Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Narinig ko yung sinabi niya. Malinaw yun sa pandinig ko dahil kahit nasa publiko kami ay para kaming nasa pribadong lugar dahil sa sobrang tahimik.
Marahan akong yumuko. Parang gusto kong lumabas. Hinanap ko si Donna pero hindi ko siya makita. Malaki din yung Phoebian, siguro ay nasa dulo siya.
Paalis ako sa harap nung lalaki nang pigilan niya ako. Nakatingin siya sa akin gamit ang kanyang malamig na uri ng tingin. Ang gwapo niya pero nasesense ko talaga na antipatiko siya. Pinantayan ko siya ng tingin. Hindi ako natatakot na humarap sa kanya dahil naging customer naman namin siya sa convenience store at kung employee nga siya dito ay dapat maganda ang pakikitungo niya sa akin.
"Sir?" Pagharap ko sa kanya. Binalik niya ang bote ng pabango sa stand nito. Linagay niya ang dalawang kamay niya sa likod at binalik uli ang tingin sa akin.
"You're from that convenience store right? May I know why you're here? You're supposed to work." Sa tono ng pananalita niya ay parang ibig niyang sabihin ay hindi dapat ako pumunta dito sa mall dahil may trabaho ako.
Binasa ko ang labi ko. Hindi lang antipatiko, hambog pa. Oo na siya na ang nagtratrabaho sa ganitong lugar. Hindi niya kailangan na ipamukha sa akin na hindi ko afford yung paninda nila.
"Day off ko po sir. Atsaka... kasama ko po yung kaibigan ko. May bibilhin lang daw siya dito." Handa akong magsalita sa harap niya kung sakaling hindi niya ako tratuhin na customer dito sa loob Phoebians. Nararamdaman ko talaga na hindi niya ako titigilan.
"Day off? That's some kind of relief you know, may day off pala kayo."
Kumunot ng bahagya ang noo ko sa sagot niya. Ano bang ibig niyang sabihin?
"Oo sir may day off po kami." Sarkatisko kong sagot sa kanya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil nagtaas siya ng kilay. "Ah sige po sir, hahanapin ko po yung kaibigan ko para makaalis po kami."
"Why aren't you buying? Didn't you like our products?"
Hindi pa ako nakakalayo nang magsalita siya. Naiirita ko siyang nilingon syempre hindi ko pinakita na naiinis ako dahil baka makarma agad ako. Customer pa naman siya namin. Inisang tingin ko yung pabango na tinignan ko kanina saka ko binalik ang tingin sa kanya at umiling. Umalis ako sa harap niya at lumabas.
Wala akong budget para sa pabango na yun dahil estudyanteng pobre palang ako. Gaya ng sabi ko ay hindi ko uunahin ang hindi ko pa kailangan. Sa ngayon ay yung pag-aaral ko muna ang gagastusan ko. Hindi naman ako kaartehan na babae at sanay na ako sa mumuruhing cologne.
Nagmensahe ako kay Donna na nasa labas ako dahil wala akong ganang tumingin sa mga paninda. Yun nalang ang sinabi ko sa mensahe ko dahil ayaw ko pang magduda siya. Tinignan ko ulit ang cellphone ko nang tumunog ito. Ang sabi sa reply niya ay nasa loob pa daw siya. Suminghap ako at nagkamot sa aking batok. Nagpaalam nalang ako sa mensahe ko sa kanya na mauuna ako sa kanya dahil may trabaho pang naghihintay sa akin.
Wala akong nakuhang sagot galing sa kanya kaya tinago ko nalang ang cellphone ko sa loob ng bag at nagsimulang maglakad. Sumakay ako ng jeep pauwi sa bahay. Pagkauwi ko ay hindi na ako nagbihis. Binitawan ko lang ang bag ko sa loob ng kwarto ko. Bisekleta ko lang ang dala ko. Iniwan ko lang ang cellphone at wallet ko sa kwarto. Hindi naman yun mananakawan dahil tinago ko ng maayos. Saka maayos ang pagkaka-lock ko sa bahay.
Dumaan ako sa isang eatery. Bigla akong dinalaw ng gutom kaya kumain muna ako. Kahit kakakain ko palang ng agahan ay ginutom ako bigla. Nawala ang gutom ko nang mabusog ako. Nagbisekleta na ulit ako papunta sa mansyon ni Lola Gracia. Pasipol-sipol ako papunta sa mansyon niya, magaan ang loob ko at hindi ko pinapansin ang mga sasakyan na nakakasalubong o nakakasabay ko, nasa gilid lang naman ako nang biglang may bumusena ng malakas kaya nagulat ako at nawalan ng balanse ang pag-hawak ko sa bisekleta.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...