//5// Virtual World

756 24 22
                                    

R E V I S E D

Note: Hello sa'yo na naging kapatid ko kani-kanina lang. Ikamusta mo naman ako kay Haru sa dreamland mo. XD

=-=-=-=-=-=-=-=-=

Virtual World

=-=-=-=-=-=-=-=-=

(Armina Faith Alvarez's POV)

Napasandal ako sa metal door ng glass chamber. Naramdaman ko na rin na unti-unti na ring tumitigil ang paggalaw ng paligid ko. Idinilat ko na ang mga mata ko. Siomai lang, pakiramdam ko sumakay ako ng roller coaster ng mga sampung beses!

Lalo akong sumandal sa metal door. "Hah-hah-hah." Huminga ako ng malalim. Parang masyado akong napagod, idagdag mo pa yung pakiramdam mo na kaonti nalang masusuka ka na at pag-ikot ng paligid mo. Oh Levi~ iligtas mo ako~

Nakasandal pa rin ako sa metal door ng maramdaman kong bumukas ito.

Sandali lang, bumukas?!

"WAAAAHHHHHHH!!" Napasigaw ako. Matutumba ako! Ilang segundo na ang lumipas pero hindi ko pa nararamdaman ang sakit ng pagtama ko sa sahig o kung saan man ako babagsak. Napatingin ako sa itaas, teka, mga ulap ba 'tong nakikita ko?! Napalingon ako. Uwaaaaaahhhh! Kaya pala! Nahuhulog na pala ako!

"WAAAAAHHHHHHHH!" Wala na akong nagawa kundi sumigaw nang sumigaw. "NAHUHULOG AKOOOOOOOO!! NANAY KOOOOOO! WAAAAAAHHHHHHHH!! TULOOONG!"Nalulula ako! Uwahhhh! Nahuhulog ako! Mukhang mauuna pa mukha ko na tumama sa lupa! Sakit lang! Nakakapagtaka rin kung bakit nahuhulog ako eh samantalang nasa game hall lang naman ako kanina. Ano ba ang nangyayari!?!

Ilang segundo rin ang lumipas nang maramdaman ko na nasa lupa na ako at gumulong-gulong pa rito.

"Uwaaaahh. Ang s-sakit." Nanghihina kong sabi at bumangon mula sa damuhan. Napahawak ako sa ulo ko, at himala, mukhang wala naman akong nakuhang sugat maliban nalang sa sakit ng likuran ko. Napalibot ang tingin ko sa paligid.

Tumingin ako sa kaliwa, sa kanan, sa taas at sa ibaba. Kumurap-kurap ako. Naninibago ako. Isang malawak na greenfield ang nasa paligid ko. Ang mga puno dito ay parang kumikislap pa, saka hindi lang puro green na puno ang nakikita ko. Meron din na iba't-ibang kulay, may kulay pink, blue, orange, maroon at kung anu-ano pa! Ang mga bulaklak dito ay ganoon din, makulay din ang mga ito. Umihip ang hangin sa mukha ko. Napatingala ako at napansin ang mga ulap. Isa lang ang pumasok sa isip ko ngayon. Sabi na eh! Baka patay na ako! Oh no! HIndi pa pwede hangga't hindi pa kami kasal ng Levi ko!

Naglakad-lakad ako at makakita ng isang daanan na gawa sa bricks. Sinundan ko lang ito nang mapansin ko na may taong naglalakad sa malapit. Nakakapagtaka nga lang kasi ang damit niya ay parang gears.. May suot pa siyang cloak at may hawak na spear.

TEKA, NASAAN NA BA TALAGA AKO?!

Agad akong lumapit sa kanya, kinalabit ko siya. Humarap naman ito agad sa akin.

Kumurap-kurap ulit ako. Sinampal ang sarili ko. Oh my titan, tama ba 'tong nakikita ko?! MAY ANIME CHARACTER SA HARAPAN KO! WAAAHHHHH! Alam na ang gagawin di ba?! SUGOOOOOOD!

Huminga ako ng malalim. Hindi kasi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Kumurap-kurap ako. Kumurap din siya. Nanlaki ang mga mata ko. Nanlaki rin ang mga mata niya, Tiningnan ko lang siya. Tiningnan niya lang din ako. Nginitian ko siya. Sinimangutan niya ako. HALA, akala ko gagayahin niya ako!

"Hello. P-patay na po ba ako?" Tanong ko sa kanya at napataas lang ang kilay niya, uwaaaaahhh. Kahit mukhang masungit siya ang gwapo pa rin! Rawr! Kamukha niya si Azusa ng Brothers Conflict na medyo masungit lang ang dating saka walang glasses~!

War of the Otaku (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon