//8// Bunny

523 19 23
                                    

R E V I S E D

Dedicated sa'yo. <3

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Bunny~!

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Pinagmasdan ko ang kisame habang inaalala siya. Huhuhuhuh! Azusaaa~ Nasaan ka na ba? Napabuntong hininga ako. Hinanap ko siya kanina pero wala talaga. Ni hindi ko alam ang totoo niyang pangalan, bakit ba kasi Phantom Knight ang pangalan niya sa game! Kaagad kong kinuha yung unan at itinakip sa mukha ko. Ugh! Ayaw niyang maalis sa utak ko! Huhuhu! Kuroko tulungan mo ako~!

Kung iniisip niyo na namimiss ko siya, hindi! Hindi talaga! Hindi nga! Waaaahhh! Baka isipin niyo na ang defensive ko! Hindi talaga! Naalala ko lang lahat ng kabaitan na pinakita niya sa akin! HIndi man lang ako nakapag-pasalamat ng maayos!

Napabangon ako ng biglang may nag-appear na screen sa harap ko. "You received a mail..?" Clinick ko ito at biglang nag-appear ang isang message galing kay... Phantom Knight?

TEKA, SI AZUSA 'TO AH?!

Sender: Phantom Knight (11:19 PM)

Subject:

Message:さようなら。我々はすぐに、再び会うことにしよう  (Sayōnara. Wareware wa sugu ni, futatabi au koto ni shiyou) そしてありがとうございます (Soshite, anata ni kansha shimasu.)

Bye. We'll meet again, soon. And thank you.

Pagkatapos kong basahin ang message galing sa kanya ay clinick ko ang isang attachment na nakalagay.  'You have obtained Rainbow Fruit x 03' Napangiti ako. May pahabol pa siyang regalo sa akin!

Siguro nga kailangan ko muna mag-bbye sa kanya. Napabuntong hininga ako, sayang, gusto ko pa naman sana siyang makasama sa isang Marks hunt. Gusto ko siyang makasama na tapusin ang larong 'to.

Sandali nga lang.. BAKIT NGA BA ANG DRAMA KO?!

Natawa nalang ako, halos isang araw ko palang nakikilala yung tao pero ganyan na ako maka-react! Ipinikit ang mga mata ko. Inaantok na rin ako, masyadong maraming nangyari ngayong araw.

"Uhhhh..." Idinilat ko ang mga mata ko at dahan-dahan bumangon mula sa pagkakahiga. Tumatama na sa balat ko ang sinag na nagmumula sa araw. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at naghikab pa.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid ng mapansin ko na parang may kakaiba, Nang bigla kong maalala,  "Waahh! May pasok pa pala!!" Tumayo na ako at tumakbo papunta sa drawer ko----at napansin ko na--nasaan nga pala yung drawer ko?!

Tumingin ako kahit saan pero... WALA!

TAMA NGA ANG HINALA KO!!

"May magnanakaaaaaaw!!" Sumigaw ako. Bigla akong nagpanic. Inilibot ko ang tingin ko sa aking kwarto at napagtanto ko na hindi lang yung drawer ko ang nawawala! Pati yung study table ko lalo na ang mga poster ko ng anime! Ang poster ko ni Haru!!! Siomai! Nawawala na rin yung mga nakadisplay ko na manga!!

Nagulat pa ako ng biglang nagbukas ng pinto! "NASAAN ANG SUNOG?!" Bigla itong lumibot sa kwarto ko at may dala-dalang water hose. Inispray nito sa paligid ang tubig kaya nabasa ang mga gamit na nasa paligid!! Napakamot ito ng ulo, "Wala namang sunog ah?"

Napa-face palm ako. "Sabi ko magnanakaw at hindi sunog!" Sabi ko at mula sa mukha ko, pasimple kong pinahid ang kamay ko sa labi ko. Lawliet naman! May ibang tao dito tapos hindi pa ako naghihilamos! Baka tulo-laway pa ako tapos nakita niya! Argh! Nakakahiya naman!

War of the Otaku (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon