03 - Attraction

432 16 0
                                    

ABOT LANGIT ANG NGITI  ni Arkin pagkatapos niyang makapasok sa loob ng bahay ni Joshua. Ano ba namang kinontyaba niya si Makoi para lamang suyuin nito si Johua na duon muna siya makitulog ngayong gabi. Nung una ay matigas pa sa bato ang sagot ni Josh batay sa gusto nitong mangyari pero ang hindi niya maintindihan ay bigla na lamang itong umoo sa huli. 

"Oh yan! Diyan ka matulog sa may lapag. Na walang kumot, sapin, at unan!" Malupit nitong sabi.

"Pinatulog mo nga ako dito eh kinawawa mo naman ako."

"Bakit nagrereklamo ho kayo Kuya Love? Okay mamili ka ulit yung matulog ka sa loob ng kotse mo o matulog kayo dito sa lapag? Madali naman akong kausap."

"Bakit may magagawa paba ako, sabi ko nga dito eh." Napatingin si Arkin sa sahig, tila humahanap kung paano siya pepwesto. "Saka teka, kailan pala yung sked natin para sa pagtawag mo ulit sa show ko?"

"Anong sked?"

"Yo know, yung kontrata natin. Kung gusto mo eh..."

"Teka lang ah mukhang feeling close na tayo niyan , di porket pinatulog kita dito eh papayag na ako sa gusto mo. Di po tayo close uy! Saka ayoko!"

"Okay okay." Nakangisi siya na tila ginagalit pa ito. Tuluyan ng pumasok sa kanyang kwarto sa itaas si Joshua pero sa isip-isip ni Arkin eh tignan lang niya kung hindi niya ito mapaoo sa gagawin niya bukas. 

"At saka nga pala Kuya Love..." BigIang bumalik si Josh, may nakalimutang sabihin.

"Ano yun?"

"Huwag ka palang maingay kung pwede."

"S-sure!" 

"Okay, buti na yung maliwanag." Sabay panik ni Josh sa itaas. 

Muling tinignan ni Arkin ang buong bahay ni Joshua. Nakakabilib na sa angking kabataan nito ay meron na ito kaagad na na-established na bahay. Samatalang siya ay nangungupahan lamang ang isang studio type na room na halos walang korte. Plain and simple naman ang tema ng mga kagamitan ni Joshua sa loob. Meron lamang iilang picture frame na naka dispaly sa malaki nitong devider at dalawang malaking painting na nakasabit sa may sala. Pero maliban duon ay wala na. Ni kahit yata family picture ng pamilya nito ay hindi siya nakakita.

Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong kinuha at tinignan kung sino ang tumawag. Si Brenan. "Yes Sir?"

"Arkin kamusta kana? Ano ang bago sa develpoment?"

"Wala Sir. Ayaw paring pumayag. Mukang matatalo yata tayo dito." 

"Ganun ba. O sige bumalik kana dito ako nalang ang bahala."

"Hindi Sir. Kaya ko pato. May plano pa ako bukas."

Napatawa si Brenan sa kabilang linya. "O siya bahala ka."

"Eh Sir bakit pala kayo tumawag?"

"Talagang makakalimutin kana Arkin no? Hindi ba mag o-on air tayo ngayong gabi."

"Sus oo nga pala, nakalimutan ko." Binatukan niya ang sarili.  "Sige Sir i a-assemble ko lang yung mga gamit ko."

"Gamit mo. Bakit nandiyan?"

"Oo naman Sir. Diba sinabi ko na sa inyo kanina. Saka hindi naman tayo magiging no.1 sa ratings kung hindi ako laging handa." Pagyayabang niya. 

Nasa senaryo na ni Arkin na baka matagalan siyang kumbinsihin ang caller niya na si Josh kaya naman ay dinala niya mula sa kanyang byahe ang kanyang portable radio machine para kahit na sa mga emergency na ganito ay handa siya. In-assemble niya iyon sa may sala pagkakuha niya nito sa kanyang kotse. Paminsan minsan ay sumisilip pa nga siya sa may hagdanan na baka nandun si Joshua, tinitignan kung babangon ito at pagagalitan siya.

Love Sick (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon