Chapter 3- No.

5 0 0
                                    

"At bakit ko naman gugustuhin na mapunta sa impyerno aber?!"

Tanong ko habang naka pamewang at naka taas ng kilay. Impyerno daw?! Ayoko doon, sinong gusto mapunta doon?

"Ikaw ang gusto ng boss namin, ikaw ang gusto nya mapangasawa at lalong magpalakas sa kaharian"

Hindi ko sya pinakinggan at nag suot ng jacket. Dirediretso ako lumabas sa kwarto

"Oy saan ka pupunta?!"

"Sa lugar na hindi mo ako masusundan"

Dirediretso ako lumabas ng bahay. Ayoko muna makipagusap sa kanya baka matuluyan ako sa impyerno. Sinong matinong tao anga papayag sa deal na yan? Siguro kahit baliw na tao hindi papayag sa mga sinasabi nya eh

Pumasok ako simbahan malapit sa amin. Siguro naman hindi ako masusundan nung devil na yun dito. Umupo ako sa bench malapit doon sa altar ni mama mary. Habang nakaupo ako tinitingnan ko ang mga taong pumupunta sa loob ng simbahan.

Nakakatuwa lang. Kahit medyo dumidilim na at hindi linggo marami parin nagsisimba. Dama mo yung pananalig nila.

"Hindi rin masama yung napuntahan mong lugar ha"

Teka kilala ko yung boses na yun ah!

"Ano ginagawa mo dito?!"

Napatakip sya ng tenga

"Aray naman! Ano pa edi sinusundan ka diba ako nga guardian devil mo?"

Pero-- paano? Bakit?

"Bawal masasamang nilalang dito diba? Paano ka nakapasok?!"


Umiling iling sya

"Tsk! Tsk! Ayla, kung merong mabuti meron ding masama lahat kaya puntahan ng isang demonyo kahit bahay ng diyos"

Hindi na ako nagsalita pa. Baka lalo pang lumala ulit ang away namin. Nakakapagod na sa isang araw. Ilang minuto kaming tahimik bago sya mag salita

"Mga pakitang tao"

"Ha? Paano mo naman nasabi?"

Nakatingin sya sa mga tao na nagpupunta sa simbahan. Nakakunot ang noo nya at parang naiinis.

"Ang iba dito napilitan lang na magsimba, ang iba naman ginawa lang excuse para makipag kita at mag lakwatsa, ang hirap kasi sa inyong tao ginagawang excuse ang simbahan para sa personal na kagustuhan."

Nakatitig ako sa kanya. Seryosong seryoso yung mukha nya, halatang galit sa mga dumadaan na mga tao.

"Hindi ba dapat matuwa ka? Kasi hindi sila sumasamba sa diyos, hindi sila nananalig sa kaaway niyo?"

"Siguro yung iba matutuwa, pero ako hindi. Iba ako sa mga kasamahan kong demonyo."

Nilingon nya ako at ngumiti

Dug...

Iniwas ko yung tingin ko. Ano yung nangyari kanina? Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guardian DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon