The Gay Billionaire's Desire

3.8K 106 14
                                    

“Ano kaya ang feeling makipag-sex sa babae?”

Muntikan nang maibuga ni Violet Azariah Mercedes ang iniinom niyang alak nang biglang magsalita ang kanyang baklang kaibigan na si Kendrick Orson Guzmano, o mas kilala ng lahat bilang Kendra.

“What the fuck, Kendra? Lasing ka na ba, girl?” nakangiwing tanong ni Violet.

Napanguso si Kendrick at namumungay ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi mapigilan na kabahan ni Violet sa uri ng titig ng kanyang Gay best friend. Matagal nang magkakilala sila Kendrick at Violet, simula pa noong elementary sila at simula no’n ay bakla na talaga si Kendrick pero hindi pa mashadong ladlad kagaya ngayon.

Marami ng naging boyfriend si Kendrick at alam lagat iyon ni Violet dahil bestfriend niya ito. Gwapo si Kendrick pero sayang lang dahil gwapo rin pala ang gusto nito. Dating crush ni Violet ang bakla pero nang magkaroon na ito ng kanyang first boyfriend noon ay tinigilan na niya ang kanyang pagkakagusto.

“Try kaya natin, Violet? Magkaibigan naman tayo,” mapang-akit na sabi ni Kendrick.

Napalunok sa kanyang laway si Violet at hindi mapigilan na kabahan sa sinabi ng kaibigan.

“O-Okay.”

Hindi alam ni Violet kung ano ang pumasok sa kanyang utak at pumayag sya sa kagustuhan ng kanyang baklang kaibigan.

Magugustuhan kaya nila ang kanilang gagawin?

The Gay Billionaire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon