08 - Treasure Chest

230 9 0
                                    

"HELLO CALLER NUMBER 2?" Tumaas ang kaba ni Joshua pagkasagot ng kanyang tawag sa isang pomosong radio show ang Love Kuya. Hindi siya makapag salita kaagad pagkarinig niya ng boses ni Kuya Love. Hindi ba niya maintindihan pero parang pamilyar ang boses ng bigla na lamang nagrehistro sa kanyang utak. Kung tutuusin ay napaka swerte niya. Isang dial pa lang niya kasi sa telepono ay nakuha na agad ang tawag niya. 

"Yes caller number 2, Ano pong pangalan nila?"

Tila pinakinggan ng host ng show ang paghinga niya ng malalim. "Ah Joshua po kuya Love!"

"Oh matigas ang pangalawang caller natin. Okay Josh tiga saan ka?"

"Tiga Muntinlupa City po." Sagot niya

"Muntinlupa okay. Anong problema mo Josh?"

Bigla siyang kinabahan ng hindi niya mawari. Nagsimulang maglabasan at mapuno ng pawis  ang dulo ng kanyang matangos na ilong. "Ah eh ang totoo po niyan eh wala po akong problema."

Nag pause si Kuya Love sa kabilang linya. Mas lalo siyang kinabahan.  "Ah eh wala ka naman palang problema eh so Josh bakit ka tumawag, anong atin?

"Kuya Love. Ang gusto kolang po eh mag share ng story ko."

"Mag share ng story? Pero Josh mukang nagkamali ka ng tinawagan." Natawa pa ito. "Konting oras lang kasi ang kaya kong ibigay sayo hindi itong buong time ng show ko."

"Ganun po ba?"

Pagkatapos ng maikli nilang pag uusap ay bigla siyang pinutol ng host sa may ere. Hindi niya alam pero sabi ng announcer ay huwag daw muna niyang ibababa ang kanyang telepono. Hindi niya alam kung ano ang pinag uusapan ng mga crew ng Love kuya habang commercial break pero parang alam na niya na may tiyansiya siya na pagbigyan ang kanyang gusto. 

"Ahmm Hello?" Sinagot siya ulit ni Kuya Love habang kasagsagan ng commercial break.

"Yes po."

"Is this Josh right?"

"Yes tama po."

"Okay Josh. We have our commercial break pero nag usap na kami ng management na pwede mo daw ituloy yung kwento mo. Medyo iklian mo lang ah para masulit yung time mo. Okay bayun?"

"Sige po. Maraming salamat. Then the rest is history. Sumabak na siya sa show ni Kuya love at kinwento niya dito ang unang engkwentro nila ni Kenneth. Pero bakit ngaba gusto lang niyang maglahad ng kwento niya sa show ni Kuya Love?  

Sa isip-isip kasi niya na baka pag narinig ni Kenneth ang kwento niya ay baka may chance na bumalik ito sa piling niya. Totoo nga kaya? Its almost six lonely years din iyon. Sa loob ng mga malulungkot na taon na iyon ay pinilit niyang maging masaya sa kanyang buhay. Ginugol niya ang kanyang buhay sa pag aaral, pag tatranbaho at ng makaipon ay nagtayo siya ng isang maliit na shop.

Pero parang may kulang. Ang isang lalaki na kaisa-isa niyang minahal pero iniwan lamang siya. Naalala pa niya ang mukha nito habang natutulog, Ang amoy nito kapag yumayakap ito sa kanya, His gorgeous smile when he look at him pati ang boses nito hanggang sa huli nilang pagkikita. Rehistarado iyon lahat sa memorya niya. Paano nga ba naman niya ito makakalimutan eh ito lamang ang katangi-tanging lalaki na minahal niya.

Kinabukasan habang nanonood siya ng Kris t.v. Ay may bigla na lamang may kumatok sa may pintuan. Hininaan niya muna ang sound ng telebisyon at tuluyang binuksan ang pinto. Then He was shocked. Hindi dahil kung sino ang lalaking nasa harapan niya ngayon kundi kung ano ang itsura nito. Kamukhang kamukha iyon ni Kenneth, Medyo nag matured lamang ito ng konti pero ng hulma niyon at ang iba pang parte ng mukha nito ay super identical. Walang ano anoy bigla niyang sinara ang pintuan. Mas lumakas ang pintig ng kanyang puso, napahawak siya duon. na tila sa sobra nitong lakas ay gusto nitong lumuwa mula sa kanyang dibdib. 

Love Sick (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon