Hindi alam ni Sydney kung anong bar itong pinuntahan niya. Hindi nga niya alam kung nasaang parte na siya ng Maynila. Pakiramdam niya ay para lang siyang zombie at sumusunod sa agos kung saan siya dalhin ng kanyang paa. Wala siyang pakialam kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid.Hindi na nga rin niya alam kung nakakailang shot na siya ng tequila na inoorder niya sa waiter na dumadaan sa harap niya. Basta ang alam niya, marami na iyon dahil hindi pa siya nagtatagal sa lugar na iyon, pakiramdam niya ay nalalasing na siya.
May lumapit muling waiter sa kanya at inilagay sa mesa niya ang shot ng alak. Dadamputin na lang niya iyon ng magulat siya ng biglang may kumuha noon at ito ang uminom.
Napatingin siya sa gumawa noon at napailing ng makilala kung sino ang lalaki.
"Are you following me?" tanong niya dito.
Nakita niyang ngumiti si Zach at umupo sa harap niya bago sumenyas sa waiter ng dalawang order ng beer.
"No. Why would I follow you? I just wanted to unwind and dito ako napadpad. Luckily, nandito ka so someone will entertain me for the night," sagot nito sa kanya at nilagok ang beer na ibinigay ng waiter.
"Sobrang coincidence naman na nandito ka kung saan nandito din ako," sabi niya dito. Pakiramdam niya ay umiikot na ang ulo niya. Tumatama na yata ang nainom niya
"And I just love coincidences," sagot nito na nanatitiling titig na titig sa kanya.
Napatingin siya sa gawi ng binata at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya.
"My sister took everything from me. She got my life and the man that I love. Now, she thinks I am taking his man back," sabi niya at napasubsob sa mesa bago tuluyang napaiyak.
Hindi umimik si Zach. Alam niyang kailangan lang niyang makinig sa sasabihin ng babae kahit pa nga masakit iyon para sa kanya
"Jack was my life. We were about to get married and then the unevitable happened. Next thing I know he was getting married to my sister," muli itong napaiyak ng maalala ang mapait na nakaraang iyon. "That's when you saw me. I wanted to end my life that night. They didn't know what they took from me. They took my life." sabi pa nito.
Pinabayaan lang niyang magsalita ng magsalita ang babae habang patuloy ito sa pag – iyak. Tingin niya ay matagal itong kinimkim ni Sydney at ngayon lang nailalabas kaya damang – dama niya ang kalungkutan nito.
"We talked you know? Your brother and me," sabi nito habang mabilis na pinahid ang mga luha. "Nag – usap kami. The funny thing is, I don't feel the same anymore. I asked myself if I am still in love with him. Pero wala na talaga. Nasaktan lang talaga ako ng sobra dahil sa ginawa nila sa akin at hindi ko matanggap na sarili ko pang kapatid ang gagawa noon," sabi pa nito dito at pinahid ang mga luha.
"So, you are already over him?" tanong ng binata.
"Siguro," sagot ni Sydney at kumibit ng balikat. "Matagal na. Sa tingin ko this is just my pride why I am still hating them. Pero other than that? Wala na talaga," sagot niya at hinawakan ang kaharap na tequila. Iinumin na lang niya iyon ng pigilan siya binata.
"Enough. I think you are already drunk," sabi nito habang pigil ang kanyang kamay.
Napangiti siya habang napapailing na nakatingin sa lalaki.
"Guwapo ka pala," sabi niya sa binata. She is too drunk kaya kung ano – ano na ang lumalabas sa bibig niya.
Nakita niyang napatawa si Zach sa sinabi niya. "Tingin ko mas guwapo sa paningin mo si Jack kasi you loved him first," sagot nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
If I was the One (complete)
RomanceWeeks before her wedding day, Sydney found out the ultimate horror any bride to be would be afraid to face. Seeing her fiancé Jack in bed with someone else. And not just someone else. The woman with him in bed was her sister. To add salt to the wo...