07 - The Truth

231 10 0
                                    

HINDI MAINTINDIHAN ni Arkin kung bakit hindi na sa kanya nagpaparamdam si Joshua nitong mga nakaraang araw. Pagkatapos nilang lumabas at papuntahin ito sa bahay niya ay parang naging mailap na ito. Ano nanaman kaya ang nakain nun kaya ayaw siya nitong kausapin? May nagawa ba siya dito? He's not sure. Smooth and simple naman ang pamamasyal nila nung nakaraang araw kaya naman mas lalo siyang naguluhan.

"Text ka ng text diyan, sino nanaman bayan?" Pinakielaman na siya ni Brenan habang nasa kotse nito. Ito ang nag di-drive.

"Wala lang Sir. Huwag mo lang akong intindihin."

"Nako baka si Joshua nanaman yan ah!"

"Nako hindi!" Mukang nahulaan kaagad nito ang mga galaw niya.

May mini meetup sila ngayon sa isang mall. Napagkasunduan kasi nila at ng true blue radio na maglungsad sila ng isang mini meetup para sa mga tigapakinig nila. Isa pa ay malapit narin ang kanilang annniversary. Three years na siya sa napili niyang serbisyo na magpalaganap ng pag-ibig at solusyunan ito, pero bakit ganun wala parin siyang love life. Sabagay, ni hindi nga niya matanggap hanggang ngayon sa kanyang sarili na may gusto siya sa isang lalaki.

Sabay silang pumasok sa book store ni Brenan. Mula sa pagpasok nila duon ay sinalubong kaagad sila ng manager ng store. Hinatid sila nito sa pagdadausan ng meetup.  Nagkikislapang ilaw kaagad ang sumalubong sa kanya pagpunta nila ng second floor ng power books live! Sa may Glorietta. He didn't expected na ganun pala ka-warm ang pag salubong sa kanya ng mga tao.

"Oh my God!" Punong –puno ang mga silya. Nagsisihiyawan din ang mga nakatayo out side of the perimeter line. Nakakatuwang pagmasdan ang mga taong sinisigaw ang pangalan niya at nag gawa pa ng banner para lamang magpasalamat sa kanya.

Pagkatapos ay inalalayan siya ng isang staff ng bookstore upang umupo na. Katabi niya ang kanilang director na si Brenan at isa pang nilang staff na si Bobby.

"Wooo! I didn't expected na ganto po karami ang pupunta sa meetup na ito. Sabi kasi ng director naming na si Sir. Brenan eh baka daw langawin ang pagpapakita kong ito ngayong umaga dahil boses ko lang naman ang minahal ng mga listeners namin. But I was wrong." Naghiyawang muli ang mga tao. Kala mo eh may concert sa loob ng malaking bookstore. May isa pangang audience ang sumigaw na "Ang gwapo mo Kuya Love!" Tumawa lang naman siya at sinabi ang katagang "Thank you for the compliment."

Pagkatapos ng konting introduction niya at ni Brenan kung paano nabuo ang concept ng Love Kuya ay humilera naman malapit sa lamesa nila ang ibang mga avid listeners ng radio show para magtanong sa kanya na LIVE! 

"What is your name?"

"Ahm Imelda po kuya Love?"

"Okay Imeda anong tanong mo sa akin?"

"Ahmm itatanong ko lang po kung meron kayong napupusuan ngayon?"

Tumabingi ang nguso ni Arkin. Punyemas! Expected na niya na may magtatanong sa kanya nito pero bakit pa sa unang magtatanong pa! "Okay Miss Imelda. I have a crush right now." Nagtilian ang mga tao.

"Eh sino naman po kuya Love?"

"Next please!" Sagot niya sabay nagtawanan ang mga audience. "Joke lang Imelda. Siguro eh hindi ko na sasagutin yan kasi medyo private ako pagdating sa aking love life. Okay nabang sagot yun."

"Okay lang po kuya Love. Pero pwede pong pa kiss!"

"Sure!"

Lumapit ang natanong sa lamesa ni Arkin at hinalikan siya nito sa pisngi. Narinig pa nga niya itong nagsalita na mabango daw siya. Eh ang totoo niyan ay humiram lang siya ng pabango kay Brenan dahil nakalimutan niya ang sa kanya.

Love Sick (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon