CHAPTER FOUR (Sales Associate)

1.6K 109 17
                                    




Abalang – abala si Zach sa pagpipirma ng mga papeles na nasa kanyang harapan ng tumunog ang kanyang intercom.

            "Yes, Sassy?" tanong niya sa kanyang sekretarya.

            "Sir, mama 'nyo po nasa line one," narinig niyang sabi nito.

            "I'll take it.  Thank you," at pinindot ang number one key sa intercom sa kanyang harapan.

            "Yes, 'ma?" sagot niya sa ina habang pumipirma pa rin sa mga papel sa kanyang harapan.

            "Baka makalimutan mo, ngayon darating sina Jack.  Kailangan kumpleto tayo dito sa bahay," paalala nito sa kanya.

            "Alam ko, 'ma.  Tumawag na sa akin si Jack kanina.  Ipinasundo ko na sila kay Greg," sagot niya dito.

            "Baka lang kasi nakalimutan mo sa dami ng trabaho mo diyan sa opisina.  Hindi ka na nga bumalik ng Amerika para dito magtrabaho pero parang hindi pa rin kita kasama," may himig pagtatampo ang boses ng kanyang ina.

            Natawa siya.

            "'Ma, ngayon ka pa ba magtatampo?  Linggo – linggo na nga kitang dinadalaw 'di ba?  Saka alam mong nandito lang ako sa Pilipinas.  Napakalapit ng Makati sa Mandaluyong," sagot niya.

            "Kahit na.  Siyempre, nami – miss naman kita.  Wala naman akong kasama dito sa bahay kundi si Rosing lang," nakarinig siya ng buntong – hininga nito.  "Ano pa nga ba ang magagawa ko?  Ganito talaga ang tumatanda, lagi ng nag – iisa." Medyo gumaralgal na ang boses nito.

            "Okay.  Maaga akong pupunta diyan.  Sige na, 'Ma.  Tatapusin ko na itong mga trabaho ko," sagot niya dito para huminto na.  Sanay na siya sa mga drama ng kanyang ina.  Hindi lang iisang beses umiiyak ito sa kanya magmula ng umalis si Jack dalawang taon ang nakakaraan.

            "O sige, iho.  Nagluto ako ng mga paborito ninyong ulam ni Jack.  Saka makikita ko na rin ang apo ko," iyon lang at ibinaba na nito ang telepono.

            Iiling – iling si Zach bahang ibinababa ang telepono.  Inihinto na muna niya ang ginagawang trabaho at sumandal sa inuupuang swivel chair.

            Napakabilis ng panahon.  Parang kailan lang ng ikasal ang kapatid niya at umalis ang mga ito para manirahan sa Australia.  Mayroon na ring anak si Jack kay Margot.  A two year old girl named Jam. 

            What happened to her?

            Iyon ang tanong na laging nasa kanyang isipan.  Dalawang taon na nga ang matuling lumipas pero hindi pa rin maalis sa kanyang isip si Sydney.  Ginawa niya ang lahat para mahanap lang ito pero sa malas ay para itong bula na bigla na lang naglaho.  Kahit ang sarili nitong ama ay hindi alam kung saan ito matatagpuan.  Parang talagang isinarado nito ang sarili sa buong mundo dahil sa nangyaring kasawian sa buhay nito.

            Lagi ngang sinasabi ni Greg sa kanya na kalimutan na niya si Sydney at maghanap na lang iba.  Kahit makita daw niya si Sydney ay gulo lang daw ang kahahantungan noon.  Pero talagang iba ang ginawa nito sa kanya.  That woman shook his life.  She was different among those girls that he met in his entire life. 

            Napapikit siya habang nakasandal sa kanyang kinauupuan.  Hanggang ngayon ay sariwang – sariwa pa rin sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ng gabing iyon.

            Malakas na tunog ng telepono ang gumising sa pangangarap niya.  Nakita niyang ang pangalan ni Greg ang nag – register sa kanyang cellphone.

If I was the One (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon