CHAPTER 6

4 1 0
                                    

"Bakit?" tanong ko. "Wag na wag kang mag papalinlang sa mga kilos niya, Charm. Wag na wag mong bibigyan ng meaning yung mga sinasabi at kilos na ginagawa niya sayo." seryosong sabi ni Dale.

"Ganitong ganito din sila noon." mahinang sabi niya.

"Ayokong masaktan ka." sabi niya bago siya pumasok sa bahay namin.

Napatigil ako sa pag pasok, lumabas si Mom at Dad kasama si Dale.

"Pasensya na, Dale." sabi ni Mom.

"Dale..Charm, anak." baling sa amin ni Dad. "Kailangan namin bumalik sa company. Nakapag handa na kami ng dinner, kumain nalang kayo." sabi ni Dad.

"Tsaka next time pag hindi busy yung parents at mga kapatid mo, sa labas tayo kumain." sabi ni Mom kay Dale.

"Opo, Tito at Tita. Ingat po kayo." sabi ni Dale. "Opo, Dad..Mom. Ingat po." paalam ko.

Hindi na nag tagal sila Mom at Dad, nag mamadali silang umalis.

"Madami yung hinandang pag kain nila Mom at Dad." sabi ni Kuya pag kapasok namin. "Ayain niyo nga mga kaibigan niyo." sabi pa ni Kuya.

"Busy din kasi sila Tito at Tita pati na yung mga kapatid mo." sabi ni Kuya kay Dale. "Mga kaibigan niyo nalang." dagdag niya pa.

Naka recieve ako ng message galing kay Dale.

"Nag aaya yung Kuya ni Charm dito sa kanila, may foods na naka handa. Ngayon na." chat niya sa group chat namin. "Pag hindi daw kayo pumunta, wag na daw kayo mag papakita kay Kuya Chad." dagdag pa ni Dale.

"Talagang tinakot mo pa." natatawang sabi ko.

Hindi nag tagal dumating naman yung mga kaibigan namin. Kahit si Dara at Jiro nandito.

"Zayn, naka uwi ka na pala. Kailan pa?" salubong ni Kuya Chad kay Zayn. "Kanina lang." tugon ni Zayn.

"Bakit wala si Khen? Nag kita na ba kayo?" tanong ni Kuya. "Nag bakasyon si Khen, kasama yung kambal. Hindi pa kami nag kita kita. Balak namin na puntahan siya doon sa resort bago sila umuwi." sabi ni Zayn.

Dahil isang taon lang yung agwat namin kay Kuya Chad, parang tropa tropa lang pag uusap usap. Hindi ko nga namalayan na naka sundo agad nila si Kuya Chad noong pinakilala ko sa kanila nong grade 12.

Habang kumakain, nag usap usap lang kami.

Walang nag salita about sa nangyari kanina, lahat iwas na iwas sa pwedeng lumabas sa bibig ng bawat isa.

Nanatili lang akong tahimik dahil alam kong anytime, pwedeng masabi ko ang nangyari kanina.

"Ang tatanda niyo na, wala ba kayong balak mag ka pamilya? Tingnan niyo si Khen may anak na kambal tapos may mapapangasawa na. Naka ipon at may mga trabaho na kayo, kayang kaya niyo na mag pamilya." sunod sunod na sabi ni Kuya.

Natahimik kami, kasi totoo. Natawa nalang kami kay Kuya. Napakadaldal niya talaga.

"Oo nga pala...si Dylan at Tiff, malapit ng ikasal. Bakit hindi kayo gumaya? Congrats sa inyo, mag anak agad kayo." sabi ni Kuya.

"Thank you, Kuya Chad." sabay na sabi ni Dylan at Tiff. "Mag aanak kami agad." natatawang sabi ni Dylan.

Natawa nalang kami.

"Ikaw Zayn, wala ka bang naiwan sa ibang bansa. Baka hindi ka lang nag sasabi may naiwan ka na palang pamilya doon." biro ni Kuya.

"Naku Kuya Chad...wala sa ibang bansa yung gusto ko." nakangising sabi ni Zayn.

Nag hiyawan naman kami sa hirit ni Zayn. Biniro biro pa namin siya.

"Nandito ba?" nakangising tanong ni Kuya. Bago pa makasagot si Zayn, sumingit na ako.

"Kuya ang daldal mo." singit ko. "Kaya nga mag kapatid tayo e." natatawang sabi ni Kuya.

"Kay Dale at Charm naman tayo." baling sa amin ni Kuya. Sana pala nanahimik nalang ako.

"Pano kayo mag kakaroon ng pamilya kung palagi kayong mag kasama?" natatawang sabi ni Kuya Chad sa amin ni Dale.

"Isa din itong si Ley e, silang dalawa ni Khen." baling ni Kuya kay Ley. "Antayin mo Kuya Chad, yung ipapakilala ko sayo." natatawang sabi ni Ley.

"I sure mo yan, yan na ba yung manli-." pinutol ni Ley yung sasabihin ni Kuya. "Kuya Chad naman, wag mo naman ako ilaglag." biro ni Ley.

"Ay ewan." sabi ni Kuya bago siya bumaling sa amin ni Dale.

"Kulang nalang dito ka na tumira. Bakit hindi mo nalang dalhin dito yung mga gamit mo? Total lagi ka naman dito." baling ni Kuya kay Dale.

"Hindi na kailangan Kuya Chad, nandiyan na yung iba kong gamit." natatawang sabi ni Dale.

Napahawak nalang ako sa noo ko.

"Wala ba kayong balak na bigyan kami ng pamangkin." sabi ni Kuya sa amin ni Dale.

"Bago mo sabihin yan, kailangan may anak at asawa ka na." pag bwe-bwelta ni Dale. "Oo nga no?" pag sang ayon ko.

"Ang lakas ng loob mong sabihin yan, wala ka ngang anak at asawa." sabi ni Dale habang tumatawa.

"Hindi ka sure." tugon ni Kuya, yung ngiti niya aabot na sa tenga niya.

"Malapit na." dagdag niya. Napatayo kami ni Dale sa narinig namin.

"Seryoso?" sabay na tanong namin ni Dale. "Secret haha." sabi niya at biglang tumayo. "Napakadaya mo." sabi ni Dale.

Aalis na sana si Kuya Kaya lang bumaling siya kay Jiro at Dara.

"Buti naman naka balik uli kayo dito sa amin." sabi ni Kuya kay Dara at Jiro. Bago pa mag salita si Dara at Jiro, inunahan na sila ni Kuya. "Sabi nitong mga kaibigan niyo na busy kayo." sabi ni Kuya.

"Masaya akong makita kayong mag kakasama uli, sana sa sunod na punta niyo dito kompleto kayo." seryosong sabi ni Kuya.

Nag madaling umalis si Kuya, may lakad daw kasi siya.

"May tinatago yun." sabi ni Dale.

"Napakadaldal niya." sabi ko."Mas madaldal sayo." sabi ni Dale.

Natawa nalang kaming lahat.

Niligpit namin yung pinag kainan pag ka alis ni Kuya.

"Thank you sa foods, pasabi nalang kay Tita at Tito pati na rin kay Kuya Chad." sabi nila. Nandito na kami sa labas ng bahay.

Unang umalis si Tiff at Dylan.

"Saakin ka na sumabay." baling ni Zayn kay Ley. "Hindi na, may susundo sa akin." sabi ni Ley.

Bigla naman may tumigil na sasakyan sa harap ng gate namin.

"Mauna na kami. Hindi na siya baba, may pupuntahan pa kasi kami." paalam ni Ley.

Pag alis nila Ley, sunod naman na umalis si Zayn.

"Mauna na ako, thank you sa foods. Pasabi nalang kina Tito at Tita na bibisita nalang uli ako." sabi ni Zayn bago umalis.

Naiwan kaming apat.

"Mauna na kami. Salamat sa foods." sabi ni Jiro.

"Dale."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always YouWhere stories live. Discover now