Chapter 1- Ghost or Devil?

26 1 0
                                    

Nag aayos ako ng gamit ko at naghahanda na pumasok. Notebook,Module ano pa ba ang kulang? Tama! ballpen mahirap na mawalan ng ballpen


Bago ako bumaba ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng huling beses. Ok na to. Agad akong bumaba at naabutan ko si tita sa may kusina na naghahanda ng almusal namin


"Ayla, bilisan mo at kumain ka na baka malate ka pa sa pagpasok mo"

"Opo tita"


Umupo na ako sa isang upuan katapat nya at ganun din sya tahimik lang kami kumain


Kung nagtataka kayo at walang anak si tita nancy, matandang dalaga sya di na raw sya nagkaroon ng time na maghanap ng love life dahil masyado daw syang tumutok sa akin. Tinuturing nya na raw kasi akong tunay na anak kaya kaya nyang ipalit ang pansarili nyang kaligayahan para sa akin


Na ito naman ang ikinalulungkot ko, masyado nya kasi akong mahal at pati sarili nya ay pinapabayaan nya. Ayoko ng ganun,ayoko na pag dumating ang araw ay mag isa na lang si tita kung sakali man na umalis ako. Ayoko sya malungkot dahil gaya nya mahal ko rin sya utang ko sa kanya kung bakit may bahay akong matitirhan at nag aaral


Tinapos ko agad ang pagkain ko. Nagpaalam na ako at dumiretso agad sa labas. Di pa naman talaga ako masyadong late medyo maaga pa nga eh 8:00 ang pasukan namin at 7:20 pa lang ng umaga. Walking distance lang din ang layo ng eskuwelahan mula dito kaya baka 7:40 ay nandun na ako


Habang naglalakad ako parang may yapak ako na naririnig. Medyo kinabahan ako dahil feeling ko ako ang sinusundan nya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko at ganun din ang ginawa ng tao na nasa likod ko. Ano ba yan natatakot na ako imposibleng mga multo ito dahil hindi sumasayad ang mga paa nila sa lupa


Dahil napapagod na ako sa paglalakad ng mabilis ay pinagpasyahan ko na harapin ang sumusunod sa akin, bahala na kung mamamatay tao ito


"Ano ba---


Nagtaka ako dahil walang tao. Bakit wala? Rinig na rinig ko yung pag yapak ng sapatos nya at sigurado ako na ako ang sinusundan nya pero bigla bigla nalang syang nawala. Weird.


Pagdating na pagdating ko sa school ko hinanap ko agad ang bestfriend kong si fallon. Iginala ko ang mata ko at nakita ko sya malapit sa retail


"Fallon! May ikukwento ako sayo"

"Ayla, kanina pa kita hinihintay eh ano ikukwento mo"

"Di ka maniniwala sa nangyari kanina haban papunta ako dito"


nagsimula na kaming mag lakad palayo sa retail


"Ano nga sabi yun, pa intense pa eh"


At yun nga ikinuwento ko sa kanya yung pangyayari kanina simula doon sa may sumusunod sa akin, sa pagtakbo ko at doon sa pagkawala ng taong yun


"Aha! alam ko na stalker mo sya at sobrang obssesed sya sa iyo kaya hanggang dito ay sinusundan ka nya"


Napatingin ako sa kanya bigla


"Ako? Magkakaroon ng stalker? Sa simple kong to? Nababaliw ka na ba?!!"


Napatakip sya ng tenga sa sigaw ko


"Ang OA mo naman di mo naman kaylangan sumigaw kung ayaw mo maniwala sa akin no? Pero, malay mo naman kase diba"


Baliw talaga.


*****

Natapos ang klase namin at agad kami bumaba ni fallon. Na eexcite na kasi sya kumain matakaw kasi yang babaeng yan pero hindi naman tumataba


"Fallon pwede mauna ka na sa canteen na ccr na kasi talaga ako eh"

"Sige maghahanap na ako ng table natin"


Tumakbo agad ako papuntang cr


Pagtapos ako matawag ng kalikasan nag ayos muna ako ng sarili sa salamin grabe pawis na pawis ako kakatakbo kanina. Naghilamos muna ako ng mukha pero ang ikinagulat ko ay nung pagdilat ko ay may isang lalaki na kasing edad ko ang nasa likod ko sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako


"Ahhhhhh!! ANO GINAGAWA MO DITO PARA TO SA MGA BABAE HINDI PARA SA--- HMMM!"


Di ko natuloy yung sasabihin ko dahil tinakpan nya yung bibig ko gamit ang kamay nya


"Ang ingay mo naman sige ka pag nag ingay ka mabibisto tayo dito ng di oras"


Sino ba to?! Tinanggal ko ang kamay nya sa bibig ko


"Teka nga bat ka andito?! Manyak ka no?! Bobosohan mo dito yung mga babaeng nag ccr?!" Dinuro ko sya at lumayo ng kaunti

"Ako manyak hindi ah, pero magandang ideya yung naisip mong mangboso ako hahaha"


Napakunot ang noo ko sa sinabi nya


"Teka nga sino ka ba ha?!" kunot noo akong nagtanong sa kanya


"Ako si Brandon galing sa pinakailalim na lupa, isang demonyo at ako ang iyong guardian devil"

--------

Please Comment and vote po Thank you!

My Guardian DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon