4

22 3 0
                                    

Kiana's POV

Where do broken hearts go?~

Huhuhu!!! Why baby Draze?! Why???

"Hoy! Gaga ka! Nagmumukmok ka diyan at umiiyak na parang tanga eh hindi naman naging kayo!" napatingin ako kay ate na nasa harapan ko ngayon at nakapameywang

"Ate naman eh! Ikaw kaya ang makaramdam ng nararamdaman ko para malaman mo na masakit!" sabi ko dito pero inirapan niya lang ako

"Yan kase! Assuming ka masyado at feelingera!" sabi pa nito kaya ako naman ngayon ang napairap

Duh! Halos lahat naman ata ng tao eh may pagka-assuming at pagka-feelingera!

"Alis ka na nga lang ate! Hayaan mo na ako dito!" sabi ko dahil nasasaktan na nga ako eh iniinis pa ako ni ate

"Tss! Bahala ka nga diyan! Mamaya pagkatapos mong mag-emote diyan, hugasan mo daw yung mga pinagkainan!" sabi nito bago lumabas

Haist! Bakit ba kasi hindi ka saakin nagkagusto Draze???

-

Katatapos ko lang mag-hugas at nandito ako ngayon sa kama ko, nakahiga at nag-iisip-isip.

Naisip ko ang mga kalokohang ginawa ko para mapansin lang ng The Moon especially Draze.

Nagawa ko lang naman kasing sumigaw habang may hawak na banner. Sakit sa throat nun! Lagi kong silang binabati kahit na minsan eh di nila ako pinapansin. Ouch! Mga di namamansin! Natry ko na ring di kumain dahil sa pag-iintay tuwing may concert sila sa iba't ibang school or sa school mismo! Natry ko na ring hindi mag-meryenda para lang mag-ipon para sa ticket ng mga performance show nila at mga merchendise nila! At natry ko naring mag-daydream tungkol kay Draze at saakin habang may klase, napagalitan nga ako eh!

Dami ko na palang napagdaanan. And ngayon ko lang naisip na para akong baliw sa mga pinaggagawa ko. Pwede namang maging normal na fangirl pero ang OA ko masyado!

Kaya napag-isip isip ko rin na simula sa lunes eh hindi na ako magiging OA, susuportahan ko sila pero hindi na gaya nung dati na halos sundan ko sila pag wala akong klase. Diba, baliw ko?! Amp!

"Kianabersss!!!!! Where you at?" napabangon ako dahil sa narinig ko

Si Kolin nandito!

"Kolin~" tawag ko dito at agad na dinamba siya ng yakap ng makita ko ito

"Hindi naman halatang miss mo ako, babaita kaa!!" sabi nito at yumakap pabalik

Kolin Hernandez, my gay friend. Nagkakilala kami nung high school kami at hanggang ngayon eh close parin kami kahit na magkaiba na kami ng pinapasukang paaralan. Friends rin naman sila ni Louisse kaso mas close lang talaga kami ni Kolin.

"Kianabers, nandito pala ako para sabihin sa iyo na...." nagtaka naman ako kung bat huminto siya

"Pasuspense?" tinaasan ko ito ng kilay at napabuntog hininga naman siya, "Hala! May problema ka? Ano yun? Sabihin mo baka matulungan kita!" nag-aalalang sabi ko

"B-buntis a-ako ate!" sabi nito at umaktong naiiyak pa kaya binatukan ko ito

"Gaga! Pano ka mabubuntis eh di ka naman babae!" sabi ko dito at tinawanan naman ako nito

"Hahaha! Charot lang kianabers! Wag kang ma-hb diyan. Mawawala beauty mo! Pero nasaan pala? Di ko makita!" binatukan ko ulit ito

Ang kulit talaga nito!

"Tse! Kung nandito ka lang rin pala para bwisitin ako, the door is open. Pwede ka ng lumayas!" at tinuro ko pa kung nasaan yung pinto namin

"Charot lang naman eh! Hahaha, aayain sana kita. Punta tayo mall!" sabi nito kaya tumango lang ako since matagal ko naman ng gustong mag-mall

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon