11

15 3 0
                                    

Kiana's POV

"Ma, alis na ako! Medyo late pala akong makakauwi mamaya!" paalam ko at tumango ito

"Sige, hi mo nalang ako kay Sean anak!" napairap nalang ako bago umalis

Halatang gustong gusto talaga si Sean. Parang siya na ang anak. Naalala ko tuloy yung time na pumunta dito si Sean para lang ipaalam na bestfriend ko na siya.

Inuwi niya ako noon mula sa first bestfriend date namin, at doon siya nagpakilala kanila mama, papa, ate at bunso.

Naalala ko nga yung sinabi nila mama ng makauwi ito. "San mo naman nakilala yun? Buti nakipagkaibigan sayo! Masyadong gwapo eh tsaka maldita ka kaya!" Sabi ni mama na nagpairap saakin noon

"Sabihin mo saakin kapag nanligaw yun sayo ah!" napangiti naman ako sabay sabing,

"Di yun manliligaw saakin! Ano ka ba naman pa!" tatawa tawa ko pang sabi pero napanganga nalang ako sa sinagot nito

"Alam ko. Kaya nga sabihan mo ako kapag nanligaw yun sayo para matanong ko kung sigurado ba siya o ginayuma mo siya!"

Sirang sira noon ang gabi ko kasi inaasar ako ni ate at ni bunso dahil sa sinabi ni papa. Nakipag-apir pa si mama pagkatapos sabihin ni papa yun! Kainis, parang di ko sila pamilya!

So back to reality, nandito na ako ngayon sa sinabi ni Sean na paghintayan ko. Pero wala pa siya kaya nilabas ko ang phone ko para contact-in siya.

I dialed his number and after three rings he answered.

"I'm here na. Where are you?" narinig ko naman ang tawa nito sa kabilang linya

"Masyado pang maaga girl! Alas nuebe ang usapan. Eight thirty palang! Excited ka girl?"

Napairap nalang ako at pinatayan ito ng tawag. Aish! Bat kasi di ko naisip na maaga pa? Nagmukha tuloy akong excited!

Lesson: I-check muna ang oras kung maaga ka ba or late na para di magmukhang excited sa lakad niyo.

-

"Haha! Excited ka talagang makita ako noh?" tumaas taas pa ang kilay niya na tila nang-aasar

"Hindi noh! Napaaga lang kasi gusto kong takasan yung mga gawaing bahay!" rason ko which is half true naman

"Wala! Rason rason pa eh alam ko naman na. Don't worry bestfriend, tanggap parin kita kahit deny ka ng deny." umirap nalang ako at nauna ng pumasok sa sasakyan

He's already 19 so pwede na siyang magdrive. And he already have his student license.

"Saan ba tayo ngayon?" tanong ko dahil hindi pa niya sinasabi kung saan kami pupunta

"Sa bahay namin." nanlaki ang mata ko at napatingin dito

"Seryoso?" tumango ito at ang tingin ay nasa daan parin

Gosh! Paano kung masungit yung magulang niya?!

"Bat di mo ako sinabihan? Ang gago mo eh noh? Di ako nakapagready!" nginisian lang ako nito kaya mas nainis ako, "Sean naman eh! Kakainis ka. Sinabihan mo dapat ako para naman nakadala ako ng regalo!"

"You don't have to. Just bring yourself and don't be nervous. Di naman sila nangangain ng tao!" napatingin nalang ulit ako sa labas ng bintana

Oo nga naman. Why would i be nervous? Eh kaibigan ko lang naman ang anak nila. Kaibigan lang.

After a long ride, nakarating din kami. Their house was so big! Papasa na bilang mansyon but you can see the simplicity on it. Hindi siya magarbong tignan pero hindi rin naman pangit tignan. It's more on classy.

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon