CHAPTER 4

4 1 0
                                    

"Ibigay mo sa akin yung gilid."
"Akin na yung gilid."

Sabay na sabi ni Jiro at Dale habang nakatingin sa akin.

Hindi ko kasi kinakain yung gilid ng slice bread.

"Akin nalang." Mabilis na kinuha ni Khen sa kamay ko yung gilid ng tinapay.

Habang kumakain ako, sabay na nilagay ni Dale at Jiro sa harap ko yung Yakult. Nabaling sa kanilang dalawa yung atensyon ng mga kaibigan namin.

"Jiro."

Seryosong tawag ni Dara.

"5 mins." singit ni Khen, habang busy sa iniinom niya. "Mag ready na tayo." sabi ni Ley.

Nag si kilos naman kaming lahat. Mabilis naming inubos ang kinakain at iniinom namin.

Kumatok si Dylan sa kwarto kung saan natutulog si Tiff.

Nagulat kami sa sigaw ni Tiff.

"DYLANNNN." sigaw niya

"TULONGGGGG." sigaw niya pa.

"Pakawalan niyo ako, mag bibirthday pa ako mamaya." sabi niya.

Natawa kami sa kaniya.

Nag pumiglas siya, tsaka naman siya binaba ni Dylan.

"Gusto ko pa mag birthday, gusto ko pa ikasal...gusto ko pa mag ka anak...gusto ko pa makasama yung pamilya at mga kaibigan ko. Mahirap bang hilingin yun??" sunod sunod na sabi niya.

Pigil na pigil yung tawa namin sa mga pinag sasabi ni Tiff.

"Tinutupad niyo na ba yung kahilingan ko? Papakawalan niyo na ba ako?" mabilis na sabi niya pa.

Muntik na kaming tumawa ng malakas.

"Sala-.."

Hindi niya natuloy ng makita niya kami.

"Happy Birthday, Tiff." bati namin sa kaniya.

"Thank you. Pinakaba niyo ako." sabi niya.

Pinabihis namin siya kasi hindi pa natatapos yun doon. Mabilis namin sinindihan yung mga candles sa baba.

Pag labas namin, nandon na silang lahat. Nasa likuran na ng curtain yung family ni Tiff at Dylan. Tumayo na din kami sa harap ng curtains habang si Dylan pumunta na sa pwesto niya.

"Kayo na sunod nito." biro ni Ley kay Dara at Jiro.

Biglang may naramdaman akong kakaiba....hindi ko na pinansin yun. Binalewa ko yon.

Lumabas si Tiff, bumagsak yung curtains at gumilid yung family ni Tiff at Dylan.

"Tiff, will you marry me?" sabi ni Dylan.

"Yes."

"Parang gusto ko din." bulong ni Ley habang nag pupunas ng luha. Natawa kami sa reaksyon niya.

Pasimple kong pinunasan yung luha ko. Masaya kami para sa kaibigan namin.

Matapos yung pag propose, tumambay kami sa tabing dagat. Nag usap kami nng kung ano ano habang nainom ng alak.

Pasimpleng binigay ni Dale yung jacket na dala niya habang busy sila. Nahagip ng mata kong nakatingin sa akin si Jiro. Napaiwas naman siya at tumingin kay Ley na nag sasalita.

Always YouWhere stories live. Discover now