3. HURT

1.7K 47 16
                                    

CHAPTER 3

VIOLET’S POINT OF VIEW.

“Babe, I’m sorry. Nalasing ako nun at nadala lang ako sa emosyon ko. Hindi ko intensyon na halikan ka at sabihin ang mga salitang ‘yon. Like, ew! Hindi ikaw ‘yung ew, ah? Ew kasi nasabi ko sa ‘yo yun kahit na mag best friend tayo! Alam mo naman, same lang tayong girls kaya hindi dapat tayo talo, ‘no! Babe, sorry talaga. Nagsisi talaga ako sa ginawa ko nung nalasing ako!”

Gusto ko sana sabihin sa kanya ngayon na tama na. Hindi ko kailangan ang apologies niya. Hindi ko kailangan ang sorry niya. Mas lalo lang akong nasasaktan habang sinasabi niya ang mga salitang iyon sa akin ngayon. Parang pinapamukha niya sa akin na kahit kami na lang dalawa sa mundong ito, hinding-hindi niya ako papatulan.

Ouch.

Super nasaktan ako sa sinabi niya lalo na’t labis akong umaasa na may progress sa pagitan naming dalawa.

Akala ko tuluyan na siyang bibigay sa akin, pero hindi... Natauhan siya sa ginawa niyang paghalik sa akin pabalik. Bumalik na naman siya sa pagiging Kendra niya.

“Okay lang. Kalimutan mo na ‘yun, babe,” malamig kong sabi habang hindi pa rin siya tinitignan ng diretso sa kanyang mga mata.

Ayoko siyang tingnan eh—nasasaktan lang ako lalo.

“Babe naman!” pumunta sa harapan ko si Kendrick habang nakanguso.

Halikan ko kaya ang labi ng baklang ‘to para manahimik?!

“Galit ka ba sa akin? Sorry na kasi!” pangungulit niya.

Napapikit ako sa aking mga mata at huminga ako ng malalim.

Violet... Kumalma ka lang. Hindi ka pwedeng mapuno.

Muli kong iminulat ang aking mga mata at tinignan ko siya ng seryoso.

“Okay lang sa akin, babe. Hindi ako galit, okay? Tumahimik ka na diyan dahil may trabaho pa ako,” seryoso kong sabi at muli kong ibinalik ang atensyon ko sa aking mga paperwork.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Kendrick.

“S-Sorry, Violet. Maiwan na muna kita. Naistorbo kita sa trabaho mo,” mahinang sabi ni Kendrick at tuluyan na siyang lumabas sa aking opisina.

Sinundan ko ng tingin si Kendrick hanggang sa tuluyan na siyang makalabas sa opisina ko. Napakagat ako sa aking labi at nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking dibdib.

Huminga ako ng malalim at napahilamos ako sa aking mukha.

Tama ka na, Violet! Para kang tanga. Alam mo naman na bakla si Kendrick—hinding-hindi ka niya magugustuhan.

Mandidiri lang si Kendrick at lalayo sa akin ng tuluyan kapag malaman nito na pinagnanasahan ko siya simula pa noon. Sigurado akong lalayo siya sa akin at ayokong mangyari ‘yun. Hindi ko kakayanin na lumayo ang loob niya sa akin!

“ATE, bakit kasi hindi mo na lang sabihin kay Kuya Ken ang totoo? Para naman malaman mo kung may pag-asa ba, o wala!” sabi ng kapatid ko na si Pink.

Oo, may kapatid ako at kulay rin ang uri ng pangalan niya. Tatlo kaming magkakapatid. Ako, si Pink, at ang bunso namin na lalaki na si Blue.

“Ayoko nga mag take ng risk, Pink! Paano kung lalayuan niya ako? Hindi ko kaya ‘yun,” nanghihina kong sabi.

Bumuntong-hininga si Pink at lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa aking balikat.

“Bakit kasi hindi mo na lang sagutin si Kuya Mark, Ate?”

Nag angat ako ng tingin kay Pink ng sabihin niya iyon sa akin. Si Mark Kenneth Fernandez, ang matagal na ring nanliligaw sa akin. Pero hindi ko masagot-sagot dahil may mahal nga akong iba... At si Kendrick yun.

Bumuntong-hininga ako at napatingin muli sa aking kapatid.

“A-Ayoko naman na gumamit ng ibang tao para lang kalimutan ang lalaking mahal ko, Pink. Hindi ako manggagamit!”

“Hindi naman in a bad way ‘yan, Ate! Subukan mo lang na mahalin si Kuya Mark. Baka kapag sinagot mo siya, baka mawala na ‘yang nararamdaman mo para kay Kuya Ken. Baka feeling mo lang iyan na may gusto ka sa kanya kasi lagi kayong magkasama. Kaya mas mabuti na sumama ka na lang muna sa ibang lalaki,” seryoso na sabi ng kapatid ko.

Bumuntong-hininga ako ulit at tumango.

Mas bata sa akin si Pink ng apat na taon, pero siya ang lagi kong hinihingian ng mga advice. Writer din kasi ang isang ‘to at ang dami na niyang nasusulat na mga love stories at mga nababasa sa libro kaya marami rin siyang nasasabi.

“T-Thank you, Pink....”

Tama, kailangan ko munang lumayo kay Kendrick. Kaya rin siguro feeling ko may feelings ako sa kanya kasi lagi kaming magkasama.

Mawawala rin ito.

Kendrick:
Babe! Labas tayo? Arat! Boy hunting lang sana. Free ka ba?

Nag-text sa akin si Kendrick. Gusto kong um-oo sa pag-aaya niya sa akin, pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko.

Huminga ako ng malalim bago ko siya replyan.

Violet:
I’m sorry, babe! Busy kasi ako now. Next time na lang. Ingat ka!

Mabilis kong pinatay ang phone ko ng ma-send ko na iyon kay Kendrick. Napakagat ako sa aking labi at napahinga sa aking kama.

Tulala ako ngayon habang nakatingin sa may kisame.

Bakit ba kasi ako nagkagusto sa best friend kong bakla?

Bakla si Kendrick.

Marami na siyang mga naging boyfriend. Hindi na siya magbabago—hindi siya magiging lalaki para sa akin.

Delulu lang ang mag a-assume na kaya niyang magbago. Matagal nang bakla si Kendrick at ganun na talaga siya.

Masasaktan lang ako lalo.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong napa hagulgol.

Tinakpan ko ng unan ang aking mukha at tahimik akong umiyak.

Sh*t! Ang sakit mahulog sa best friend mo.

Pero mas masakit na ang best friend mo ay bakla dahil wala ka na talagang pag-asa para sa kanya.

Kailangan ko na talagang iwasan si Kendrick.

Maintindihan niya naman ako kapag ginawa ko ‘yun, diba?

Hindi ko na talaga kaya.

Sobrang sakit na.

Kailangan ko na siyang bitawan... Kailangan ko nang itigil itong kahibangan ko.

I need to entertain other guys to forget my feelings for my gay best friend.

TO BE CONTINUED...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gay Billionaire's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon