1. Violet Azariah Mercedes

2.6K 101 13
                                    

CHAPTER 1

“Violeeet!!”

Napatigil ako sa aking pagta-trabaho nang biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina at pumasok ang pinakamaingay at pinakanakakairitang nilalang sa buong mundo.

“Bestie!” tumili siya at pakembot na lumapit sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit habang nakaupo pa rin ako sa aking swivel chair.

Nang maramdaman ko na ang mahigpit niyang pagyakap sa akin at itinulak ko na siya palayo at tinignan ng masama.

“Ano ba! Hindi mo ba nakikita na serious mode ako ngayon?!” inis kong sabi sa kanya.

Napasinamangot siya at naglakad papunta sa may couch at umupo rito habang nakatingin pa rin sa kanya.

“Hindi mo ba ako namiss? Grabe! Alam mo bang araw-araw kitang iniisip? Hibdi ako makatulog nang maayos kaiisip sa ‘yo kung anong ginagawa mo rito sa Pilipinas, Violet. Para akong may ka-LDR tapos malalaman ko na lang na hindi mo pala ako namiss? Sana hindi na lang ako bumalik dito sa Pilipinas at nag stay na lang ako sa Paris!” nagda-drama niyang sabi habang nakangusong nakatingin sa akin.

Inirapan ko siya at napasandal ako sa aking upuan habang nakatingin pa rin sa kanya.

“Ang OA, Kendrick Orson Guzmano, ah?!” sinadya kong banggitin ang buo niyang pangalan kaya napangisi na rin ako nang makita ko siyang parang nandidiri.

“Yak! Ano ba ‘yan, Violet! Kendra! Kendra ang pangalan ko! Sabunotan kaya kita diyan?!” inis niyang sabi.

Mahina akong napatawa sa kanyang naging reaksyon. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya at umupo ako sa kanyang kandungan at mabilis siyang hinalikan sa kanyang pisngi at niyakap siya ng mahigpit.

“I missed you, bakla! Akala ko hindi mo na ako babalikan dito sa Pinas, eh. Akala ko nakahanap ka na ng boylet doon sa Paris kaya ang tagal mong hindi umuwi,” sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya at nakaupo sa kanyang kandungan.

Napahagikhik siya at niyakap niya rin ang aking beywang upang hindi ako mahulog.

Normal lang sa amin ito ng aking kaibigan na si Kendrick Orson Guzmano, o mas kilala ng lahat na Kendra. Kahit na Kendra na ang tawag sa kanya ng iba, Kendrick pa rin ang tawag ko sa kanya dahil doon na ako nasanay.

Isang CEO si Kendrick sa kanilang kompanya, ang Guzmano Group of Companies. Siya lang ang nag-iisang anak ng kanyang mga magulang kaya wala siyang choice kundi ang pangalagaan ito. Kahit na bakla si Kendrick ay tanggap pa rin siya ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ama na mahal na mahal siya at tanggap ang kabaklaan nitong kaibigan ko.

Kahit na makulit na bakla ito si Kendrick ay kinatatakutan pa rin siya ng mga empleyado nila sa kanilang kompanya, maldita kasi ang isang ‘to at masyadong perfectionist. Marami nang nagresign sa kompanya dahil hindi nakayanan ang kalupitan ni Kendrick pero marami pa rin ang nag-stay dahil sa kalakihan ng kanilang sweldo ro’n.

“Date me, Violet Azariah Mercedes,” paos niyang sabi habang nakasiksik sa aking leeg.

Hindi ko mapigilan na kiligin sa uri ng boses na ginamit ni Kendrick nang sabihin niya iyon sa akin. May lihim akong pagtingin sa aking kaibigan pero hindi ko ito sinabi sa kanya. Lihim nga diba? May lihim bang sinasabi? E ‘di hindi na ‘yun lihim!

“Why?” mapaglaro kong tanong sa kanya at pinigilan pa rin hanggang ngayon ang kilig.

“Hmmm. ‘Cause I missed you so damn much?” patanong niyang sagot sa aking tanong at nag-angat na siya ng tingin sa akin at nakita ko siyang nakanguso ngayon.

Shit naman!

Ang sarap halikan ng labing ‘yan! Ang sarap siguro laplapin ng baklang ‘to?

Napalunok ako sa aking laway at mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. Aalis na sana ako sa pagkakaupo sa kanyang kandungan nang mahigpit niyang mahawakan ang aking balakang kaya hindi na ako tuluyan na makatayo. Hinarap ko siya at tinignan ng masama.

“A-Ano ba! Bitawan mo nga ako!” nakasimangot at natataranta kong sabi sa kanya.

Mas lalo siyang napanguso, mukhang nagpapa-cute pa talaga sa akin.

Nako naman! Jusko naman. Utang na loob! Ayoko pong magkasala.

“Sagutin mo kasi muna ang tanong ko, babe!” sabi niya.

“Ano ba ‘yang tanong mo kasi?!”

“Date nga kasi tayo!”

Napapikit ako sa aking mga mata at pinakalma ko muna ang aking sarili.

Violet Azariah Mercedes... Kumalma ka. Bawal mo siyang halikan, bawal mo siyang laplapin!

Baka masabunotan ka bigla ng babaitang ito!

“Oo na! Bitawan mo na ako! Makikipag-date na ako sa ‘yo!” at sumuko na rin ako sa wakas.

Binitawan na ako ni Kendrick at bago ako makaalis sa kanyang kandungan ay mabilis niya akong hinalikan sa gilid ng aking labi na ikinagulat ko nang bongang-bonga.

Hinay-hinay akong tumingin sa kanya pero parang wala lang siya sa kanyang ginawa kanina at nakangisi lang siya ngayon na parang tuwang-tuwa.

“Magbo-boy hunting tayo ‘ron, ah? Nakakainis ‘yung jowa ko! Binigyan ko lang no’ng pinakagusto niyang sapatos ay hindi na ulit nagparamdam sa akin! Tangina niya. Ginawa pa akong sugar mommy!” inis na sabi ni Kendrick.

Napailing na lang ako at umalis na sa kanyang kandungan at inayos ko ang aking suot.

“Bawal mag boy hunting! Diba date tayo? Dapat sa akin ka lang!”

Tumingin siya sa akin at ngumisi siya nang nakakaloko.

“Ayieee! Selos ka naman, babe. Crush mo talaga ako!” sabi niya.

Nanlaki ang aking mga mata at inirapan ko siya.

“G-Gaga! Hindi kita crush bakla ‘to! Assuming!” sabi ko at mabilis na tumalikod sa kanya.

Lihim kong pinaypayan ang aking sarili at pinakalma.

Vilolet, kumalma ka!

Ang hirap talaga kapag patago kang nagkakagusto sa kaibigan mo.

Ang mas mahirap pa ay bakla ang nagustuhan mo!

Fck this feelings for him!

Kailangan ko na talagang maghanap ng lalaking jojowain ko.

Hindi pwedeng palagi na lang akong ganito kay Kendrick.

TO BE CONTINUED...


The Gay Billionaire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon