2. Seduced

2.6K 107 28
                                    

CHAPTER 2

VIOLET'S POINT OF VIEW.

PUMUNTA kami sa isang bar ni Kendrick at uminom kami ng alak, ito ang tinutukoy niyang date, hindi iyong date sa restaurant. Bet ko rin naman na uminom kaya hindi na rin ako nagreklamo at may mga pulutan naman kami rito.

Maingay ang paligid at nakikiindak na rin ako rito sa aming table. Si Kendrick naman ay halatang naghahanap ng mga lalaki kaya hindi ko mapigilan na mainis at napasimangot habang nakatingin sa kanya.

Sabi ko na nga ba't iba ang intensyon ng baklitang ito! Bwesit naman. Gustong-gusto ko siyang masolo pero mukhang hindi ko ito magagawa dahil kahit anong mangyari ay mga lalaking malaki ang notes talaga ang hanap nito.

"Kendrick!" malakas kong pagtawag sa kanyang pangalan kaya napatingin siya sa akin.

Matamis niya akong nginitian na para bang hindi niya ako in-ignore kanina pa.

"Yes, baby?" malambing nyang sabi.

Napairap ako.

Nakakainis. Bakit kasi bakla 'to?

"Kanina pa kita tinitignan at tinatawag pero busy ka sa paghahanap ng fafa! Nakakainis. Akala ko ba mag-date tayo?" inis kong sabi.

Mahina siyang tumawa at lumapit siya sa aking kinauupuan at inakbayan ako. Mabilis niya rin akong hinalikan sa aking pisngi at sumandal siya sa aking balikat.

"Hmmm. Tampo naman itong baby ko! Sige, ganito na lang, mag-rent na lang tayo ng private room dito at doon na lang tayo mag-inuman sa loob. Keri ba 'yan sa 'yo?"

Napangiti naman ako sa kanyang sinabi at kumapit ako sa kanyang braso at tumango.

"Yes, baby! Let's go na."

Mahina siyang tumawa at sabay na kaming tumayo ni Kendrick.

Agad kaming nag-rent ng isang private room at pumasok na sa loob. Nag-order din kami ng maraming alak at pulotan. May videoke rito sa loob kaya agad na nagpatugtog si Kendrick at namili din ako ng kakantahin ko rito sa hawak kong songbook.

Si Kendrick ang unang kumanta dahil sabi niya ay broken-hearted siya kaya ilalabas niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Hindi ko mapigilan na mapairap at mapasimangot habang pinagmamasdan si Kendrick.

Hello?! Date kaya namin ‘to! Tapos ‘yung utak niya nasa lalaki niya pa rin?! Nakakainis.

Binuksan ko ang bote ng alak at naglagay ako ng alak sa aking baso at agad ko itong diretsong ininom.

“Ayarn! Nakapili na talaga ako ng kakantahin ko,” humagikhik si Kendrick at kinuha niya ang mic.

Nang tumugtog na ang pinili niyang kanta at bahagya niyang kinembot ang kanyang beywang at sinulyapan ako at kinindatan.

“This song is for you, babe!” sabi ni Kendrick sa akin at nagsimula na siyang kumanta.

“Lunes! Nang tayong nagkakilala!” pagsimula sa pagkanta ni Kendrick.

Tangina.

Isang linggong pag-ibig pa ang kinanta ng baklita!

Mukhang na wrong send ata ang baklitang ‘to dahil malayong-malayo na para sa akin ang kanta niya.

“Martes, nang tayo’y muling nagkita!” bumirit siya.

Umarte pa si Kendrick na parang hinihika habang nakaharap sa akin pero hindi ako natutuwa sa kanyang ginagawa, naiinis ako!

Inirapan ko siya at nag-focus ako sa aking pag-inom ng alak at kumain din ako sa mga pulutan namin. Tuloy-tuloy siya sa kanyang pagkanta at lumapit pa siya sa akin at sumayaw sa aking harapan na parang tanga.

The Gay Billionaire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon