R E V I S E D
Dedicated sa kanya. <3
=-=-=-=-=-=-=-=-=
Tower of Wisdom
=-=-=-=-=-=-=-=-=
"WAAAAHHHHHHHH!!!" Napasigaw na naman ako. Wala na akong nagawa kundi ipikit ang mga mata ko at hindi ko na mapigilan ang panginginig ng lamang loob ko. Hindi dahil sa nahuhulog ako ngayon pero pakiramdam ko malalaglag ako ano mang oras! Agad na tumawa si Azusa na nasa likuran ko lang. Siopao na kalabaw! May acrophobia pa naman ako! Waaaaahhhhhh! Mamamatay na yata akoooooo!!!
Ang tanong, bakit na naman ba ako sumisigaw?
Dahil ito ang piniling paraan ni Azusa para malibot namin ng mabilis itong virtual world Mabagal daw kasi kung lilibutin mo ito sa tubig at lupa. Kaya ang last choice, air! Oo. Sa ere!
Kaya nag-rent siya sa isang merchant na makikita sa Sunshine Valley ng isang sasakyang pang-ere, na tinatawag ditong Aero. Para itong motor sa mundo nating mga tao, ang pinagkaiba nga lang 100 times mas high tech ito! Wala nga itong gulong eh, sa halip, mga propeller! Astig din ang porma nito, kulay puti na may tribal design pa na kulay sky blue, parang online game lang ang dating! Hindi rin ito nagbubuga ng usok, pero nagbubuga ng apoy na kulay blue! At maccontrol mo ito gamit ang isang holographic screen. Click mo lang yung gusto mong puntahan tapos automatic na dadalhin ka na nito doon! High tech diba?
"Ibaba mo na ako! WAHUHUHUHUHU!" Pagrereklamo ko! Kaonti nalang iiyak na talaga ako! Nakapikit pa rin ako at kapit na kapit sa handle na nasa harapan ko. Ramdam na ramdam ko ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko, buti pa dito! Nakaramdam pa ako ng sariwang hangin! Pero kahit na! Baka mahulog ako!
"Idilat mo yung mata mo." Maikling sabi niya at alam kong nag-chuckle pa siya. Agad akong umiling, baka pagkadilat ko magulat ako at biglang mahulog!
"Sige ka, masasayang ang kalahati ng buhay mo. 'Wag kang matakot. Nandito lang naman ako sa likod mo." Dagdag pa niya at narinig ko pang tumawa. Parang bigla akong napanatag sa sinabi niya. Nandito lang siya? Sa likod ko? Ugh! Ano ba yung naiisip ko! Imagine niyo na nga lang kasi si Azusa na ganun, anong irereact niyo?
Dahan-dahan kong idinilat ang kaliwa kong mata. Nang hindi makuntento, idinilat ko na rin yung kabila. Agad kong tiningnan ang paligid. Mga ulap ang mga nakikita ko! "Tumingin ka sa baba. Sa paligid, pagmasdan mo. Ang ganda diba?" Sabi niya at sinunod ko ang sinabi niya.
Tumingin ako sa ibaba. Biglang nawala ang takot kong nararamdaman at napalitan ng tuwa. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Mula dito sa taas, tanaw na tanaw ko ang malaking bahagi nitong virtual world. Kung anong kinaganda nito pag tiningnan mo mula sa baba ay lalong mas maganda kapag nasa ere ka. Makulay ito. Iba't-ibang kulay ang makikita mo sa paligid, buhay na buhay ito pag pinagmasdan.
"Wow." Ayun nalang ang nasabi ko. May ilan din kaming nakasalubong na nakasakay sa Aero, at tulad ko. Makikita mo sa mukha nila ang tuwa. Laking pasasalamat ko talaga at isa akong otaku!!
Sa pag-andar ng Aero namin ay lalo akong namamangha. Mula sa mga punong makukulay at mga kumikislap pa, sa mga bahay, buildings, sa mga tao at sa lahat-lahat ay parang panaginip lang. Parang tumakas ka sa realidad at pumunta sa isang makulay na paraiso. Lalo akong napangiti. HIndi ito panaginip dahil nangyayari na sa akin mismo.
"So, bilisan na natin? Mas masaya 'yon!" Tanong niya habang nakatawa at napanganga ako. Bigla na naman akong kinabahan sa mga narinig ko. T-t-tekaa.. hindi pa ba kami mabilis sa lagay na ito? Nagulat ako inilapit niya ang kanyang daliri sa holographic screen na nasa harapan namin at pinindot yung 'Full speed'. Nanlaki ang mga mata ko. "Pero------WAAHHHHHHHHH!!"
Napasigaw na naman ako habang umandar ng sobrang bilis yung Aero namin. Sa sobrang bilis mapupunit na yata ang mukha ko dahil sa hangin na tumatama dito. "WOOOOHHHH!!" Sumigaw pa siya at itinaas ang mga kamay niya Mukhang no choice, sulitin ko nalang ito.
Lalong tumaas ang lipad ng Aero. "Waaaaahhhhhhhhhh!!" Napasigaw pa ako lalo ng umikot-ikot pa sa ere ang sasakyan namin. Hindi ba uso gravity dito? Buti hindi kami nahuhulog! Instant roller coaster ang dating! Nakakatakot pero masaya!
Nakailang ikot pa kami at unti-unti na rin itong bumagal, senyales na nandito na kami sa aming pupuntahan. At sa hindi kalayuan ay may napansin akong lumulutang!
Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Mukhang nabasa niya ang nasa utak ko kaya nagsalita siya. "Ito nga pala ang Sky City o tinatawag na Central City. Ito lang ang city na bukas sa lahat ng players, kahit ano pa man ang rank nito at level, ito rin ang pinakamalaki ang pinakasikat sa lahat." Napanganga na naman ako sa sinabi niya.
Literal na Sky City talaga ang sinasabi niya! Isa itong malaking tipak ng lupa na nakalutang sa ere. At sa ibabaw nito ay makikita mo ang isang city, Tulad ng sabi niya. At sa gitna nito ay makikita ang isang napakataas na tower. Mga naglalakihang dyamante na kumikislap kislap pa ang nagsisibing harang o pader ng city. Isipin niyo nalang yung sa Shingeki no Kyojin! Ang mga ulap naman na nakapaligid dito ay lalong nagpaganda sa mga makikita mo.
Nung naramdaman kong nakatapak na kami sa lupa ay bumaba na kami ng sasakyan. Dahil limited din naman ang gamit ng Aero ay agad itong umalis at nawala sa paningin namin.
"Bakit nga pala tayo nandito?" Panimulang tanong ko at napansin kong nagyeyelo ang paghinga ko. Sa taas ba naman namin diba? Bukod doon, nakakahinga pa ako ng maayos at hindi pa nakakaramdam ng lamig.
"Para magturo pa rin tungkol dito sa laro. Haha" Sabi niya at tumawa pa. HInatak niya ang kamay ko at kinakaladkad niya akong papunta kung saan. Gusto ko pa sana magreklamo kaso ang init ng palad niya. Hahahaha! Sulitin nalang 'di ba? Isipin ko nalang, holding hands kunwari kahit na kinakaladkad talaga!
Sa pagkaladkad niya sa akin, pinagmasdan ko ang paligid. Marami akong nakikitang players dito, hindi lang marami., pero kahit saan ako sulok tumingin ay mga nagkalat na players. Yung iba nagttrade ng gamit. Meron ding namimili sa mga merchants at meron din namang mga nag-uusap at tawanan pa.
Grabe, sa dami ba namin na 'to, may pag-asa pa akong manalo?
Ngayon ko lang napansin na yung iba, serysong-seryoso talaga. Yung parang unang tingin mo palang masasabi mo nang masungit kasi hindi nakangiti tapos nag-iisa? Sila siguro yung mga talagang gustong manalo.
Meron din kasi yung pa-easy easy lang, naglalakad lakad at may hawak na pagkain. Parang ineenjoy lang kung ano yung nangyayari. May mga nagtatakbuhan pa nga at naghaharutan sa daan. Tama naman sila, ang saya saya kasi sa lugat na 'to.
"Nandito na tayo." Sabi niya at binitawan na ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kaonting paghapdi nito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Hindi ko nalang ito pinansin at tumingin sa tinutukoy niya.
Tumingala ako at napalunok.
One... three... five.. ten... fifteen...
Napalunok ulit ako sa kaba, ni hindi ko na natapos ang pagbibilang kung ilang palapag yung nakikita ko ngayon. Mukhang mapapasabak ako ah?
"B-bakit d-dito?" HIndi ko maiwasan ang pagkautal ko habang nagsasalita sabay tawa ng pilit..Tiningnan niya ang ako at ngitian.
"Tulad ng sabi ko kanina, nandito tayo para ituro pa rin sayo ang mga kailangan mong malaman." Mahaba niyang sabi na lalong nagpakaba sa akin. Napakamot tuloy ako sa ulo. "Uhhh.. S-salamat nalang?" Sabi ko at aalis na.
Pero hinigit niya ang kamay ko. "Huwag ka nga mag-aalala. Nandito naman ako." Sabi pa niya kaya pakiramdam ko umakyat ang dugo papunta sa mukha ko.
"Tara na?" Tanong niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.
"S-saan?" Tanong ko at umaasa na sana hindi iyon ang tinutukoy niyang pupuntahan namin.. Pero nagkamali ako dahil tinuro niya ang tower na nasa harapan namin. Napatingin ako sa kanya ng kinakabahan.
"Dito sa Tower of Wisdom."
=Susunod=
x~Shattered Note~x
Maraming salamat po sa mga nagbabasa at sumusuporta! Sana magustuhan niyo itong revised version! <3
R E V I S E D
BINABASA MO ANG
War of the Otaku (ONGOING)
AventuraDiba ang mga otaku.... Nagkakaisa? Dahil iisa ang gusto nila 'di ba? Kaso ano 'to? WAR?!! Weh 'di nga?! Story for everyone. Otaku man o hindi. XD