CHAPTER TEN (Daddy Issues)

3.1K 142 17
                                    




"Are you ready?"

            Kinakabahang napatingin si Sydney sa nagsalitang nobyo na katabi niya sa loob ng kotse.  Sumilip siya sa labas at nakita niyang nakasara ang gate ng bahay nila.  Alam niyang naroon sa loob ang kanyang daddy.

            "Can we go back some other time?  Hindi ko pa yata kaya," sagot niya at napayuko.

            Naramdaman niyang hinawakan ni Zach ang mga kamay niya at hinalikan ang mga iyon. 

            "There is nothing to worry, love.  I already talked to your dad and he misses you so much.  You don't know how much he wanted to see you," sagot nito sa kanya.

            Napahinga lang siya ng malalim.  Talagang parang may mabigat na nakasabit sa mga paa niya at hindi niya maihakbang palabas ng sasakyan.

            "Honey, I love you.  Whatever happens, I will be here for you.  We are just going to tell your dad that we are getting married.  I respect him and I need to tell him personally that I want to marry you and spend the rest of my life with you," paliwanag pa ng binate.

            Alam niyang pinapagaan ni Zach ang pakiramdam niya at bahagya naman itong nagtagumpay. 

            Napailing siya at inayos ang sarili.

            "Come on.  Let's do this," tanging nasabi niya at nagpauna ng bumaba ng sasakyan.

            "That's my girl," natatawang sambit ni Zach.

            Napangiti siya ng makilala ang matandang babaeng nagbukas ng gate ng bahay nila.  Hindi niya maipaliwanag ang saya sa mukha ni Nana Lucing.  Napaiyak ito ng makilala siya at yumakap agad sa kanya.

            "Diyos ko, Sydney.  Akala ko hindi na kita makikita ulit," umiiyak na sambit nito habang nakayakap sa kanya.

            Mabilis niyang pinahid ang mga luha niya at yumakap din ng mahigpit dito.

            "Kamusta na ho kayo?" tanong niya dito ng humiwalay ng yakap sa matanda.

            "Mabuti naman.  Medyo masasakit ang mga paa dahil sa rayuma pero maayos naman kami ng daddy mo," sagot nito sa kanya.  Nakita niyang napatingin ito sa gawi ni Zach.

            "Si Zach po," sabi niya para ipakilala ang nobyo.

            Pero sa halip na magsalita ay mahigpit na yumakap sa lalaki ang matandang babae tapos ay umiyak.

            "Akala ko hindi na magiging masaya ang alaga ko.  Maraming salamat at dumating ka sa buhay niya.  Pakiusap, huwag mo siyang sasaktan.  Napakabait ng alaga ko para saktan lang," umiiyak na sabi pa nito.

            Napakagat labi si Sydney habang pinapahid ang luha.

            Gumanti rin naman ng yakap ng mahigpit si Zach at natatawang sumagot.

            "Hinding – hindi ko ho sasaktan ang alaga ninyo.  Bubusugin ko lang ho siya sa pagmamahal ko," sagot nito.

            Mabilis na humiwalay ang matandang babae ng marinig ang sinabing iyon ni Zach.

            "Halika at pumasok na kayo.  Kaninang – kanina pa naghihintay si Kuya Roman," sabi nito.

            Mahigpit ang hawak ni Zach sa mga kamay niya na para bang tatakas siya. 

            And there.  She saw her dad sitting alone and looking at her.  Mabilis na namuo ang mga luha sa mata niya.  Tuluyan na siyang napaiyak ng makita niyang inilahad nito ang mga kamay na parang sinasabing lumapit siya.  Patakbo siyang lumapit dito at mahigpit na yumakap sa ama.

If I was the One (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon