We may forget the feelings we have for someone in the past, but our hearts never will. Cause deep down, it's just buried. Waiting it's awakening. -mananglola
..**Chapter 2**..
"In denial"Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na nang gagaling sa bintana ko na siyang dahilan kung bakit ako nagising. Laking gulat ko nalang at nandito na ako sa kwarto ko at nakabihis ng, well pantulog.
Panaginip ko lang ba ang lahat? Duh imposible naman na mapanaginipan ko lang ang lahat ng yun di ba?
Dumaretso ako sa ibaba. Dalawang palapag kasi ang bahay namin. I mean bahay ng magulang ko, hindi pa ako nakakabalik sa condo ko, masilip nga mamaya, para maiayos ko nadin ang gamit ko.
"Goodmorning mom." Bati ko kay mama na nagluluto ng umagahan. Yummy talaga magluto si mommy ng breakfast. May sunny side up, bacon, french toast, hotdogs, sinangang na rice at coffee. Jusko! Gutom na ako!
"Goodmor-- Anak! Bakit ganyan ang suot mo. Kitang kita na lahat oh!" Sabi niya. Kumunot ang noo ko. Ano bang problema e sanay naman na ako na ganito kasi kaming dalawa nalang naman ang nandito.
"Mom! Its okay! Tayo lang naman di--" Ano bayan laging napuputol ang sasabihin ko!
"Goodmorning Tita." Sabi ng boses na nasa likod ko. Nilingon ko naman kung sino yun. Si Adam lang pala... ANO! SI SEIGEFREID! Anong ginagawa nito typhoon na ito dito!
"G-good Morning-g din Victoria. T-tita punta po muna ako dun sa sala." Nauutal niyang sabi at tinalikuran kami. Now what? Nilingon ko si mama na nakatingin din sa akin.
"Why is he here mom? At saka anong problema nun?"
"Hinatid ka nilang dalawa ni Alice kagabi dito kagabi. Tulog mantika ka kasi kaya hindi ka na nila nagising. Hindi ko nadin siya pinauwi kasi baha na ang daan papunta sa bahay nila, nabasa ko sa news kagabi kaya dito ko na siya pinatulog." Ohh. Kaya pala.
"E mom bakit parang nakakita ng something? Bigla nalang siyang nautal?"
Kumunot ang noo ni mama. Ano ding problema ng isang to?
"Tignan mo kaya yang suot mo ano, buti nalang at matagal ko nang kilala yang si Adam. Papaano nalang kung si Keifer yon?" Sabi niya at bumalik na siya sa pagluluto. Ano yon? Bakit kailangang isali ang boyfriend ko sa usapan?
Tinignan ko naman at nanlaki ang mata ko! Gosh! Kitang kita katawan ko sa suot ko! Manipis pamandin ang tela. At ang gulo gulo ng buhok ko. Huhuhu. Ano bayan nakakahiya!!! Kumarimpas agad ako ng takbo papuntang kwarto ko. Naligo nadin ako at nagsuot ang disenteng damit. Goooosh! Nakakahiya itsura ko kanina.
*****
"Victoria?" Sabi ni Adam bago kami kumain, nasa living room kami ngayon.
"Yes?" Sinagot ko siya ng maayos kasi nahihiya padin ako sa kanya kanina.
"Kutsara kaba?"
"Bakit" hayyys. Eto nanaman tayo..
"Malayo ka palang, napapanga nga nako." Sabi niya habang nakangiti. Ano bayan!
Kailan ba balak nitong tumigil! Hindi ko alam kung nangiinis ba ito dahil sa nangyari kanina. Tss. Pero kahit nakita nita ito ng hindi ko alam, natouch ako kasi hindi man lang tinitigan. Nagiwas tingin pa siya. Well nakita naman na niya ito noon pero jusko! Noon yon! Noong akala kong maayos tong unggoy na ito!
BINABASA MO ANG
Endless Infinity
HumorKung asukal ka, ako naman ay sago, wala akong kwenta kung wala ang tamis mo