We really don't need to forget the past, because the past makes us what we are now. Past is a lesson for us to always remember, so that we will never make the same mistake twice. -mananglola
...**Chapter 1**...
"Hello, it's me.""Dilim kaba? Kasi ng dumating ka, wala nakong makitang iba." Napataas ako ng kilay ng may nagsalita malapit sa tenga ko. Nasa bar kami ngayon with my bestfriend kakauwi ko lang galing states, well it's good to be back. I guess.
Huminga ako ng malalim at nilingon kung sino ang nagsalita.
Woaah! it's him again? Kailan ba ako titigilan ng lalakeng ito! Its so frustrating! Akala ko pa naman magiging okay ang pagbabalik ko, mukhang hindi na. Heto nanaman si boy pickup ng buhay ko. Oo boy pick up, papaano ba naman kasi banat ng banat sa akin e. Nakakaloka na.
Jusko, kalma Victoria, huwag magpapa-stress. Pero sorry, hindi ko talaga mapigilan basta pagdating dito sa lalaki na ito.
"Ano na naman ba ang kailangan mo ha? Hindi ka parin nagbabago! Hindi kaba naririndi sa mga korning banat mo!" Pagsusungit ko sa kanya. Hard na kung hard! Eh paano ba naman grabe na siya e! Tsaka mas makapal mukha niya magpakita pa sakin!
"Yun na nga e. Why? Don't you miss me? I mean, hindi mo man lang ba namiss mga banat ko sayo? Kahit man lang sana yung banat ko sayo ang na-miss mo diba?" Sabi niya, at lokong taong to! Abay nakapout pa! Kala niya bagay niya! Suuuh! Bagay nya kaya! Pogi pogi nga ohh. Nagulat naman ako sa sinabi ng utak ko.
Yuck pogi daw? E hari ng kahanginan to e! Porke ma dami ng babae naghahabol sa kanya kala mo kung sino! Pwes, Ibahin moko! Tsss. Hindi na ako katulad noon. Jusko!
"Ano ba naman yan Seigefreid! Will you just please go away. I dont like being near you! Baka akalain ng ibang tao dito e isa nadin ako sa mga babaeng napaamo mo dahil sa mga banat mo!" Sagot ko sakanya
"Bakit hindi ba?" He whispered. Kala niya siguro hindi ko narinig. Tss. Hindi ko siya pinansin. Manigas siya. Jusko.
"Ikaw naman. Kakalapit ko palang sayo iritado kana agad. Namiss lang kasi kita. I tried calling you but your secretary always told me that your in a meeting or something, I also tried texting you but you wouldn't respond to any of it." Sabi niya nakapout nanaman. I can see remorse in his eyes. Pero looks can be deceiving Victoria, remember that. Bakit naman siya magsisisi in the first place.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata. Oo tama, I didn't respond to any of it kasi ayaw ko nang magkaroon pa ng communication between saming dalawa.
So I answered, "I've been busy."
"Alam mo ba nung nawala ka, ang bigas, gasolina, pamasahe, tuition fee, isda, karne, lahat sila nagmahalan." Sabi niya.
"E ano naman?"
"Tayo nalang ang hindi." Hays, iyan nanaman yung ngiti niya! Nakakaasar!
Tinaasan ko siya ng kilay. Ang dami lang nitong alam sa buhay!
"Hoy alam mo ikaw! Tigil tigilan moko! hindi moko madadaan sa..." Magsasalita pa sana ako ng may tumawag sakin sa likod ko.
"Vicky!!!!" Sigaw ni Alice habang papalapit samin ni Adam. "Oh Adam, what brought you here?" Alice is my best friend by the way. I mean, we are like sisters.
"Ah. Hehehe. Pinapunta ako ni Tito dito." Sagot nito
"Ah ganun ba? Hindi mo nanaman ba pinagtritripan tong bestftiend ko?"
"Awiits! Kahit kailan diko yan pagtritripan no, at wala akong balak gawin yun." Sabi niya. Jusmio, Don't me Seigfreid.
"E ano yang ginagawa mo?" Nagsusungit natong best friend ko. Hihi.
"Kinakamusta lang siya. Di naman siguro masama." Masama iyon! Masama sa kalusugan ko! Jusko.
"Suss. Ang dami mong alam Adam. Ano ferry tara na? Baka hanapin kana sa akin ni Tita Isabelle kapag hindi pa kita naiuuwi." Eto talagang bestfriend ko good influence talaga sakin. Ferry tawagan namin. Hihihihi, ang cute no?
"Good idea. Medyo sumasama narin ang ihip ng hangin dito." Sabi ko. Ewan ko ba kung maaasar ako sa taong to kasi ba naman inamoy niya tuloy yung kanyang under arms.
"Hoy Adam! What are you doing?!" Pigil na tawang pag sabi ko. Hihihi kahit naaasar ako sa mokong nato di ko padin maiwasan mapangiti sa pinag gagagawa niya pero hindi ko iyon pinapakita mamaya bigyan niya ng kahulugan, isipin niyang may gusto parin ako dito.
"Inaamoy ko ang sarili ko kung may amoy ako. Pero ang alam ko naman kasi wala e. Lagi naman akong naliligo." Sagot niya.
"Grrrr! Its just a metaphor! Lets go Alice, I needed a break!"
Nauna na akong naglakad at sumunod naman si Alice.
"Ferry! Wait! I forgot to tell you, Chelsea barrowed my car. Do you want to take the cab?"
Chelsea is Alice younger sister. Sasagutin ko sana ang tanong niya ng nagsalita si Adam.
"No. I'll drive you both. Magkapitbahay lang naman kayo diba at saka it's not safe taking a cab at this time of the day, especially both of you are beautiful girls. Baka mapaano pa kayo." Sabi niya. I can see his concern. Nakakatouch. Hihihi. Kahit ubod ng kahanginan, gentleman padin naman pala kahit papaano.
Tinignan lang ako ni Alice, tinignan ko rin siya nagmumuka siyang malungkot at nilingon din si Adam. Napabuntong hininga ako.
"Fine."
*****
Tahimik ang naging byahe namin kaya naisipan kong magplay ang music, naalala ko hindi pala kay Alice to.
"Do you mind?" Pointing my hand to the radio of his car.
"Nope." sabi niya at nginitian ako saglit at lumingon ulit sa daan. Tulog na kasi si Alice sa likod. Oo, sa may passenger seat ako nakaupo, pinagpilitan ni Alice kanina e.
+flashback+
Alice: Ferry sa harap ka na. Pleaseee. Ang sakit nang katawan koe. Huhuhu. Pleasee
Ako: o sige nanga. Tsss. Ang hyper mo naman kasi sumayaw kanina.
Alice: oo na! ganun talaga yun!
+end of flashback+
Pagkaon ko ng music. Nagplay ba naman ang passenger seat. Tsss. Kaya inoff ko agad.
"O bakit mo pinatay?" Sabi niya. Anong gusto mo, ikaw patayin ko?
"Wala." sagot ko.
Muling nanumbalik ang katahimikan saglit ng bigla siyang tumikhim.
"So close, yet so far." sabi niya. Naguluhan naman ako sa pinagsasasabi niya kaya hindi ko nalang siya pinansin at nakatulog nadin ako. Malayo kasi at matrafik, umuulan din kasi nung umalis kami.
*****
Waaah. How's that for our first chapter guys? Hahahahhahaha
Thanks for reading!
#BeingBitterMakesYouBetter
#Chappy1AllDone
BINABASA MO ANG
Endless Infinity
HumorKung asukal ka, ako naman ay sago, wala akong kwenta kung wala ang tamis mo