa. Sobrang roller coaster nito. hahaha. )

*****

Noong bata ako tuwang-tuwa ako na makarinig ng mga k'wento tungkol sa mga kakatakutan. Mga d'wende, engkanto, aswang o kaya naman kapre. Tuwing break namin no'n gradeschool, nakaupo kami sa malamig na sahig at nagkukuwentuhan tungkol sa mga white lady o mumu. Bagam't wala akong karanasan tungkol dito, nasasabik pa rin ako makakarinig ng mga k'wentong engkanto.

Naalala ko nga na naiinggit ako no'n sa mga kaklase kong nakakakita. Dahil do'n gusto ko rin maranasan ang mga gano'n bagay para sa tuwing sasama ako sa kanilang pagkwekwentuhan ay masabi ko sa kanila na nakakakita rin ako. Subalit unti-unting nabigo ito nang masabi nila na ang mga taong may third eye lang ang may regalong makabatid sa mga ganitong klaseng nilalang.

Eh, wala ako. Sabi nila wala akong abilidad na gano'n. Wala raw kasi akong pangatlong kuyukot para mabuksan ang third eye at tanging mga piling tao lang ang mayroon nito. Sobrang nadismaya ako nang malaman ko iyon dahil sa tingin ko no'ng bata ako super power ang makakita ng multo—na para bang ang special mong tao kapag mayroon ka nito.

Tuluyang nawalan ako ng interest dito pagkatapos ko itong malaman. Simula no'n nagtaka na ako sa posibilidad na totoo ang mga ganitong engkwentro. At dahil nga hindi ako nakakakita ay patuloy na naglaho na rin ang ideya sa akin na totoo ang mga ito. Hangga't sa lumaki ako at nagkamuang sa buhay, nakalimutan ko ang mga bagay patungkol sa mga engkanto—patungkol sa mga nakakatakot na nilalang. Tila naging isang haka-haka na lang ito sa akin na sinasabi upang takutin lang kami noong bata.

Gayunpaman, tila nanumbalik sa aking ang mga kababalaghan na ito nang naging madalas ang aking pagkabangungot. Bagama't hindi ako naniniwala, hindi pa rin mawala sa akin ang ideya tungkol dito. Sinubukan kong itulak ito palayo sa aking isipan at magbulagbulagan sa paniwalang hindi totoo ang mga ito.

Pero, tila, ngayon, habang nakatitig sa lumilipad na dalawang nilalang sa himpapawid, hindi ko alam kung ano pa ba ang paniniwalaan ko. Sapagka't ang minsan na tinapon kong ideya no'ng bata ako ay nasa harapan ko ngayon, may pakpak na nalipad at may buhay. Hindi na lang ito basta k'wento na naririnig ko lamang no'ng bata ako.

Dahil ako, mismo ngayon, saksing-saksi ang aking mga mata sa mga nilalang na minsan nasa imahinasyon ko lang.

Hindi ito kathang-isip lamang na tila isang bangungot sa aking panaginip na gagambala at titigil kapag nagising na ako. Isa na itong realidad—katotohanan na hindi mabibigyan ng paliwanag ng sino man.

Nakakatawa man isipin pero tila parang kinain ko lahat ng sinabi ko kanina—ang paniniwala pilit kong pinaninidigan.

Hindi maalis ang aking mata sa dalawang nilalang na tila mukhang naglalaban sa ulap. Habang hawak nila ang mga nagniningning na sableng espada sa kanilang mga kamay ay tila para silang mga ibong sumasayaw sa indayog ng nakakabadyang sibato ng alapaap.

Napalingon ako sa kanila at napansin kong mahaba ang buhok ng nasa kanan habang maikli naman ang buhok nang nasa kaliwa. Malaki ang bisig at batak ang kabilang katawan, bagama't malayo man sila sa aking pananaw ay mababatid mo pa rin ang kanilang katangkaran.

Ang kanilang mga pakpak na umuugoy ay tila kasing itim at dilim ng gabing sumasalungat sa nakakasilaw na liwanag ng buwan. Nakakamangha. Nakakatulala. Dali-daling sumulong ang nilalang na nasa kanang bahagi papunta sa katunggali nito. Hinibay niya ang kaniyang espada sa gilid ng tiyan nito at marahas na inulos.

Dagling nakailag ang nilalang sa kaliwa. Bahagyang umikot siya sa kabila at itinusok ang kaniyang sable sa biyas ng kaaway. Nakaiwas naman bigla ang nilalang sa kanan nang mabatid nito ang marahas na pagtama.

Paradisa (City of the Lost #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon