Tabi-tabi po, makikiraan lang po, at baka kayo ay mabunggo... Biringan. Ang misteryosong siyudad na hanapan ng mga nawawala. Sa mga nakasaksi, ito ay mahiwagang lugar ng mga talulikas na nilalang. Sa mga nagbubulagbulagan, ito ay isang kathang-isip lamang. Hindi akalain ni Anya na ang kaniyang makamundong buhay ay tila magbabago ng mahulog siya sa hindi malirip na bangin ng kagubatan. Laking gulat na lang niya ng matagpuan ang kaniyang sarili sa hindi pamilyar na lugar ng Paradisa, ang tinatawag na mundo ng mga Engkanto. Sa kaniyang paglalakbay rito, makakabalik pa kaya siya sa kaniyang mundo o tuluyan na siyang mabugkto sa kabilang mundo ng mga Engkanto? Dahil sabi nga ng mga nakakatanda, sa mundo ng Biringan, ang iyong pagkawala ay siyang susi sa iyong paghahanap.
7 parts