25

8 1 23
                                    

Kiana's POV

"Thank you sa libre, Glen Adrien!" Axia and I thanked him, naisipan kasi namin na magsabay sa pagthathank you

"Welcome" simpleng sagot lang nito saamin

"Uuwi na ba tayo?" Sean asked

Kakatapos lang naming mag-lunch sa isang restaurant and kasalukuyan kaming naglalakad dito sa loob ng mall.

"Yeah, may gagawin pa akong plates eh. Bonding nalang ulit tayo next time!" so we decided to go home na

"Thank you for the ride! Ingat kayo." I bid my goodbye to them bago bumaba sa kotse

Alas dos palang ng tanghali.

"Ma! Nandito na po ako." sigaw ko para malaman nilang nakauwi na ako bago tumaas papunta sa kwarto

Humiga ako sa kama ko pagkakita ko rito at hindi ko namalayang nakatulog ako.

Nagising ako dahil sa ingay ni ate.

"Ang ingay mo naman!" reklamo ko

"Alas kwatro na, bumangon ka na diyan!" sabi lang nito bago umalis ng kwarto

Tinignan ko tuloy ang phone ko at totoo nga, alas kwatro na.

Pero bago ako bumangon ay tinignan ko muna yung message ni Sean, nasa notification kasi.

Sean:
Hey! I have things to do tomorrow, are you free tonight? Tonight nalang tayo magfriendly date :(

Ang cute nung emoticon! Pero ano raw? Tonight as in ngayong gabi?

"Sige, umalis na kayo! Ingatan mo tong si Kiana huh? Uwi kayo bago mag-10." bilin ni papa at tumango naman si Sean

Hindi ko alam paano niya napapayag ang mga magulang ko para igala ako ngayong gabi. Alas sais palang naman.

"Ang lakas mo naman kanila mama at papa," i said as soon as we entered his car

"Ako pa, Sean Angelo kaya ito!" pagyayabang nito bago inistart ang kotse

"Saan pala tayo?" I asked dahil wala naman akong idea kung saan kami gagala

"Night market! Then punta tayo sa seaside, gusto mo?" tumango ako dito

Buti nalang nagjacket ako at leggings, for sure malamig sa seaside.

"Gusto mo mag-tuhog tuhog nalang tayo?" he asked and of course i nodded, sinong aayaw sa tuhog-tuhog???

We finally arrived at the night market. Nagpark lang siya then bumaba na kami.

Syempre dumiretso na kami sa part ng ihawan.

"Anong gusto mo?" tanong nito

"Limang isaw, dalawang barbeque, tapos ten pesos na fishball." sagot ko rito

Tumango ito at bumili na.

Habang ako naman ay palinga-linga sa paligid habang bumibili siya. Hindi ganun karami ang tao pero rumarami na sila. Sabagay, mag-seseven narin naman ng gabi.

"Tara doon oh!" nilingon ko si Sean na tapos na pala bumili, hawak nito ang mga binili niya kaya kukunin ko sana yung iba kaso umiling lang ito at tinuro gamit ang nguso niya yung part na gusto niyang upuan

Kaya naman naglakad kami papunta doon.

"Oh ito ang sayo" sabi nito sabay abot saakin ng pagkain

"Thank you." I thanked him before sitting down

"So, how are you?" tanong nito

"Luh, magkasama lang tayo kanina tapos tatanungin mo ako niyan?" he chuckled because of what I said

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon