CHAPTER 1

6 1 0
                                    

Pano ko ba sisimulan to, nag kakilala kami nong mga bata pa kami.

Childhood friend.

Hindi naman lahat mananatili e, lahat nag babago.

Hindi naman lahat naka focus lang saatin, may kanya kanya din tayong buhay.

Nakita ko uli siya nong mag high school ako. Hanggang tanaw lang ako sa kanya sa malayo. Isa ako doon sa mga babaeng nag kaka gusto sa kanya at malabo niyang mapansin.

Kalaunan, naging mag kaibigan uli kami.

Naging sila ng kaibigan kong si Dara, naging sila ng ilang araw at minabuti nilang maging mag kaibigan nalang.

Umabot sa point na naging kami.

Akala ko yun na yung last....

na kami na talaga.

Maayos naman kami, sabay kaming grumaduate ng senior high.

Nag bago ang lahat nang mag college kami, mag kaiba kami ng course.

Maayos naman kami nong una...pero habang dumadaan ang mga araw, nag bago siya.

Wala na siyang oras...

Wala na siyang oras para sakin.

Hanggang sa....

Nag aantay kami sa iba naming kaibigan, dahil mag l'lunch kami ng sabay sabay. Napag desisyunan kasi namin kahit iba iba na yung room na pinapasukan namin, mag kakasama pa din kami mag lunch.

Matapos ang lunch, bumalik kami sa bench.

"May gusto kaming sabihin." sabi ni Dara, tumayo din si Jiro na katabi niya.

Bigla akong kinabahan. May mga nag sasabi din kasi saakin na nakita daw nila si Dara at Jiro na mag kasama.

Binalewala ko yun kasi may tiwala ako kay Jiro at Dara tsaka mag kakaibigan kami. Natural naman na pwede silang mag sama.

Hindi sila ganon...hindi nila magagawa yon.

"Sorry, Charm at Dale." sabay na sabi ni Dara at Jiro. "Bakit kayo nag so' sorry?" naguguluhang tanong ni Dale.

"Hindi namin to gustong mangyari pero...narealize naming...." nag dadalawang isip pa siya kung itutuloy niya ba.

"Simula nong mag break kami, narealize naming gusto pala talaga namin ang isa't isa." sabi  ni Dara. "Ano bang sinasabi mo Dara?" tanong ni Dale.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Sorry, Dale." sabi ni Dara. "Totoo ba ito?" singit ni Ley. Hindi sila kumibo.

Totoo nga.

"Alam ko naman na darating itong araw na ito...na aamin kayo. Bakit pinatagal niyo pa?" sabi ni Dale.

May alam din si Dale? May nag sabi din sa kanya?

"Para saan lahat yung pinaramdam mo sa aking gusto mo ako, Dara? Maayos naman tayo ah, wala naman tayong pinag aawayan. Maayos tayo, Dara." sunod sunod na sabi ni Dale.

Gusto ko ding mag salita, gusto ko din mag labas ng saloobin, pero hindi ko magawa.

"Sege, mag break na tayo." wala sa sariling sabi ko. "Charm..." tawag ni Jiro.

"Binalewala ko yung mga sinasabi nilang lahat tungkol sainyong dalawa, kasi may tiwala ako sainyong dalawa. Sinira niyo ang tiwalang yon ngayon." sabi ko sa kanilang dalawa bago ako umalis doon.

Always YouWhere stories live. Discover now