"Ako si Brandon galing sa pinakailalim na lupa, isang demonyo at ako ang iyong guardian devil"
Ilang segundo akong nakatitig sa kanya dahil sini-sink in ko yung nga sinabi nya
"Wag mo nga ako pinaglololoko! Demonyo ka dyan! Maghanap ka ng ibang mapagtitripan wag ako! Makalabas na nga dito!"
Tumalikod na ako sa kanya at lumabas na sa cr. Lakas ng trip nang lalaking yun. Demonyo? Pwede ba ang alam kong demonyo ay yung may sungay tapos nakakatakot ang mukha nila.
Sya, naka leather jacket na kulay itim, tapos ang astig pa ng buhok nya parang pina ayos sa mamahaling parlor, alam nyo yun? Tsaka ang pogi nya para maging demonyo no, tanga na lang ang maniniwala na demonyo sya. Malayo layo na ako sa cr nang muntika na ako ma-out of balance dahil may yumakap sa paa ko
"Sandali laaaaaang!!!"
"Ahhh-- Ikaw na naman?! Ang kulit mo talaga no?! Wag mo yakapin ang paa ko!!"
"Ayaw mo kasi ako paniwalaan eh T-T"
"Bumitaw ka na nga!!"
Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya pero di nya parin tinatanggal yung pagkakayakap nya. Ang lakas nya!
"BITAW KA NA KASI!"
"AYAW" at umiling iling pa sya.
Akala ko ba demonyo to? Parang bata naman tong kausap ko eh. Grabe ganito ba lahat ng demonyo?
"Ang kulet mo talaga no? May pupuntahan pa ako!"
"Ayaw! Papakawalan lang kita pag naniniwala ka na demonyo ako"
"Pag naniwala ako dyan sa pinagsasasabi mo, bibitaw ka?" Tumango sya. Sigh, sige na nga
"Oo na! Naniniwala na ako sayo, bumitaw ka lang!"
Pagkasabi ko nun, agad syang bumitaw at tumayo. Hay, buti natapos na yun pinagtitingnan na kami ng mga ibang estudyante na napapadaan sa amin eh.
"Naniniwala ka na? Na demonyo ako?"
"Syempre hindi, kung demonyo ka nga talaga asan ang sungay mo bat' wala ako nakikita?"
"Ayun lang naman pala eh"
Naka cross arm ako sa kanya habang pinagmamasdan sya. Gwapo nga talaga sya. Kaya imposibleng isa syang demonyo. Tama, joke time nga lang to maghanda sakin kung sino man nasa likod nito
"Eto oh"
Yumuko sya at hinarap sakin ang ulo nya. Tinitigan kong mabuti kung meron nga talaga. Halos lumabas ang mga eyeball ko nung makita kong may sungay sya nilapit ko pa ang ulo nya para masigurado ko na di ako namamalik mata.
Meron nga syang sungay! Di masyadong malaki yung sungay nya pero obvious na sungay sya,maliit nga lang talaga kaya di mo makikita.
"Demonyo ka nga"
Binitawan ko na yung ulo nya. Grabe sa dami kong nakikitang multo ngayon lang ako nagulat at sa dinami dami pa na dapat kong nakita,bakit demonyo pa?! BAKIT?!